Chapter 4-

1 0 0
                                    

⚠️ BABALA: Maaaring Meron kayong mababasang sensetibong mga eksena sa Kabanatang ito.⚠️

"Baket sa'n mo ba ako dadalhin?"
Ambilis natapos ng klase. Pauwi na kami ngayon ni Jid, at ako naman e kinakabahan sa plano niya. Sabi niya kase kanina na patutunayan niyang may gusto siya sa'ken.

Dadalhin niya kaya ako sa isang romantic na lugar? Ommo kinikilig ako.

"Sa apartment mo. Baket asan ba dapat?"
Ayy shunga! Umasa si Bakla. Sa bahay lang pala,tss.

"Tss. Sa apartment nga." Yan nalang ang tanging naisagot ko.

5:23 pm na nang makarating kami sa apartment ko. Akala ko pa naman dadalhin niya ako sa isang romantic place. Tss.

"Teka, bakit nga pala ayaw mo'kong isama sa resto noong nag-aya ako? Tapos kanina, ikaw pa ang nagyaya kay Jajan mo." Tanong niya pagkatapos uminom ng tubig galing sa ref.

"Tss. Diba umiiwas ako nun sa'yo. Alangan namang isama kita."
Nagsalin siya ulit ng tubig sa baso at ipina-inom namn niya sa'kin.

"So ngayon, pwede na akong sumama? Ayy sa susunod nalang. Baka masuntok ko lang yung John na yun." Sabi niya habang nakatingala sa bubong. Parang nasa taas naman si John haha.

"Grabi ka naman sa kaniya!" Ako.

"Eh sa nagseselos ako eh!"

"Seryoso ka ba talagang gusto Mo'ko?"

"Pang-ilang beses mo nang natanong yan. Pero dahil gusto kita, Oo. Gusto nga kita ."

"Pero Jid, bakla ako!" Sigaw ko, at natigilan naman siya. Biglang siyang tumingala. Tila nag-iisip-isip.

"Yun nga pinagtataka ko eh. Dati, sinasabi ko sayo na hindi ako magkakagusto sa bakla, pero ewan ko bakit bigla nalang kitang nagustuhan." sabi niya saka bumaling sa'ken ulet.

" Alam mo Jido, baka naguguluhan ka lang." Tumalikod na'ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad, nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kaniya. Ikinabig niya ako sa kaniyang braso habang hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko. Mahuhulog na'ko, kung bibitawan niya ang likod ko.

"Diba sabi ko patutunayan ko ngayon na gusto kita." Biglang nagsitindigan ang mga balahibo ko ng bigla niyang ayusin ang bangs ko na nakakasagabal sa aking mukha.

Nagugulat ako at hindi makapaniwala sa nangyari.

Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at inilapit ang kaniyang bibig sa aking mukha. Nanginginig na mga tuhod ko, hindi alam ang gagawin sa mga oras na'to.

Makukuha niya ang first kiss ko.

Biglang gumaan ang aking pakiramdam habang mas bumilis pa ang pagtibok ng aking puso nang magsalubong ang aming mga labi. Napapikit nalang ako, habang dahan-dahan niya akong binibigyan ng matamis na halik.

The kiss wasn't that deep, yet it was passionate. He kisses me gently and yes, it sent electrifying shivers onto me.

I was about to respond to his kiss,nang bigla siyang bumitaw. Nakadikit parin ang aming mga noo sa isa't-isa habang nadarama ko ang mabilis niyang paghinga.

"I didn't thought that I'd be turned on like this, dahil sa'yo." Hindi na ako nakasagot dahil pagkatapos niyang magsalita, eh umatake na naman ang kaniyang tila gutom na mga labi sa akin.

At sa puntong ito, mas malalim na ang kaniyang halik. Dala narin siguro ng pagsagot ko rito. I answered his gentle kiss with a hunger response. I kissed him deeply and fastly, wanting him to do more.

I'm Scared to DeathWhere stories live. Discover now