CH30

559 10 0
                                    

Alas diyes na ng gabi at halos lahat na ng taong naroon ay nagkakasiyahan na. Ng Sumapit ang alas diyes kinse, napagdesisyunan na nila Kao Lun na lumabas kasama ang napilitang si Lily na nakasimangot the whole time.

tumahimik ang paligid, sumeryoso ang lahat at nirecognized nila ang pagtapak ni Kao Lun sa Harapan ng bulwagan.

"Makalipas ang ilang kulang kulang na isang taon, ako ay muling nagbabalik. Binabati ko kayo sapagkat kayong lahat ay naging masunurin sa ating batas na naipasatupad. Wala akong masyadong narinig na problema dito maliban na lamang sa biglaang pagsugod ng mga ilang mafia group dito sa Mansion. Mobbs, Clan, Gang,lahat kayo, Naging mas malakas pa kayo mula nuon kaya binabati ko kayo. Panandalian lamang ang aking pagbisita dito sa Pilipinas sapagkat inaayos ko pa ang Yakuza natin sa Japan. Ngunit bago pa man din ako makabalik ay Mayroon akong Nais kong ipaalam sa inyo.",

panimula ni Kao Lun kaya natahimik ang mga ilang kasamahan niya. Si Lily ay nasa tabi lamang niya na nakatingin sa sahig at nakakuyom ang dalawang kamay nito.

"Halika dito mahal ko."

Diring diri si Lily sa ginamit na salita ni Kao Lun sa kaniya. Nasusuka siya na isiping magiging asawa niya ang isang matanda.

"Kilala niyo naman siguro si Lily. Kung hindi ako nagkakamali ay ipinakilala na siya sa inyo nuon ni Spade sa Club D. Mga ginoo at binibini na naririto.. This, is Lily Flores, ang bago kong mapapangasawa at ang magiging apo Regina ng shadow!"

Bagama't maraming nagulat, Masaya parin silang nagpalakpakan sa pagpapakilala sa kanila ng kanilang head boss.

Nakangiting hinila ni Kao Lun si Lily sa tabi niya at akmang hahalikan niya ito sa labi ngunit lumingon sa gilid tanda ng pag iwas nii Lily. Hindi niya kayang halikan ang matanda.

Pagkalingon niya ay nakita niya si Spade na nakatingin sa kanila ngunit nagkibit balikat lamang ito. Napasinghap na lamang si Lily ng maramdaman niyang masakit na ang pagkakahawak sa kaniya ng matanda kaya tinignan niya ito. Nakangiti si Kao Lun sa mga tao ngunit pasimple itong nagsasalita at pinapagalitan si Lily.

"Huwag mo akong ipapahiya sa sarili kong piging Lily."

sambit nito kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang umaray ng tahimik. Sinubukan uli siyang halikan ng matanda ngunit hindi na niya ito iniwasan kaya naman nahalikan siya ng matanda sa pisngi. halos mapapikit si Lily sa pandidiri at gustong maiyak dahil pakiramdam niya ay nabastos siya.

Halatang halata din ni Cherry ang reaksyon ng dalaga. Naaawa siya kay Lily ngunit wala din naman siyang magawa.

"Itong gabing ito ay hindi lamang para sa amin kundi para narin sa anak ko."

panimula uli ni Kao Lun na marahas binitawan si Lily.

"Nakita niyo naman, lumalaki na ang ating mafia at panigurado akong madadagdagan pa ang makukuha nating grupo. Si Spade ang tumayong boss ninyo sa palasyo, sa lahat ng transaksyon ninyo, sa lahat ng batas na ginawa ninyo siya ang nagutos. Nahawakan niya ang Shadow ng maayos kung kaya't maliwanag narin sa inyong siya ang susunod sa aking yapak. Kung kaya naman, Nais kong ipakilala sa inyo ang aking anak na si Xiao Yu at ang kaniyang mapapangasawa na walang iba kundi si Spade!"

kung kanina ay wala ng pake si Lily sa event, unti unting nanlaki ang mga mata niya nuong narinig niya ang sinabi ni Kao Lun kaya napalingon siya sa dalawang palapit na sa puwesto nila. Naka hawak si Xiao Yu sa braso ni Spade habang inaalalayan niya ito sa paglalakad.

Imagine the betrayal in Lily's eyes. Bakas na bakas sa muka nito na nabigla siya at nasaktan sa narinig.

"Xiao Yu and Spade both decided to get married dahil papasaan pa ba ang relasyon ng dalawa kundi sa kasalan din. Malugod kong ibinibigay ang kamay ng aking anak kay Spade dahil alam kong maaalagaan niya ang si Xiao Yu at ang Shadow."

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon