Mabilis natapos ang lahat ng morning classes namin.
Napakadali para sa'kin ang quiz namin sa Math. Ang simple lang ng Arithmetic sequence, lalo na kung makikinig kang mabuti. Magaling rin kase ang teacher kaya madali kong naperpek yung quiz.
"Baket 8 ka lang Jido? Bago 'to ah?" Tanong ko habang nakatingin sa papel niya. Kadalasan eh perfect kami pareho ni Jid sa quiz, o di kaya naman ay mas lamang siya lalo na sa Math. Kung sa science at iba pang subjects, kung hindi kami laging magkapantay, eh mas lamang ako. Kaya nagulat ako dahil mas matalino siya sa Math. SKL haha.
"Tss. Ikaw kase!" Sabi niya habang nakatingin sa iba na kumakain na. Nandito na kami sa canteen para mananghalian. Hinihintay nalang namin ang aming pagkain. Order-order kase dito haha. May waiters & waitresses.
"Anong ako?. Ahh Hahaha. Yung kanina bah?" Tawa ko matapos kong makuha ang ibig niyang sabihin.
"Tss. Sige tawa pa. Hindi na talaga kita tuturuang magluto jan." Naiinis niyang sabi dahilan para tumahimik na'ko. Sinabi ko kase kanina na turuan niya nalang ako, nang hindi ko na siya maabala. Medyo parang galit niya itong sinagot kaya nag-assume na namn ako.
**
"Baket naman ha! Hindi ba ako masarap magluto? Hindi mo naman ako naaabala eh. Wag na ako nalang!"Sayo nga ako magpapaturo kase masarap ka- este masarap ka magluto engot!
**
"S-sorry. Hayy! Hindi kase mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Tumingin ka nga sa'kin." Kahit naguguluhan, sinunod ko siya at tumingin ako sa mga mata niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at tila pinapakiramdaman ito.
"Naku! HAAAY! Hindi pwede 'to!" Naiinis niyang sabi habang hinihila ang buhok niya.
"Ba-bakit ano bang nangyayari sa'yo woi!" Naguguluhan ko paring tanong.
"Di-diba sabi ko na wala na akong crush? Diba hindi ko na crush si Krystal?
Iniisip ko kase kung ba't hindi ako pumalag kanina. Lage nalang kitang iniisip. Na-pokus na ako sa pag-aalaga sa'yo. Tapos ngayong tinitingnan Mo'ko, kinakabahan ako. Ambilis ng tibok ng puso ko Vyn." Omhhygad! Confession na ba toh? Huhu- Psst! Wag kang mag-conclude!.Si Krystal ay klassmeyt namin dati, pero nagtransfer na. SKL.
"So? Ano gusto mong iparating?" Sabi ko.
"Ayy. Kainis hindi mo ba nagets? Aishh. Gu-g-gusto na ata kita Vyn! Bino may gusto na ata ako sa'yo!" He said it quickly with embarrassment. He squeezed his eyes closed, nahihiyang tumingin sa'ken.
"Hindi yun ganun." Seryoso kong saad dahilan para mapadilat siya.
"Huh?" Siya
"Hindi mo'ko gusto, naguguluhan ka lang. Nagulat ka lang kanina. At kung lage mo'kong iniisip, naaawa ka lang kase mag-isa ako. Wag mo'kong paasahin, dahil hindi mo'ko gusto. Naawa ka lang Jid. Naguguluhan ka lang." Mahaba kong sabi saka nag-iwas ng tingin.
Natigil ang aming pag-uusap nang dumating ang waiter na kaibigan ko. Estudyante siya, isa siyang working student dito sa school. Kasama rin ako dati, pero tumigil na ako nang makakuha ako ng trabaho sa resto-bar nina Mang Berting.
"Oiy Vee! Sorry kung natagalan. Ito na po order niyo." Nakangiti nitong sabi sa'ken.
"Oiy Jajan? Kamusta? Apaka-busy natin ah?" Sabi ko kay John. Nakangiti narin ako. Hindi kase kami lageng nagkikita na nitong mga nakaraan dahil hindi siya lageng available twing oorder kami, I mean ako. Ngayon nalang kase kami ni Jido ngakasabay mananghalian, kaya mag-isa lang akong kumakain And speaking of, gulat na gulat ito at naguguluhan.
YOU ARE READING
I'm Scared to Death
Short StoryIto ay kuwento ng isang baklang mamamatay na in 5 months. Gusto niyang tapusin at gawin ang lahat ng mga nasa bucket list niya. May limang buwan na lamang daw siya sabi ng doktor, at tanging siya lang ang may alam nito. Gusto niyang makita muna ang...