CH20

658 9 0
                                    

Nakasimangot at halatang galit si Lily na umuwi dahil nagmamadali itong bumaba ng kotse at iniwan na si Spade na tahimik ding nakasunod sa kaniya. Dire diretso ang dalaga sa paglalakad at tumigil lamang sa harapan ni One na napatingala at nagulat sa pagdating ni Lily. She literally cornered One.

"Mam.."

"Akala ko ba maayos niyo akong pinagresign sa trabaho ko?"

panimula ni Lily na nagtitimpi ng galit. Nagets naman agad ni One ang pinupunto ng dalaga.

"Ang sabi mo nagpasa kayo ng resignation sa School. Ang sabi mo! Ginaya ni BoE ang pirma ko. Pinagresign niyo ba talaga ako o pinatay niyo na ako sa mga taong malalapit saken?!"

Sigaw nito kay One kaya hindi makaimik ang lalaki. Napalingon siya kay Spade na humihingi ng tulong.

"Walang kasalanan si One. Ako ang nagsabing palabasin ka ng patay para hindi na sila magtanong."

Singit ni Spade na ipinagtanggol si One kaya galit na nilingon ni Lily ang lalaki.

"So pinagkaisahan niyo ko ganon?? Sa tingin mo ba pag inako mong ikaw ang nagutos na sabihing patay na ako hindi na ako magagalit?? Mga bata ang pinagsinungalingan ninyo! Mga alaga ko sila sa loob ng dalawang taon tapos bigla ninyong sasabihing namatay ako??! Ngi hindi na nga ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos tapos papatayin niyo pa ako sa kuwento ninyo?! Spare the kids!"

sigaw ng dalaga na naluluha dahil sa galit niya.

"Wala ka ng babalikan sa labas. Kaya para sa kanila, patay ka na. Kaya puwede ba? wag ka ng magdrama jan."

Pagsasampal ni Spade ng katotohanan kay Lily.

"Ako nagdadrama? huh. Wow~ Palibhasa kasi kayo mga wala ng buhay kaya gusto ninyo, lahat ng taong nasa paligid ninyo mamatay narin kasama ninyo. Mga wala kayong puso."

Punung puno ng hinanakit na sabi ni Lily saka niya inirapan si Spade at si One. Nadamay na din sila BoE at Vipe kaya lahat sila ay nairapan bago siya galit na umakyat.

Napakamot naman ng ulo si One na halatang guilty.

Napaikot naman ng mata si Spade at napakamot ng kaonti sa kaniyang ulo dahil sa inasta ni Lily.

"Tama na yan. Wag niyo ng pansinin yun. Kamusta lakad niyo? ilang baril ang hinihingi nila?"

pagiiba ni Spade ng topic at isinantabi na ang pagmamaktol ni Lily.

Hindi narin nila pinansin ang dalaga at nagconcentrate na lamang uli sila sa kanilang trabaho.

♠️♠️♠️♠️♠️

Hindi bumaba at kumain si Lily nang gabing iyon dahil masama parin ang loob niya. Kaya naman para gumaan ang loob niya,napagdesisyunan ni One na dalhin nalang sa kwarto niya ang pagkain. Kasama sa dadalhin niyang pagkain ay ang binili niyang yema donut pampalubag loob.

"Mam Lily.."

malambing na tawag sa kaniya ni One pero sinungitan siya ng dalaga.

"Anong ginagawa mo dito? pinapasok ba kita?"

"Mam Lily sorry na.. Hayaan mo naman akong magpaliwanag."

"Ano pa bang ipapaliwanag mo? Nakita ko ang isa kong estudyante kanina, Umiiyak siyang niyakap ako. Ang sabi niya sinabi niyo daw na patay na ako. Hindi naman magsisinungaling ang bata diba?? Idedeny mo pa?"

"Hindi ko naman idedeny mam. Aaminin ko naman eh. Basta bigyan mo lang ako ng chance na magpaliwanag."

"Sige. magpaliwanag ka. Pero siguraduhin mong may sense yan."

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon