Dear Kiel,
Agad akong pumunta ng Hospital nang malaman kong isinugod ka.
Nasasaktan ako. Ang dami mong mga sugat, pasa sa katawan. Pero mas lalo akong nasasaktan dahil alam kong ako ang dahilan nang mga 'yon.
Naabutan ko ang Daddy mo sa labas ng kwarto mo. 'Yung mga tingin niya sa 'kin ay punong-puno ng pandidiri. Punong-puno ng pang-huhusga.
Kinausap ko ang Daddy mo kahit alam kong galit siya sa akin. Nag-makaawa ako na sana, 'wag ka na niyang saktan. Na sana, 'wag ka na niyang sasaktan pa.
Ginawa ko ang lahat, Kiel. Lumuhod ako sa Daddy mo, ginawa ko lahat para lang itigil niya ang pananakit niya sa 'yo.
Ang sabi niya, tuluyan na kitang layuan kapalit no'n. Pero Kiel, masama na ba 'ko kung ayoko? Ayokong iwan ka.
Nando'n ka nu'ng mga panahong may problema ako, tapos ako iiwan kita? Hindi p'wede 'yon, Kiel. Ayoko.
Wala na akong pake sa sinabi ng Daddy mo na ako naman daw ang paparusahan niya hanggang sa sumuko na tayong dalawa at itigil na. Ang mahalaga lang sa akin ang kaligtasan mo, Kiel. 'Yun lang ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
Dear Kiel,
Short Storya short story. ꒰ dear series one ꒱ akala ko tayo hanggang dulo, pero akala ko lang pala.