CH6

1.1K 19 0
                                    

AUTHOR'S POV

Alas otso ng umaga nang dumating si Spade sa Pilipinas kaya Agad siyang sinundo ng isa nilang kasamahan at inihatid pauwi sa mansyon. Naka black suit ito, naka shades at nilalaro ang gold rolex niya. Tahimik lamang siya sa biyahe habang nakatingin sa may bintana at tinitignan ang mga nadadaanang lugar. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na din sila sa Mansyon kaya agad itong bumaba at inayos ang tuxedo bago dire diretsong naglakad papasok. Nakahilera ang mga kalalakihan sa may pintuan upang batiin siya ng malaigayang pagbabalik. Dinaanan lamang niya ang mga ito na nakayuko bilang respeto sa kaniya at ni isa ay wala siyang nilingon o pinansin man lang. Dirediretso etong umakyat sa napaka habang hagdan at halos mapapreno si One sa pagtakbo ng masalubong niya si Spade.

"Kuya Spade!! Welcome back!! dumating ka na!"

Masiglang bati ni One kay Spade ngunit sinagot lamang niya ito ng mahinang 'Hmm' with a blank face at di man lang siya tinignan.

Nagtuloy tuloy ito sa paglalakad sa hallway habang sinusundan siya ni One na tuwang tuwa.

"Kamusta dito."

Cold na tanong ni Spade kay One.

"ok lang naman kuya.."

"Balita ko nasugod kayo kagabi."

seryoso nitong tanong pero naglalakad parin ito.

"oo Boss kuya. Pero naagapan naman namin. Hindi naman sila ganon ka armado atsaka dadalawa lang sila."

sagot ni One pero hindi nagreact si Spade.

"Nasan yung babae."

tanong nito uli na para bang hindi narinig si One.

"Anjan sa kwarto niya. Kanina pa--'

"Pakawalan niyo ko dito!! ayoko na dito!! Tulungan niyo ko!!"

biglang kumusot ang muka ni One na tila ba ayaw niya sanang iyon ang bubungad kay Spade pagdating niya.

Ngunit si Spade ay dirediretso parin sa paglalakad hanggang sa tumigil siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Lily. Agad namang napayuko ang dalawang bantay ng kwarto na sila Monsoon At Pacco bilang pagbati at respeto kay Spade na kakarating lamang.

Hindi na kinailangan pang sabihin ng boss nila ang gagawin kaya nagkusa na ang bantay na i unlock ang pintuan at pumasok na ang lalaki habang nakasunod si One sa kaniyang parang buntot.

LILY POV

Napaatras ako bigla nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang di ko pa nakikitang lalaki.

Kung si One ay gwapo, Etong nasa harapan ko ay sobrang gwapo. Jusko. Bakit ang daming gwapo sa mansyon na to??

Sa totoo lang ay hindi ako fan ng mga lalaking may hikaw pero iba ang dating saken ng lalaking to. Mayroon siyang hikaw sa magkabilaang tenga pero bumagay ito sa kaniya.

Mas lalo pa akong natameme nang alisin niya ang kaniyang shades kaya kitang kita ko ang mga mata niyang... Blanko?? Bakit ganon? bakit parang wala akong mabasa sa mga mata niya?

pinasadahan ko siya ng tingin at napansin kong napaka linis niyang tao. Naka brush up ang kaniyang buhok at maayos na nasuklayan, mayroon din siyang tattoo sa kaniyang leeg na.. Pakpak?? pakpak ba iyon?

"Para sa babaeng hindi pa kumakain ng dalawang araw, malakas ka paring manghampas ng pintuan."

panimula nito kaya napunta ang atensyon ko sa muka niya.Nakakatakot siya magsalita. Parang lahat ng sasabihin niya BATAS.

"Alam mo bang yang sigaw mo abot hanggang sa bungad ng hallway? Ano bang magagawa mo sa pagsigaw? wala. Nagiingay ka lang dito sa mansyon."

aba. masungit tong lalaking to. Iba ang aura niya kay BoE. masungit si BoE pero itong taong to... Nakakatakot.

"Kung.. kung ayaw.. kung ayaw mong nagiingay ako puwes palabasin niyo ako dito!"

sige Lily magtapang tapangan ka. Siya yung tinutukoy sayo ni One. ewan ko nalang talaga pag sinuntok ka neto straight sa muka.

Akala ko ay sasagutin niya ako pero tinitigan lamang niya ako ng masama. Tama nga si One, iba siya tumitig. Nakakatakot. nakakaintimate. akala mo mangangain ng buhay. Nakahinga lamang ako ng maayos nang panandalian niyang sinulyapan ang di ko ginalaw na pagkain.

"babalikan kita mamaya. Kapag di mo nakain yan pasasabugin ko yang ulo mo."

"Bob..boss."

narinig kong pagrereact ni One na halatang natakot sa sinabi niya. Kahit man din ako ay natakot. Napanganga ako literal sa napaka brutal nitong pamamaraan. Napaka sama niya.

Magsasalita sana ako pero sinamaan na niya uli ako ng tingin na akala mo ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo bago niya ako tuluyang irapan at tinalikuran na.

"Kumain ka na. gagawin niya talaga yan. Sige na."

mabilisang bulong saken ni One bago niya sinundan ang lalaking kalalabas lamang.

Gwapo siya, Totoo yun. Walang halong biro. Pero nakakatakot siya. Yung pananalita niya parang.. Parang kapag namali ka lang ng isang sagot Bibitayin ka na niya, ganon. Ganon ang dating saken. Masungit siya obvious yan. Kun sabagay, hindi naman siya magiging boss kung loko loko siya na parang si One. Sabi nga niya, TRIAD sila. Walang Boss ang triad na friendly, humble at down to earth. Lahat walang halang, walang puso at walang kaabog abog na pumapatay ng tao.

♠️♠️♠️

AUTHORS POV

Habang seryosong naglalakad si Spade ay may pinindot siya sa kaniyang kaliwang tenga. Ang kaniyang NB2 Earbuds na agad nakakonek sa mga kasamahan niya.

"Vipe. Tawagin mo si BoE sa opisina ko ngayon na. Dalhin lahat ng transaction for the past 7 months."

utos nito sa kasamahang kumakain ng sandwhich sa baba.

"Copy boss."

sagot naman ni Vipe kaya pinindot muli ni Spade ang earbud niya para i off ang tawag.

"One sumama ka saken sa opisina may ipapagawa ako sayo."

sabi ni Spade kaya masayang sumagot ng yes boss si One. At tuluy tuloy na ang dalawang naglakad papuntang opisina ni Boss Spade.

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon