CH1

3.5K 40 3
                                    

"Teacher Lily!! Teacher Lily!"

sigaw ng isang batang umiiyak at tumatakbo papalapit sa akin. Siya ang isa kong estudyanteng si Betty na madalas ay tampulan ng tukso sapagkat siya ay bungal.

"Bakit Betty??anong nangyare?"

malambing kong tanong saka naupo kapantay niya para makitaa ang muka nito.

"teacher Lily.. si Marcus po inaaway nanaman ako. Ang sabi niya hindi na daw po ako tutubuan ng ngipin kahit kelan."

umiiyak niyang sumbong sa akin kaya hinaplos ko ang buhok nito at nginitian.

"Betty.. Hindi totoo yan.. Bata ka pa. Tutubuan ka pa ng ngipin basta alagaan mo ang mga ngipin mo.."

"iyun nga din po ang sinabi ko kanina kay Marcus pero hindi daw yun totoo."

"halika.. Samahan mo ko kay Marcus at kakausapin natin siya."

hinawakan ko ang maliit niyang kamay at sabay naming tinungo ang mga iba niyang kaklaseng abalang naglalaro sa playground.

"Marcus.. Anak halika dito."

tawag ko sa batang lalaking naglalaro ng jeep jeep sa buhanginan. Agad naman niyang binitawan ang laruan niya at lumapit saken pero tinignan muna niya ng masama si Betty.

"Inaway mo nanaman ba si Betty?"

malambing kong tanong sa kaniya.

"siya naman po kasi nauna teacher Lily. Sinabihan niya akong monster kaya sinabihan ko din siyang bungal."

tinignan ko si Betty para alamin kung totoo ba iyon pero ang bata ay agad na yumuko at nilaro ang hibla ng damit.

"sinira po niya kasi yung ginawa kong bahay bahay. kaya tinawag ko po siyang monster."

"Sinira mo ba Marcus?"

"Hindi ko naman po sinasadya teacher. Diba nagsorry na nga ako?! sinabi ko na ngang di ko sinasadya na natapakan ko??"

"oh tama na.. tama na.. wag na kayong magaway. Betty magsorry ka kay Marcus dahil sinabihan mo siya ng monster.Magsorry ka din Marcus kay Betty dahil inasar mo siyang bungal."

utos ko sa dalawa. nuong una ay ayaw pa nila mabuti na lamang at nagpakumbaba na si Betty.

"Sorry Marcus."

Hindi agad sumagot ang kausap niya kaya nilingon ko si Marcus kaya napilitan itong sumagot.

"sorry din Betty."

Napangiti ako sa ka kyutan ng dalawa saka ginulo ang mga buhok nila.

"Ayan. Maganda sa mga bata ang marunong magsorry. Kung may kasalanan kayo sa isang tao, dapat magsorry kayo. Atsaka hanggat maaari mga bata ayoko sanang nakikitang nagaaway away kayo. Masama ang nakikipagaway. dapat puro love lang. Ha?? next time ayoko ng malamang nakikipagaway pa kayo ha? dapat lahat kayo dito friends."

"opo."

sagot ng dalawa saken kaya lumaki lalo ang ngiti ko.

"oh siya, maglaro na kayo. Wala ng magaaway ok? tatapusin ko lang yung ipapasa ko kay Principal tapos finish na naten play time ninyo kasi malapit na ang uwian."

Ngumiti saken ang dalawa at sabay tumango.

Pagkatayo ko mula sa pagkakaupo para mailevel ang muka ko sa mga bata ay napasulyap ako sa kabilang kalsada... Anduon nanaman ang itim na kotse at nakaparada sa tapat ng store di kalayuan sa school namin. Parati kong nakikita ang itim na kotseng iyan hindi lamang sa school kundi pati narin sa bahay. Alam kong iisang kotse lamang iyon dahil iisa lang ang plakang gamit nito. Nuong una ay halos matakot ako at mapraning dahil pakiramdam ko ay sinusundan ako ng kotseng iyan. Ngunit umabot ng isa, dalawa,tatlo hanggang sa di ko na mabilang kung ilang taon na akong minamanmanan ng kotseng iyan ay nawala narin ang takot ko. Felling ko nga ay parang security guard ko na ang itim na kotseng iyan.

Ako nga pala si Lily Flores, 10 years ago ay pinatay nila ang aking ina sa mismong pamamahay namin at nasaksihan ko iyon.Naging traumatic para saken ang araw na nakita ko kung paano nila binaril sa ulo ang aking ina kaya naman kinailangan akong magundergo sa isang Psychological therapy. Unti unti ay bumalik ako sa dati.. minsan oo napapanaginipan ko ang traumang iyon pero nalalabanan ko na ito at pilit kinakalimutan. Sa sampung taong lumipas, naging masayahin ako, naging palabiro at madaldal minsan kaya naman natutuwa silang makitang may inimprove ako. Dahil sa wala na akong kilalang ibang kapamilya ay inampon ako ng mga madre sa isang Kumbento at sila na ang nagpaaral saken hanggang sa magkolehiyo ako. Kumuha ako ng kursong Bachelor of Education in Early Childhood major in Values Education at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ako with honors. Pagkagraduate ko ay nagtake agad ako ng Liscensure exam at luckily,naka one take lang ako at nakapasa. Nagapply ako sa isang kindergarten school kaya naman andito ako ngayon at nagtuturo sa mga bata. magdadalawang taon na din ako dito at nararamdaman ko namang masaya ako sa ginagawa ko ngayon.

Dahil sa kaya ko naman ng buhayin ang sarili ko ay kumuha ako ng isang maliit lamang na for sale house and lot. Maliit lamang ito at sakto lamang sa isang tao kaya naman nabili ko ito sa murang halaga.

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso muna ako parate sa isang convenience store para makabili ng mga kakailanganin sa bahay dahil wala narin naman na akong stock sa ref. Mabuti na lamang at sumahod na kami ngayong araw kaya makakabili ako ng maraming pagkain para sa isang buwan.

Tulad ng dati ay ngingitian ko ang mga clerk duon at magpapasalamat bago ako lumabas.

Dahil hindi ako nananghalian kanina ay bigla akong nakaramdam ng gutom kaya kumain muna ako ng fishball sa tabing kalsada. Binuksan ko ang binili kong coke in can atsaka uminom habang kumakain.

Nuong naramdaman kong busog na ako ay nagbayad na ako at nakangiting naglakad na pauwi sa bahay. Ramdam kong nakasunod parin sa akin ang kotse dahil alam naman natin kung may nakasunod sa atin pero hindi na ako natatakot dahil hindi naman nila ako inaano baka kako ay mabait naman silang tao.

Iyon ang pagkakamali ko.

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon