Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa at umiwas ng tingin. I don't want to burst his bubble, but this is not right.
"Xandro may girlfriend ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon," sabi ko habang nakatalikod sa kaniya.
Ayaw kong makaharap siya kaya ako na ang umiwas. Yes, I do love him, but I don't want to ruin their relationship. I know how to respect him and his girlfriend. Ayaw kong may masaktan, ayos lang kung ako 'yon.
Nanatili siyang tahimik kaya hindi na ako muling nagsalita at inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.
Ang saya na kanina eh tapos ito na naman ang sakit. Lahat talaga may kapalit. Ang sakit, dahil kahit abot ko na siya hindi ko pa rin mahawakan dahil may nagmamay-ari na sa kaniya.
Minsan lang nga akong makaramdam ng ganito, hindi ko pa makuhakuha. Lahat na lang ng gusto ko pinagkakait sa akin. Pero kahit ganon alam kong darating ang araw na makukuha ko ang nakalaan para sa akin, siguro hindi siyo o hindi ito ang tamang panahon. At kung mayroon mang nakalaan para sa akin hihintayin ko siya, sa ngayon ihahanda ko muna ang sarili dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.
"Tara na, balik na tayo" nginitian ko siya. Trying to make the atmosphere light dahil kanina ang bigat bigat ng paligid. I'm trying to sound like I don't care about his confession earlier, because I don't want him to see hopes in my eyes. As far as I can try, I will hide my feelings for everyone's sake. I don't want to be selfish just by getting what I like. I know that his girl is waiting for him out there.
Tumango lang siya pero walang bakas ng emosyon ang makikita sa mukha niya. He stared at me blankly, but I know that he's occupied with thoughts.
Nauna na akong maglakad, hindi ko na siya hinintay, alam ko namang sumusunod lang siya sa likuran ko.
Parang inaasar yata ako ng mga paa ko dahil ngayon pa talaga nakaramdam ng pagod kung kailan atat na atat na akong makabalik sa camp. Dahil sa pagod nabagalan ako sa paglalakad, hindi ko naman mapipilit na bilisan dahil masakit. Wala akong nagawa kundi bagalan ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa main ng Camp Jawili.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita ni Xandro habang naglalakad kaya ang boring hindi katulad kanina ng nagsisimula pa lang kaming magpasyal. Hindi na rin ako sumubok na magsalita pa, dahil baka mas maging awkward ang lahat.
Nang makarating na kami sinalubong kami ng pamilya. They were all smiling at us. Hindi ngiting mapang-asar, kundi talagang isang genuine smile.
"Oh andito na pala kayong dalawa" sabi ni Mang Pedring.
"Kamusta hija, hijo?" tanong naman ni Aleng Anna. Halatang excited ito sa mga ikukwento namin.
Ngumiti ako para hindi nila mahalata na may nangyari kanina.
"Ayos naman po, nag-enjoy po ako" sabi ko trying to make my voice happy kahit na hindi naman dahil sa nangyari kanina.
Kung hindi lang na-open up 'yong topic na 'yon kanina siguro ngayon hindi ako nagpapanggap na masaya ngayon habang nagkukwento dahil magiging masaya talaga ako sa mga ginawa namin kanina.
"Mabuti naman, alam kong gutom na kayo kaya nakahanda na ang tanghalian," sabi ni Aleng Anna.
Tumabi sina Mia at Jeah sa akin.
"Oh ate ano nangyari?" tanong ni Jeah na may halong panunukso.
"Syempre nagpasyal kami, ano ba kayo tigil-tigilan niyo ko." Pagbabanta ko sa kanila pero tumawa lang sila.
"Ate nag kiss ba kayo?" nabigla ako sa tanong ni Mia. Mabuti at malayo kami kila Aleng Anna na ngayon ay kausap si Xandro kasama ang asawa niya.
"Ano ka ba! Bakit ganyan ang mga iniisip mong bata ka?" napasapo ako sa noo. I didn't expect that she'll ask me questions like that. Is she that ignorant?
BINABASA MO ANG
The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)
RomanceCamp Jawili Series #1 Kapag natutulog tayo, nananaginip tayo. We're dreaming different kind of things, it may be something about what we want, our ideal man or woman, a wonderland, or even a nightmare. Dream is like an escape from the reality we liv...