I'M SCARED TO DEATH
Written by: Vein_SinDale
Chapter 1.
_______________________ _____ ____ __ _★°*★°*★°*Nothing's perfect, and no one will ever be one. People often describe some as almost-perfect, but they are really far from being one.
Ang Diyos lamang ang perpekto. Walang makamundong bagay ang nagiging perpekto. Perpekto naman tayong ginawa ng Diyos, ngunit dahil sa ating mga kasalanan ay nabahiran na ng dumi at kasamaan ang ating mga pagkatao. Kaya hinding-hindi na tayo nagiging perpekto. Ito ang pananaw ko.
Kahit ako, aminado ako na malayo lang ako sa pagiging perpekto. Mabilis ako magalit, at mababaw lang ang aking pasesniya, lalo na pagdating sa kaniya. Kaya siguro wala ng tunay na nagmamahal sa'ken bukod sa Diyos at sa sarili ko.
Malapit na din naman akong kunin ni Lord, baka tapos na ang misyon ko. Mag-aantay nalang ako dahil alam kong ang oras na yon ang magiging pinakamasayang araw ko. Dahil sa pagkakataong 'yon, makakapiling ko na rin sa wakas ang mama ko. Sa oras na 'yon, makakalaya narin ako sa lahat ng mga pasakit at paghihirap na pinagdadaanan ko.
"Dahan-dahan lang please. 'Wag mo namang padaliin ang katapusan ko." Suway ko sa kaniya dahil parang balisa siya kaya ambilis ng pagpapatakbo niya. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya, at ang tahimik talaga.
"Hh! S-sorry." Parang gulat na gulat nitong sagot at hininaan na ang pagpapatakbo. Nagulat siguro dahil sa biglaan kong pagsasalita.
"Kumalma ka nga. Huminahon ka lang. Kung iniisip mong galit ako, Hindi. Kaya huminahon ka na. Baka mamatay ako nito kaagad eh." Sabi ko bago nag-iwas ng tingin.
"Tss. Galit ka eh. Kanina ka pa sigaw ng sigaw sa'ken. Tapos may nakita pa'kong malaking pera. Kaya mas nagalit ka dahil nakialam ako. Nagtatanong lang naman ako, tapos ikaw kung maka-dilat ka sa'ken, parang pinapatay na ako ng mga mata mo." Mahina niyang pagrereklamo, sakto lang para marinig ko.
"W-wala lang ako sa mood, okay?. Hayy. S-sorry na." Sagot ko naman habang nakatingin na sa kaniya.
"Tss. So lagi ka nalang wala sa mood,ganun? Galit ka parin ba dahil iniwasan kita dati?. Oo nga, yun siguro. Galit ka kase iniwasan kita, kahit alam kong may gusto ka sa'ken. Siguro ngayon, gumaganti ka lang kaya lage mo'kong sinisigaw-sigawan. Kaya sigu-
"Hindi ako gumaganti okay?" Pagpigil ko sa mahaba na naman siyang satsat. Napigilan siya at napatingin sa'ken sandali, tapos e bumaling na siya ulit sa daan.
"Hindi naman ako galit eh. Ayo'ko lang na-.. ayo'ko lang na mag-assume ulit. Gumagawa kase ulit ang isip ko ng mga MALING PAG-ASA. Nag-aassume ako dahil inaalagaan mo'ko, kaya kita sinigawan nung sinabi mong ginagawa mo lang 'to dahil kay Mama." Mahaba ko pang patuloy.
"Sorry na okay. Sorry sa mga nagawa ko. Sisikapin ko ng hindi magtaas ng boses at magalit sa'yo." Paghihingi ko ng tawad.
"Hehe. Okay lang. Huwag mo nalang gawin ulit kase nalulungkot ako. Feeling ko, nababalewala lang ang mga ginagawa kong pag-aalaga sa'yo, kase parang galit ka lage."
Sabi niya pa."Tss. Sorry na nga, eto naman nagpapakonsensiya pa eh." Sabi ko tapos hinawakan ang hita niya. Ngunit dahil iniliko niya ang sasakyan kasabay ng paghawak ko sana, kaya may nahawakan akong iba. Nagulat siya dahil malakas ko itong nahawakan. Tutukod na kase sana ako sa hita niya dahil nawala ang balanse ko dahil lumiko siya.
YOU ARE READING
I'm Scared to Death
Short StoryIto ay kuwento ng isang baklang mamamatay na in 5 months. Gusto niyang tapusin at gawin ang lahat ng mga nasa bucket list niya. May limang buwan na lamang daw siya sabi ng doktor, at tanging siya lang ang may alam nito. Gusto niyang makita muna ang...