NO ONE POV
"Spade! Spade.. Gusto ko lang san---"
Hindi naituloy ni Lily ang sasabihin niya kay Spade nuong pababa siya galing sa taas habang paakyat naman ang lalaki dahil hindi siya pinansin nito at dire diretso lang siyang dinaanan. Kung hindi pa siya tumabi ay baka binangga na siya nito.
Nais lang sana niyang magpasalamat sa lalaki dahil pinayagan siyang makalabas pero na deadma tuloy siya ng di oras.
"Ken i akyat mo na si Mam Lily mo."
Iyon lamang ang ibinilin ni Spade sa nadaanan din niyang lalaking kasamahan niya.Ganoon si Spade, Kapag nagmamadali siya o may lakad ito na kailangan na niyang umalis ay kahit may ibibilin ito, naglalakad siya at siyempre, given ng hindi niya titignan. Kaya kailangan makinig talaga ang binibilin niya.
"Cge boss."
sagot naman ni Ken, kasamahan niya.
Pagkaalis nila ay inalayayan ni Ken ang dalaga pa akyat.
"Magpahinga ka na daw po mam Lily."
"Saan sila pupunta? bakit parang importante lakad nila?"
takang tanong ni Lily.
"May Trabaho po silang gagawin."
"trabaho?? anong trabaho?"
"ah..."
napakamot ng ulo si Ken dahil hindi alam ang isasagot. Kung tama bang sabihin niya sa dalaga.
"Sige na sabihin mo na. Hindi ko naman ichichika. wala naman akong ka chikahan dito"
pangungulit ng dalaga kaya napilitan ang lalaking sabihin.
"May kailangan lang silang patahimiking tao."
Hindi na umimik pa si Lily dahil ayaw niyang makarinig ng ganoong kuwento.Alam niya ang ibig sabihin nung Ken na may patatahimikin sila. Ibig sabihin, may papatayin sila.
♠️♠️♠️♠️
Sa isang madilim na parte ng parking lot ay naroon nakaparada ang black vios nila Spade at minamanmanan ang isang electoral party na nagaganap di kalayuan sa kanila.
Nakapatay lahat ng engine ng sasakyan nila at tahimik lamang sila sa isang sulok ng kalye.
Pinindot ni Spade ang kaniyang Earbuds upang kausapin ang kasama niyang nasa malayo.
"Location."
"Set."
sagot naman ni Vipe at sumunod ding sumagot ang isa nilang kasama na si Czack.
makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Spade.
"Set up?"
"Done."
sagot ng dalawa. Nagantay muna ng ilang minuto uli si Spade bago nagtanong.
"target?"
"lock."
sabay na sagot ng dalawa. si Vipe at Czack ang sniper ng grupo nila. Pumuwesto si Vipe sa di kalayuan at umakyat sa rooftop ng isang building upang makuha niya ang magandang anggulo ng ambush.
Ganoon din si Czack ngunit duon siya sa bandang kanan para hindi malaman ng security guards kung saan nanggagaling ang mga bala. siya ang manlilito sa mga securities.
Matapos makuha ni Spade ang mga sagot nila ay sumagot uli ito.
"Stand by. Antayin niyo signal ko."
Inalis ni Spade ang seatbelt niya at lumabas ng kotse saka inayos ang kaniyang tuxedo at confidently brave na naglakad papasok sa loob ng venue. Mabilisan niyang ipinakita ang ID niya sa security saka niya itinago muli sa bulsa ng tuxedo niya.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]
ActionSa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang aking inang nagmakaawa at lumuhod sa harapan nilang huwag siyang patayin ngunit nagmistulan silang...