LILY POV
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at naupo mula sa pagkakahiga nuong naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Nakita ko si One na may dalang box ng Donut at inilapag sa tabi ng mesa ko.
"Nagising ba kita mam Lily?"
tanong niya sabay ngiti saken. bakit parang pagod yata siya?
"Bat muka kang pagod?"
"Ah. kakarating ko lang galing sa Batangas."
Batangas? Anong ginawa niya duon? nabasa niya siguro ang iniisip ko dahil sa reaction ko.
"May inutos lang saken si Boss Spade. Matagal na kasi yun kaya kailangan ko ng asikasuhin."
"Spade ba yung gwapong robot?"
siya naman ang nagtaka sa tanong ko. pero kalaunan ay natawa din nung nagets niya kung sino ang tinutukoy ko.
"ah.. oo. gets ko na. Si Boss Kuya Spade. siya yung sinasabi kong pangalawang boss namin. Kanang kamay ni Head Boss.. Spade ang pangalan niya."
"kilala ko siya. Natatandaan ko siya. Siya yung pumatay sa mama ko."
unti unting nawala ang mga ngiti ni One at naging awkward na ang paligid.
"alam mo? alam mo bang siya ang pumatay sa mama ko?"
napakamot siya sa kaniyang ulo pero sumagot din naman siya sa pamamagitan ng pagtango.
"Bakit? bakit kelangan ninyong patayin ang mama ko?"
Hindi ko inakalang makakaharap ko ang grupo ng mga taong sumira sa kinabukasan ko.
"Hindi ko alam ang buong kuwento. Narinig ko lang yan na pinaguusapan nuon nila BoE at Vipe pero hindi ako nagtanong. Pasensya ka na mam Lily pero wala akong maikukwento sayo. Kung gusto mong malaman ang kuwento.. Puwedeng si Vipe at BoE nalang tanungin mo. oh di kaya si Boss Spade nalang. Wala kasi talaga akong alam jan Mam. Pitong taon palang ako dito sa Shadow kaya hindi ko alam ang mga nangyare bago pa ako makapasok dito."
paghingi niya ng pasensya saken. Naiintindihan ko naman siya, Madaldal si One kung may alam siya pero halata sa muka nigang wala talaga siyang alam.
"Nasan si BoE o kahit yung Vipe na sinasabi mo??"
"Nasa Bohol pa sila ngayon. Baka bukas pa ang balik nila."
Bohol?? Namamasyal ba tong mga Mafiang to?? bat pakalat kalat sila?
"Ano namang ginagawa nila duon?"
"may inaasikaso lang na mga products na i eexport."
"Anong business iyan?"
"Confidential po eh. Malalaman mo din pag nasanay ka na dito."
"eh yung magaling mong boss na Spade? Nasaan? nagpapahinga? Buhay boss talaga?'
"Nasa Pampanga ngayon si Boss Spade. May mineet lang duon na grupo na protektado din namin.May inaayos din siyang mga papeles duon."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Saan ba siya galing??"
"Galing siya ng China kasama si Vipe. Siya ang umaasikaso sa Yinying Triad. Ang pangalan kasi ng Triad namin sa China eh YinYing. sa Japan naman ang tawag sa Mafia ay Yakuza,kaya ang tawag ng grupo nmin sa Japan ay Kazo Yakuza. Dito sa Pinas, Shadow Triad. Sa Japan,ang dating naghahandle duon ay si Takashi Haragiri. Kaso, Namatay siya sa isang Ambush kaya si Head boss ang humawak muna pansamantala. Dapat si Kuya Spade ang pupunta duon kaso sumabit yung isa naming kasama sa China kaya mas inuna ni Head boss ayusin ni Spade yun. Nagyon, dapat talaga si Head boss ang uuwi dito para bantayan ka, Ang kaso nagkaroon ng problema sa Japan kaya si Head boss na ang umasikaso at si Spade nalang pinauwi niya dito para bantayan ka."
BINABASA MO ANG
THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]
ActionSa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang aking inang nagmakaawa at lumuhod sa harapan nilang huwag siyang patayin ngunit nagmistulan silang...