"DREAMS INTO REALITY"
Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Kanina pa ako panay inhale at exhale pero hindi pa rin ako kunakalma.
My hands were shaking at kahit anong gawin ko para pigilan ito ay hindi ko magawa. Mabuti na lang at may aircon dahil kung wala, kanina pa sira ang make-up ko dahil sa pawis ko.
"Calm down, hija." Lumapit si Mommy sa akin at tiningnan ako mula sa salamin.
"Mommy, I can't. Paano kung hindi ako siputin ni Xandro, or like something unexpected will happen? I can't stop myself from overthinking."
"May pangako kayo ni Xander sa isa't-isa kaya alam kong tutuparin niya 'yon. Normal lang talagang kabahan dahil kasal mo ito, but don't worry too much baka mastress ka. You should enjoy this day."
"Ganda ng prinsesa ko." Pumasok si Daddy ng room ko at lumapit din sa akin.
Nasa likod ko silang dalawa ni Mommy habang nakaupo ako sa upuan ng vanity ko.
"It's your last hour as Miss Velasquez. Mamaya Mrs. Harrison ka na." Malungkot na ngumiti si Mommy.
"Ang bilis ng panahon, sana nga bumagal pa ito ng kaunti. Masaya ako para sa'yo Kendra pero minsan hindi ko maiwasang isipin na sana hanggang ngayon baby pa rin kita."
"Daddy, don't make me cry." I pouted, nagsisimula nang magbadya ang nga luha ko kaya pinipigilan ko na ito. "I will always be your baby, your princess forever and ever."
"Kendra anak, I just want to say sorry ah. Ngayon ko lang ito sasabihin sa'yo, ayaw kong may pagsisisihan sa huli. I am really really sorry anak, I know dati masyado akong mahigpit sa'yo, I am very strict. Alam kong minsan nasasakal ka na sa akin pero never kang nagreklamo, sinagot ako, o nagtanim ng sama ng loob man lang sa akin. Doon pa lang, kahit hindi ko man nasabi sa 'yo noon, proud na proud na ako sa 'yo dahil napakabait mong bata. I'm really really grateful to have a daughter like you. Alam ko naman na naiintindihan mo na ngayon kung bakit gano'n ako sa 'yo noon, natakot lang kasi ako na baka may mangyaring hindi maganda ulit sa 'yo, hindi ko makayang nawala ka kaya naging mahigpit ako sa 'yo. Kapag kailangan mo si Daddy, dito lang ako palagi ha? I will forever love you, my princess, my Kendra." Dad wiped his tears.
Naiyak na rin ako. Kung grateful siya na anak niya ako, mas grateful ako na siya ang ama ko. Aaminin ko, mahigpit nga siya sa akin, pero mahal ko pa rin siya dahil alam kong mahal na mahal na mahal niya rim ako kahit gano'n siya sa akin.
Tumayo ako at niyakap si Daddy nang sobrang higpit. I closed my eyes to stop the tears from flowing, uulitin na naman kami nito mamaya dahil nasira ang make-up ko.
Nakisali rin si Mommy sa akin at bumulong.
"You never failed us, Kendra, remember that. You may think that you've disappointed us a lot of times, but no, you never, in fact you made us proud always. You're such a brave woman, and I'm proud to say that I am your mother, the one who raised you, the one who guided you. I love you Kendra."
"Mommy, Daddy, I will not be here right now without the both of you. I will not reach this far if it's not because of you two. I am also proud, always proud to say that you are my parents. I love you Mommy and Daddy more than anything." Hindi ko an napigilan at mas naiyak pa. Tinago ko ang mukha sa balikat ni Daddy dahil hindi na ako natigil sa pag-iyak.
"Be happy always anak, visit us more often ah. Magiging tahimik na talaga ang bahay kapag wala ka. Always be humble, loving, caring, kind, and brave. Just be you anak, the fighter, brave, yet softhearted Kendra that we know." Mom wiped her tears also.
Nag-iyakan na kaming tatlo habang nag-uusap. We may have went through a lot, but we are still a family. Mas matatag pa kami sa kahit na ano, may hindi man pagkakaunawaan, sa huli, kami pa rin naman ang nagtutulungan. Nothing can beat the strong relationship and the love that we have. My family will always be my safe place, magkaroon man ako ng sarili kong pamilya sa susunod, walang makakapantay sa puso ko ang pagmamahal para sa magulang ko.
BINABASA MO ANG
The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)
RomanceCamp Jawili Series #1 Kapag natutulog tayo, nananaginip tayo. We're dreaming different kind of things, it may be something about what we want, our ideal man or woman, a wonderland, or even a nightmare. Dream is like an escape from the reality we liv...