"Nakakainis! Wala na akong dalang pera! 'Yon lang kaya ang pera ko ngayon, hindi ko rin dala ang mga card ko. Sakto na sana pang pocket money ko lang 'yon eh!"
Kanina pa talaga ako rant nang rant kay Xandro habang nasa park kami. Nakabusangot ang mukha ko habang nakaupo kami sa bench. Hindi ako kumakala. Inis na inis ako dahil sa ginawa nila.
Ako ba naman iniwan nila para magbayad lang no'n . Sabi nga ni Xandro siya na lang kasi may pera naman siya kaso hindi ako pumayag. Kaya naman sa huli, half half na lang kami dahil hindi naman kasya ang dala kong pera sa eight thousand na 'yon.
Nakakahiya naman kasi talaga kung si Xandro lang ang ipapabayad ko sa lahat dahil pamilya ko 'yon. Lagot lang talaga sila sa akin mamaya pag-uwi ko.
Nagdala lang naman kasi ako ng five thousand para sana may mabili ako kung nay gusto ako kapag gagala kami kaso hindi na yata mangyayari. Hindi naman maganda tingnan na kung my gusto ako, si Xandro ang ipapabayad ko.
"Kalma ka na. Ang yaman yaman, kuripot naman pala." Hinawakan ni Xandro ang kamay ko at marahang pinisil 'yon.
"Eh kasi naman paano pala kung wala akong dala kanina? Tapos hindi pa kita kasama, nakakahiya 'yon."
"Nangyari na. Wala ka nang magagawa."
"Kaya nga wala na akong magagawa eh. Gusto ko pa sanang maglibot at bumili-bili kaso wala na akong pera."
"Dapat kasi dinadala mo ang mga card mo."
"Natatakot ako. Baka manakawan, kaya kapag lumalabas kaonting cash lang ang dala ko."
"Gusto mo talagang gumala?" Tiningnan niya ako.
Sa totoo lang, hindi talaga 'yon ang rason ko. Balak ko kasi sanang dalhin si Xandro sa isang lugar na special, date kumbaga sa kung saan man, maybe Tagaytay. Palagi na lang kasi siya ang nag-eefort at gumagawa ng mga surprises para sa akin. Ngayon, gusto kong ako naman, kaso hindi na mangyayari dahil wala na akong pera.
Ngumuso ako at umiling. Nasa mga batang naglalaro lang ako nakatingin.
"Sabihin mo na. Kung gusto mo talaga ako muna magbabayad. Alam kong ayaw mo, kaya kapag nakauwi na lang tayo saka mo ako babayaran."
Umiling pa rin ako. Nakakahiya kung gagawin 'yon dahil ang gusto ko ay date tapos siya magbabayad eh ako ang may gusto. Tapos babayaran ko na lang pag-uwi namin? Ang weird kaya no'n. Surprise ko sana eh tapos siya magbabayad.
"'Wag na. Dito na lang tayo." Tiningnan ko na siya at ngumiti ng tipid.
"Sus. Alam kong may gusto kang gawin. Sabihin mo na lang kasi. Nahiya ka pa."
Napabuntong-hininga ako. Hindi ako titigilan nito, kung magsisinungaling man ako, alam kong mahahalata pa rin niya.
"Kasi naman. Gusto ko sanang dalhin kang Tagaytay tapos magdedate tayo. Ikaw na lang kasi palagi ang nag-eefort tsaka gumagawa ng mga surprises. Gusto ko sana ako naman ngayon." Pahina nang pahina ang boses ko. Hindi na ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya.
"Kendra talaga lang ha? May sweetness ka rin pala sa katawan." Nang-asar pa talaga siya.
"Xandro!"
"Biro lang. Ang cute mo, para kang bata." Natatawa pa rin siya.
"'Wag mo akong pagtawanan!"
"Oo eto na nga." Sumeryoso na siya pero nangingiti pa rin. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Ayos lang sa akin kung ako na lang palagi, gusto ko lang naman maramdaman mo na mahal kita. Hindi mo na kailangang suklian, malaman ko lang na mahal mo rin ako, sapat na 'yon." Dalawang kamay na niya ngayon ang nakasikop sa dalawang kamay ko rin. Hinalikan niya ito at tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)
RomanceCamp Jawili Series #1 Kapag natutulog tayo, nananaginip tayo. We're dreaming different kind of things, it may be something about what we want, our ideal man or woman, a wonderland, or even a nightmare. Dream is like an escape from the reality we liv...