"Heto."
Inilapag ni Kao Lun ang isang Pistol sa kaniyang lamesa at ipinakita kay Lily.
"Anong gagawin ko jan?"
takang tanong ng dalaga sa matanda.
"Kung saka sakali lamang na kakailanganin mo niyan, atleast may hawak ka na."
"Hindi ko kailangan niyan."
Tinignan naman siya ni Kao Lun ng napakasama.
"Lahat kami dito ay may hawak na baril maliban kay Xiao Yu sapagkat mayroon na siyang Spade na magbabantay sa kaniya."
"Hindi ako marunong gumamit niyan."
"Wala akong pakealam basta itago mo yan. Kahit sino ay puwede mong barilin. Laruan yan ng mga mafia kaya wala akong pakealam kung sino ang mga mabaril mo."
Sagot naman ng matanda kaya nanginginig na kinuha ni Lily ang baril at tinignan. Puwede kaya niyang gamitin to sa matanda?
"Dahil si Spade ang mapapangasawa ni Xiao Yu, gusto kong ipaalam sayo na si J na ang magbabantay sayo kasama ni BoE at Vipe. Kaya ka naman siguro nilang bantayan."
Naroon nanaman ang bigat sa dibdib ng dalaga. Wala na talaga si Spade sa kaniya. Hindi na talaga sila puwede tulad ng sinabi sa kaniya ng lalaki kanina.
Tahimik na tumango si Lily at itinago ang baril na hawak hawak niya.
♠️♠️♠️♠️
Nakatayo sa balconahe si Lily habang pinapanuod sila Spade at Xiao Yu na nagtatawanan. Actually si Xiao Yu lang naman ang tumatawa at nakikinig lamang si Spade.
Kanina pa dumating ang tatlo ngunit ni minsan ay hindi siya binisita ng lalaki upang kamustahin. Dati Rati naman ay dumadaan ito sa kwarto niya para icheck siya, pero ngayon as in wala na.
"Sana all."
gulat na napalingon sa likuran niya si Lily at nakita niyang nakatayo na sa tabi niya si J na tinitignan din sila Spade sa baba.
"Pano ka nakapasok?"
tumaas ang isang kilay ni J at nilingon ang pintuan.
"kasi nakabukas ang pintuan mo?"
"oo pero bakit hindi ka kumatok?!"
"Bakit? kumakatok din ba si Spade?"
tanong nito kaya natigilan ang dalaga.
"Kakatapos lang akong kausapin ni boss. Mukang ako na ang magbabantay sayo."
Nilingon siya ni Lily at sinimangutan. Hindi niya feel ang lalaki. naguumapaw siya sa kayabangan at para bang napaka conceited niya.
"Happy ka?"
sarcastic kong tanong.
"Mas maldita ka pa nga kay Xiao Yu bakit ako matutuwa? Sa loob ng Apat na taon, si Xiao Yu ang binantayan ko. Tingin mo masaya ako na mas bratinela pa ang babantayan ko?"
"wow ha. Ako bratinela? ako maldita?? Excuse me lang ha Payaso, Para sabihin ko sayo napaka sweet kong tao. Maaalalahanin at napakabait. Wag na wag mo kong ikukumpara jan sa mala demonyita mong alaga ok??"
Napa smirk naman si J at hinarap ang dalaga.
"Sweet? Pano ka maging sweet kay Spade? Yung hahalikan mo sa ferrishweel? ganon ka ba ka sweet?"
Pangaasar ni J at mas lalong napa smirk ng nakakatakot ng makita ang gulat na reaction ni Lily.
"Gulat ka no? Kapag ba ako na ang magbabantay sayo... Hahalikan mo din ba ako?"
BINABASA MO ANG
THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]
ActionSa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang aking inang nagmakaawa at lumuhod sa harapan nilang huwag siyang patayin ngunit nagmistulan silang...