Chapter 24

20 1 0
                                    

Para akong walang buhay na bumalik sa kwarto namin ni Xandro. Gulat na gulat pa rin ako.

Hindi ko inaasahan ang lahat ng narinig ko kanina. Kaya ba kahit noon pa man sa panaginip ko parang may something na?

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa pamilyang ito, tapos pati ang lugar parang nostalgic kapag nakikita ko.

"Saan ka galing, love?" Tanong kaagad ni Xandro nang makapasok ako ng kwarto namin.

Umupo ako sa kama at tumabi naman siya sa akin. Kakalabas niya lang din ng C.R. at pinupunasan pa ang buhok niya.

"Doon lang sa kubo." Sagot ko pero hanggang ngayon parang wala pa rin sa sarili.

"Is there any problem? 'Wag mong sabihin no, uunahan na kita. I know you well. Share to me what's bothering you, your problem is my problem."

"Pwede bukas na lang? I'm really tired. Bukas na bukas malalaman mo rin naman ang lahat."

I flinched when he suddenly hugged me. Pinatong niya ang ulo sa balikat ko at tiningnan ang mukha ko. Nakatagilid lang ako sa kaniya habang nakayakap siya sa akin.

"Sure, basta 'wag mong kimkimin 'yan. I know you're tired, I'll let tou rest for now. Just don't forget to breathe first, 'wag mong masyadong nilulubog ang sarili sa problema."

"Syempre makakahinga ako kasi diyan ka. You're my air, my rest and my comfort." I unconsciously said.

Gusto ko nang magpakain sa lupa. Dapat sa isipan ko lang 'yon eh, pero hindi ko na napigilan.

Kita ko kaagad ang pagngisi ni Xandro kaya umiwas ako ng tingin.

Naligo muna ako at pagkatapos natulog na kami. Ang aga kong nagising, nasa gitna pa naman ang unan na nilagay namin ni Xandro kaya napangiti ako. He really respects me.

Pero nang maalala ang nangyari kagabi, kumalabog na naman ang puso ko.

Hindi ko alam kung bibilisan o babagalan ko ba ang pagkilos ko. Bibilisan dahil gusto ko nang malaman ang lahat. O babagalan dahil natatakot ako sa katotohanan na malalaman.

Nang magising si Xandro at natapos kaming mag-ayos dalawa lumabas na kami. This is it. Huminga ako ng malalim.

"Are you okay?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kubo.

"I don't know." Sagot ko. Hindi naman ako makakapagsinungaling at sasabihin sa kaniya na ayos lang ako dahil kilalang kilala niya naman ako.

Hindi ko nga alam kung bakit eh. Ngayon lang naman kami nagkakilala dahil sa mga nangyari. Ay hindi, ngayon lang naman niya ako nakilala. Kaya bakit ganoon?

I didn't greet anyone when we arrived. Umupo lang ako at tumabi naman si Xandro sa akin. Doon na silang lahat. Si Jeah at Mia nga naguguluhan pa, malamang sila na lang yata ang walang alam. Si Xandro kasi hindi naman sa alam niya na pero may idea na kasi siya maaaring mangyari.

"Go on." Seryosong sabi ko.

Huminga ng malalim si Mang Pedring bago nagsalita.

"I'm sorry." Napayuko si Mang-Tito. "Nagsimula ang lahat dahil sa akin. Oo tinakasan ko si Laurel, kasi ayaw ko naman na pakasalan siya dahil alam kong kahit kailan hindi ko masusuklian 'yon. Kapag pinakasalan ko siya, mas masasaktan lang siya kaya mas mabuti nang ganito. At least makaka-move on siya."

"Who's Laurel?" Tanong ko.

"Siya ang pinagkasundo ni Papa sa akin noon. Gusto niyang pakasalan si Laurel dahil anak ito ng business partner niya. Pero ayaw ko. Dahil nga kay Anna, kasi siya ang mahal ko."

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon