Napahawak ako sa dibdib kong kanina pa hindi tumitigil sa pagtibok. Halos marinig na nga ito kapag may tumabi sa akin.
Kinausap niya ako. At kahit paulit-ulit kong kurutin ang sarili, alam kong gising na gising ako.
Nakasandal ako sa dingding at inaalala ang nakita kanina. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko kaya pumikit ako para mapigilan ito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumalik na naman sa akin lahat ng sakit na pinagdaanan ko noong nagising ako.
Lahat ng oras na ginugol ko para makalimutan siya nawala sa isang iglap dahil sa mga nangyayari ngayon. Nanumbalik lahat ng sakit na dinanas ko dahil sa pag-iibigan namin na hindi naman pala totoo.
Masaya noong una, oo sobrang saya, pero ang kapalit lang din naman pala no'n ay ang pighati na dinanas ng puso ko sa mga nakaraang taon, dumating na nga ako sa punto na hindi ako makalabas ng kwarto kakaiyak dahil sa kakaisip sa mga ginawa naming dalawa na kathang isip ko lamang.
Noong panahong gusto ko na siyang makalimutan, 'yon ang panahon kung saan dinanas ko lahat ng sakit, dahil sa mga panahong 'yon kahit gustong gusto ko nang ibaon sa limot ang lahat, hindi ko makaya.
Kahit sa pagtulog siya pa rin ang nasa panaginip ko, sa bawat galaw na ginagawa ko, siya kaagad ang pumapasok sa isip ko, at kapag pumapasok 'yon sa isip ko mas lalo ko pa siyang namimiss, lahat ng ginawa niya sa akin, mga pagpapasayang ginawa niya, miss ko na lahat 'yon. Sana pala natulog na lang pala ako habang buhay.
I miss you so much Love.
Miss na miss ko na siya, sobra. Tapos kung kailan gusto ko na siyang mahagkan saka naman magpapakita ang isang kamukha niya na mas lalong nagpapamiss sa akin. Hindi ko na nga siya nakikita tapos may isang nagpakita naman pero hindi ko maabot.
Pinaglalaruan mo ba ako Xandro?
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata ko at inayos ang sarili bago tinahak ang daan patungong office ni Mommy.
Nang makarating binati ako ng secretary ni Mom na nasa labas ng office niya ang desk.
"Good afternoon, Miss Kendra," ngumiti ito sa akin.
"Good afternoon," ngumiti rin ako pabalik. "Si Mom?"
"Nasa loob po kanina ka pa hinihintay."
Tumango na lamang ako sa sinabi niya at pumasok sa loob.
Nang makapasok doon si Mommy nakaupo sa table niya habang may binabasang mga files at si Dad naman ay nasa couch na nagbabasa ng diyaryo.
"Good afternoon, Mom, Dad." Pumunta ako sa gawi ni Mom at hinalikan siya at sumunod naman ay kay Dad.
"Good afternoon, sweetheart," bati ni Mom at hinalikan ako sa pisngi.
"Good afternoon, my princess," bati ni Dad nang makaupo ako sa tabi niya.
"Bakit niya ba ako pinapapunta dito?" Tanong ko dahil kanina pa talaga ako curious kung ano ang sasabihin nila.
Pumunta si Mommy sa gawi namin at umupo sa tabi ko kaya naman napapagitnaan nila akong dalawa ni Dad.
"Matagal na namin gustong sabihin ulit ito, kaso hindi namin alam kung ready ka na ba." Panimula ni Dad at hinawakan ang kamay ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi mapangalanang nararamdaman. Talagang kulang na lang ay lumabas ito sa dibdib ko.
"Ano... ano po ba 'yon?" Tumingin ako kay Dad na puno ng pagtataka.
"Natatandaan mo ba ang sinabi namin sa'yo bago ka maaksidente?" Tanong ni Mom.
BINABASA MO ANG
The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)
RomanceCamp Jawili Series #1 Kapag natutulog tayo, nananaginip tayo. We're dreaming different kind of things, it may be something about what we want, our ideal man or woman, a wonderland, or even a nightmare. Dream is like an escape from the reality we liv...