Isang masamang panaginip. Panaginip na naging dahilan ng aking Wet dreams. Akala ko totoo. Hahaha. Ambastos naman ng isip ko. Ito na siguro ang napala ko kapapanood ko ng BL.
Nang imulat ko ang aking mga mata, tumambad sa akin ang imahe ni Jido na nakadamit naman pala. Ihahatid niya raw kase ako sa resto, at gabi na, 5:50 plang naman eh. Nagbihis lang ako ng damit at salawal, may basa eh. Ito na pala yung naklase namin nung grade 7.
"Dadalhin sana kita sa Mall, kaso tinulugan mo'ko kanina." He pouted, and it was so cute. Nandito na nga pala kami ngayon sa sasakyan, nagmamaneho na siya.
Nakatulog pala ako kanina? Haha.
"Haha. Sorry Jido, sana ginising mo nalang ako." Nakangiti kong sagot, nakatingin na sa kaniya.
"Tss. Apakahimbing naman din kase ng tulog mo para gisingin pa kita. Wala ka sigurong sapat na tulog kagabi, kaya binuhat nalang kita papasok sa loob ng apartment kanina. Sa sobrang payat mo nga, di ko inakalang ambigat mo pala." Tugma ang dulo niyang pagkakasabi. Haha. Nagtutula ba ang kuya nio? Tss.
"Aiiyy.. sorry talaga. Pero salamat hehe. Hindi kase ako nakatulog ng maaga kagabi eh. Salamat Jido." Makulit kong sabi saka siya niyakap habang nagdadrive siya. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang at inihilig ang aking ulo sa kaniyang tagiliran.
"Aishh. Okay lang. Wag kang ganiyan, nagda-drive ako eh." Sabi niya habang hinimas-himas ang buhok ko.
"Hpm! Naglalambing lang naman ako eh. Haha. Joke. Hindi mo pala ako gusto." Sabi ko saka nagkunwaring nagtatampo.
"Tss. Sabi ko nga gusto kita diba?." Tanong niya.
"Pero bilang kaibigan lang." Pang-iinis ko.
"Ano bang pwede kong gawin para maniwala ka." Naiinis ng sabi niya.
"I-kiss Mo'ko. Lima sa lips, smack lang huh? Lima sa lips at tatlo sa cheeks, magkabilaan." Pang-iinis ko pa.
"Yun lang ba?"
"Huh, oo. Kung kaya mo."
Bigla niyang iniliko at inihinto ang sasakyan sa gilid. Mabilis siyang lumapit sa'kin at kinuha ang aking mukha. Binigyan niya ako ng madidiin ngunit mabibilis lang na halik sa bibig, at anim na malalalim at matatagal naman na halik sa aking parehong pisngi.
"Ughm! Gusto kita. Gusto na kita. Gustong-gusto na kita." Sabi niya pagkatapos ng mga halik. Hindi niya parin binibitawan ang mukha ko, na hawak ng dalawa niyang mga kamay. Hinalikan niya ulit ako sa labi. Madiin, ngunit di na niya pinatagal.
Kaya nagulat nalang ako.
I was frozen, and wala akong maisip dahil sa sobrang gulat. Did that just happened?
"Oh! Naniniwala ka na?" Pang-iinis niya pa saka umayos na ng upo at nagsimula na ulit magmaneho.
"Nan-n-naniniwala na nga ako. Haha" Naiilang ko paring tawa. Lumapit ako sa kaniya at ako naman ang humalik sa mga pisngi niya.
Tumawa lang siya habang sinusuway akong tumigil, dahil nagda-drive na daw siya.
-
"Salamat Ulit Jido ah! Pasok ka muna, kape muna tayo. Hindi pa kase kita nadadala dito eh." Pagyayaya ko sa kaniya pagkalabas ko sa sasakyan. Pinagbuksan pa 'ko ng loko, at si ako naman ay syempre kinilig ng super duper kilig talaga.
YOU ARE READING
I'm Scared to Death
Storie breviIto ay kuwento ng isang baklang mamamatay na in 5 months. Gusto niyang tapusin at gawin ang lahat ng mga nasa bucket list niya. May limang buwan na lamang daw siya sabi ng doktor, at tanging siya lang ang may alam nito. Gusto niyang makita muna ang...