"Ano bang problema mo at umatras tayo?! anduon na nga tayo!"
inis na sambit ni Sol pagkadating nila sa campo.
"Sol, alam mong my saltik yung matandang yun. Nakita mo naman kanina kung paano niya laruin ang gatilyo ng baril na nakatutok sa sentido ni Mam Lily."
"Natakot ka na duon??"
"wag mong isusugal ang buhay ni mam Lily kung ayaw mong tayo mismo ang mag away. Isa pa nakita mo naman kanina, ayaw niyang sumama saten. Hindi naman natin siya puwedeng damputin nalang at isakay sa sasakyan. Ang gusto pa niya kasama niya si Spade."
"Isa pa yang si Spade. Bat di mo pa pinatay??"
"Papatayin ko na sana kaso humarang si Mam Lily. Anong gusto mong gawin ko? Barilin sila pareho?"
"Eh di sana pinatabi mo, hinila palayo bago mo binaril si Spade."
"Tingin mo pag ginawa ko yun sasama pa siya saten? Sinusuyo nga natin siya Sol, tapos tatakutin natin ng ganon?"
Napa hiss ang lalaki at nagulo ang kaniyang buhok.
"Paano natin makukuha ngayon si Lily?!"
"Wag kang magalala, Si Spade ang magsusuko saten kay Lily."
napalingon si Sol kay Tabbi.
"Spade?? Panong si Spade?"
"Alam ni Spade na tagapag mana natin si Lily, Diba ibinibigay na niya saten kanina si mam pero si Mam ang umaayaw? Ibig sabihin alam niyang kakampi tayo at hindi kalaban."
"Oh ano naman?"
"Si Spade ang tulay natin para makumbinsi si Mam Lily na sumama saten ng kusa."
"Tingin mo gagawin niya yan?"
"Nagbitiw siya ng salita saken kanina. Kilala mo si Spade, May isang salita yan. May paninindigan. Hindi siya katulad ni J na walang prinsipyo."
Napaisip si Sol at pagod na bumuntong hininga. Sana lamang ay tumupad si Spade sa pangako niya.
♠️♠️♠️♠️♠️
Makalipas ang dalawang araw nakalabas na din ng puting mansion si Spade. Hindi pa ganon naghilom ang mga sugat niya pero pinilit na nitong tumayo dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Sa pagkamatay ni J, ibinilin ni Kao Lun na iiwan niya si Lily sa pangangalaga niya at si Xiao Yu naman ay babantayan na lamang nila BoE, Khun at Vipe. Idinagdag din ni Kao Lun si Czack at Jet na body guard ni Lily kaya tatlo sila nila Spade na magbabantay sa kaniya.
Nuong una ay umayaw si Xiao Yu pero napagalitan lamang ito ng papa niya. Mas kailangan nilang bantayan si Lily kaysa sa kaniya. Sa susunod na araw na ang balik ng matanda sa Japan kaya kailangan na niyang Gumalaw para hindi siya mahirapan sa mga susunod na araw.
"Ayos ka lang ba? Dapat hindi mo muna pinilit tumayo.. Magpahinga ka muna sa kwarto ko.. Duon ka muna."
alalay ni Xiao Yu kay Spade nuong nakapasok siya ng mansion.Nasa malayo naman si Lily at nakatingin kay Spade. Wala siyang ibang magawa kundi ang magalala sa kaniya sa malayuan. Inaway kasi siya ni Xiao Yu at sinabing kasalanan niya kung bakit napuruhan si lalake. Sinisi din niya si Lily sa pagkamatay ni J kaya natatakot ng lumapit ang dalaga sa lalaki.
"Kaya ko Xiao Yu. Ilang araw akong nagpahinga tapos pagpapahingahin mo ko uli?"
"baka kasi mapano ka. siyempre ayokong masaktan ka uli."
hinaplos nito ang muka ng binata ngunit masungit niyang inilayo ang muka nito. At saktong napatingin siya sa puwesto ni Lily na nasa hagdan at tinitignan siya.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]
ActionSa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang aking inang nagmakaawa at lumuhod sa harapan nilang huwag siyang patayin ngunit nagmistulan silang...