Chapter 3

35 12 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa balat ko.

Pagkadilat ng mata ko dali-dali akong umupo sa kama na hinihigaan ko. Hindi ko inalintana ang sakit ng katawan ko dahil nagtataka ako kung nasaan ako.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong para akong nasa isang kubo. Sa bintana naman ay makikita ang mga puno na para akong nasa isang kagubatan.

May pumasok na lalaki kaya napasigaw ako. Hindi naman siya katandaan at mukhang kasing edad lang ng Daddy.

"Waaaaaaaaaaaaaaa!" pati ako parang nabingi dahil sa sigaw ko. Natakot ako dahil baka mamaya may gawing masama sakin yan.

Tumayo ako at pumunta sa pinakasulok ng silid na ito.

"Manong huwag niyo po akong gawan ng masama." Mangiyak ngiyak na ako dahil sa takot pati na rin sa sakit ng katawan ko. Doon ko napansin ang mga galos sa katawan ko.

Marami akong sugat sa katawan, may sa braso at binti tapos noong hinawakan ko ang ulo ko ay may sugat din ako sa noo ko. Napangiwi na lamang ako ng maramdaman ko ang hapdi nito.

"Ano ka ba, hija, ako si Pedring tagapangalaga ng resort na ito. Hindi kita gagawan ng masama, pumunta ako rito para tignan kung ayos lang dahil dahil ang dami mong galos sa katawan." Sabi niya kaya medyo kumalma ako, pero takot pa rin ako dahil baka mamaya bigla akong sugurin niyan.

Masama magakusa na masama ang isang tao, pero dapat h'wag kang magtiwala basta basta lalo na kapag hindi mo ito kilala. Baka bigla ka na lang kasing saktan.

"How did I get here?" tanong ko sa kanya, pero hindi pa siya nakakapagsalita ng may isang babaeng matanda ang pumasok kasama ang dalawang dalagita.

"Oh, gising ka na pala, hija," sabi ng babaeng siguro asawa ni Mang Pedring.

"Ah where am I? At paano ako nakarating dito?" tanong ko sa kanila kasi kanina pa ako nagtataka kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.

"Ako si Anna," sabi ng babae. "Ito naman si Jeah," turo niya sa dalagitang nasa 16 taong gulang siguro "at ito naman si Mia, mga anak ko," turo niya sa mas batang dalagita.

"Hija, wala ka ba talagang natatandaan?" tanong ni Mang Pedring kaya napaharap ako sa kanya.

"Sa pagkakatanda ko ho kasi nag dadrive ako tapos nabangga ako sa isang puno hanggang sa nawalan na ako ng malay." Sabi ko dahil 'yon lang talaga ang natatandaan ko simula nang mawalan ako ng malay.

Wala talaga akong matandaan kung paano ako napadpad sa lugar na ito.

"Kagabi nakita ka ni-" naputol ang sinasabi ni Mang Pedring ng may isang gwapong lalaki na pumasok. Oo, ang gwapo niya dumagdag pa iyong pawis na umaagos sa katawan niyang makisig. Ang hot niya tignan, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pilik mata, manipis ang mga mapupula niyang labi at saka may abs.

Mukhang may nahulog na greek god dito.

"'Tay Pedring natapos ko na palang sibakin ang mga kahoy na gagamitin mamaya para sa tanghalian." Sabi niya saka napatingin sa akin.

Pinupunasan pa nito ang pawis sa kaniyang noo gamit ang kanan niyang kamay.

Nagtama ang tingin naming dalawa at mas nahulog ang panga ko ng makita ang nakangiti niyang mukha na nakaharap sa akin.

"Gising ka na pala, miss," sabi niya sakin kaya inirapan ko siya dahil parang nang-aasar ang dating ng pagkakasabi niya sakin. "Sungit," bulong niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Siya nga pala si Xandro, hija," sabi sakin ni Mang Pedring.

"I'm not interested po," maarte kong sagot. Bakit pa kailangan ipakilala eh hindi naman ako interesado sa kaniya.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon