Mamaya makakauwi na ako dahil sabi ng doctor maayos na din naman ang lagay ko. Kailangan ko lang munang magpahinga ng ilang araw sa bahay bago ako bumalik sa pag-aaral.
"Dalhin mo na 'yan sa kotse manang" utos ni Mommy. Inaayos na nila ang mga gamit namin para mamaya aalis na lang kami.
Pagkatapos ko kasing inomin ang last na gamot mamayang lunch uuwi na kami.
"Are you fine, hija?" lumapit si Daddy sa akin.
"Yes, Dad."
"Okay pahinga ka muna diyan at aayusin ko lang ang bills," aniya.
"Honey aayusin ko lang ang bills para makalabas na tayo mamaya," baling nito kay Mommy at humalik.
Ang sweet nila ah, ngayon ko lang sila nakitang ganyan. Ibang iba na talaga ang pinapakita ngayon ng mga magulang ko, hindi naman sila sweet, o sadyang hindi ko lang siguro napapansin.
"Okay," sagot ni Mommy at lumabas na si Dad.
Ilang minuto ang makalipas nang lumabas si Daddy pumasok naman si Manang na galing sa baba para ilagay ang mga gamit namin sa kotse.
"Oh ayan Kenny uuwi na tayo, haysttt bata ka 'wag ka ng pasaway," napasapo si Manang sa noo niya at ang isang kamay ay nasa baywang. "Pinapasakit mo ulo ko."
"Sorry na po," ngumuso ako.
"Oh siya, basta 'wag mo na talaga 'yon uulitin ha," bilin niya.
Grabe pala ang naging epekto ng pagtakas ko sa kanila, akala ko noon wala silang pakialam sa akin.
"'Di na mauulit Manang, promise," tinaas ko pa ang kanan kong kamay na parang nanunumpa.
"Manang kain ka muna," inaya siya ni Mommy.
"Sige, hija, lagay mo na lang diyan at kakainin ko maya-maya," close talaga sila ni Mommy, dahil si Manang rin ang nag-alaga sa kaniya noong bata pa siya. Kumbaga noon pa man, sa pamilya talaga namin nagtatrabaho si Manang
"Mommy," tawag ko.
"Yes, darling?" Bumaling siya sa akin na malaki ang ngiti.
"Kasi po, after kong magpahinga sa bahay, makakaya ko pa po bang humabol sa mga namiss kong klase?"
"Nakausap ko na naman ang mga lecturer mo, at sabi nila bibigyan ka na lang nila ng hand-outs ng namiss mong lessons at magkakaroon ka din ng special tests at quizzes para sa mga namiss mong test."
Tumango na lang ako, sana lang kaya ko pang humabol. Mahirap pa naman ang lessons namin at wala pang magtuturo sa akin.
"Kendra kumain ka na muna at iinom ka pa ng gamot," inihain na ni Manang ang lunch ko.
"Thank you po," nagsimula na akong kumain habang sila Mommy at Manang nag-uusap.
Nakikinig lang ako sa kanila pero wala rin akong maintindihan kaya naman kumain na lang ako.
"Manang tapos na ako," saad ko kaya iniligpit niya na ang pinagkainan ko.
"Here drink this," inabot ni Mommy ang gamot ko at tubig. Ito na naman, ang pangit pa naman ng lasa ng gamot na ito.
Dineretso ko kaagad itong inomin dahil ayaw ko na itong malasahan.
"So, nakainom ka na ba ng gamot hija?" Pumasok si Dad.
"Ahh opo," sagot ko.
Lumapit siya sa akin at umupo sa paanan ng hospital bed ko.
"Before we go home, dadaan muna dito si Dr. Sarmiento para imonitor ka," aniya. "Antayin na lang muna natin, maya-maya dito na 'yon."
BINABASA MO ANG
The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)
RomanceCamp Jawili Series #1 Kapag natutulog tayo, nananaginip tayo. We're dreaming different kind of things, it may be something about what we want, our ideal man or woman, a wonderland, or even a nightmare. Dream is like an escape from the reality we liv...