> seven.

80 11 21
                                    

Dear Kiel,

Malapit na ang birthday ko. Sana naman matapos na ang mga problema natin.

Nabalita ko na malapit mo na maabot ang mga pangarap mo, Kiel. Masaya ako para sa 'yo. Unti-unti mo nang naaabot lahat.

'Wag mo akong alalahanin, Kiel. Babawi ako. Hindi ko alam kung kelan basta babawi ako.

Eksaktong birthday ko nakita kita na may kasamang iba. Siguro kaibigan mo lang 'yon.

Nakalimutan mo na ata birthday ko, Kiel. Hindi mo man lang ako nabati.

Tinext kita na pumunta tayo sa tambayan. Hinintay kita sa tambayan natin. Nakalipas na ang mga ilang oras, wala ka pa rin. Naghintay pa rin ako. Hanggang sa nag-gabi na, Kiel. Wala ka. Walang Kiel na pumunta.

Nag-sorry ka sa 'kin sa chat na hindi ka nakapunta. Ang sabi ko, okay lang, hindi rin naman ako pumunta.

Dumalaw ako sa kapatid ko. Nag-kwentuhan lang kami. Kiel, binati ako nang happy birthday ng kapatid ko.

Hindi ko napigilang umiyak dahil siya lang ang nakaalala sa akin, wala nang iba, maski ikaw.

Ansaya namin nu'ng gabi na 'yon, puro lang kami kwento. Pero hindi ko alam na agad din pa lang babawiin ang mga saya na 'yon.

Sa mismong birthday ko namatay ang kapatid ko. Masakit. Sobrang sakit.

Dear Kiel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon