> six.

78 14 9
                                    

Dear Kiel,

Nalaman mong nag-sinungaling pala ako sa 'yo. Kinausap mo ako no'n, medyo nagkaroon tayo ng away.

Galit ka no'n, sobra. Alam ko kung bakit ka nagagalit. Hindi dahil sa nag-sinungaling ako sa 'yo ngunit dahil sinisisi mo ang sarili mo.

Ilang beses ko sayong sinabi na hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita na naman kitang nasasaktan, at dahil na naman sa akin.

Palagi na lang nang dahil sa akin. Gano'n na ba talaga ka-ayaw sa akin ng mundo? Tanggap ko naman, eh. pero hindi ko matatanggap kapag madadamay ka na naman nang dahil sa akin.

Kiel, okay lang ako. Kiel, hindi ako pagod. Kiel, kelan man hindi ako napapagod.

'Yan ang palaging sinasabi ko sa 'yo. Dahil ayaw kong nag-aalala ka sa 'kin.

Ang tanga ko na siguro 'no? Sinasarili ko na lang ang lahat.

Dear Kiel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon