🎶Lights will gui....de you home. And Igniii..te your bones. And I will tryYyYY...yy... To fix you🎶
Pagkatapos kong gawan ng sariling RUNS ang huling part ng kanta, hindi ko na napigilang maluha sa harapan nila. May nagsipagtayuan, ngunit ang iba ay pumalakpak habang naka-upo lang.
Nagta-trabaho ako ngayon sa isang Resto-bar sa lugar namin. Singer ako, malamang dahil ako ang sumasayaw. Charot syempre, ako ang kumakanta at nag-eentertain sa mga costumers ng Restaurant na ito.
'Yun na ang huling kanta ko, dahil 10pm na rin, at magsasarado na ang restaurant. Ngunit marami parin ang nanatili para pakinggan ang aking huling awitin. Maraming nag-abot sa'kin kanina ng malalaking halaga. May lumapit kase at nagbigay, kaya sumunod narin ang iba kaya dumami sila. Pinakamalaki kong natanggap ay 10,000. Siya na ang huling lumapit sa'ken kaya tinanggihan ko siya, kase anglaking halaga na 'yung 10k nayun para sa isang kanta lang na ni-request niya. Pero pinagpilitan niya, kase naawa raw siya sa'kin. Pasasalamat narin daw niya ito sa Diyos, kase Cancer Survivor daw siya.
Shi-nare ko rin kase kanina sa kanila, na.... May taning na ang buhay ko. Hehehe.
Nalalabi nalang ang natitira kong oras dito sa mundo. Kahit marami pa naman talaga akong gustong gawin. Kaya sabi pa nung babaeng nagbigay saken ng 10k,"Sabi mo kanina, gusto mong makita si Jungkook bago ka mamaalam?. Idagdag mo nalang itong pera ko sa mga naibigay nila, at pumunta ka ng korea. Ako kase, inakala kong mamamatay na rin ako. Tinaningan na nga rin ng Doktor ang buhay ko. Kaya nagsaya nalang ako. Ginawa ko rin lahat ng gusto kong gawin. Lagi-lage akong pumupunta ng simbahan, at nagdadasal. Kaya, himala nalang na nawala nalang bigla ang tumor sa utak ko. Brain Cancer kase ang sakit ko. Dulot raw ng stress siguro kaya, gusto kitang tulungan." Sabi ng babae saka humigop ng kape na tinimpla ko. Inaya ko kase siya ng hapunan sa apartment kong malapit lang din naman, ngunit kumain na nga siya kanina sa restaurant,kaya kape nalang ang hiningi niya. Nasa apartment na kami ngayon.
"Kaya, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Baka gumaling din 'yang sakit mo. Lagi ka lang magdasal, at hingin ang mas makabubuti para sa'yo, at sa lahat ng Taong mahal mo. Dahil alam kong Gagaling ka. Ayo'kong Umasa ka, Gusto kong Maniwala ka. Nothing is impossible. In Jesus' name." Mahinahon at sinsero nitong sabi sa'kin pagkatapos niyang laghukin ang huling patak ng kapeng kaniyang iniinom.
"Amen." Nakangiti kong sagot Sakanya, kaya napangiti rin siya.
-
"Salamat ulit!" Sabi ko sabay kaway sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin ulit at kumaway bago niya tuluyang isara ang pinto ng kaniyang sasakyan.
'hindi ko pa pala naitanong ang pangalan niya haha,'
Pumasok na'ko sa labas, siyempre sa loob para makapagpahinga na pero may napansin akong papel sa inuupuan nung babae kanina.
Kinuha ko ang papel na ibinalot sa hindi ko alam kung ano at pagbukas ko, sobreng may lamang pera pala ang binalot sa loob nito. Perang hindi biro ang halaga.
Binilang ko, at 50,000 pesos lahat. May nakasulat sa papel at siyempre tinapon ko lang, hindi naman ako interesado eh, de joke!
'Vyn, Nakalimutan mong itanong sa'kin ang pangalan ko, kaya salamat. Wala akong balak magpakilala, dahil ayo'kong lage mo nlang akong papasalamatan. Naiintindihan kong masaya ka lang dahil sa natanggap mong pera mula sa'kin, pero wag ako ang pasalamatan mo. Ang Diyos Vyn, siya ang pasalamatan mo lagi. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkita, at kung bakit nagawa kitang tulungan.
Sa tingin ko, kulang yung 10k para sa trip mo papuntang Korea, kaya dinagdagan ko ng 50. Huwag mo sanang gawing BIG-DEAL at sabihing ' sobrang-laking halaga po nito'. Kulang pa 'yan sa tulong na dapat kong ibigay sa'yo. Kaibigan ako ng namayapa mong Ina, at ibinilin ka niya sa'kin nung nagtrabaho siya. Sabi ko na nga ba't pamilyar ang iyong mata, at boses mong maganda. Nagtataka ka? Nakita ko kase ang picture niyo sa lamesa mo, kaya nalaman kong ikaw nga. Natakot ako nun, kase baka maging pabigat ka lang sa'kin, at saka wla pa kase akong ipon nun. Tapos nagkasakit pa ako, diba? Pero ngayong sumi-sweldo na ako, at nakita na ulit kita, gusto kong kahit sa pinaka-konteng paraan, ika'y matulungan ko man lang. Patawad kung wla ako sa limang-taon mong pag-iisa. Bumalik nga ang nanay mo Mula sa trabaho, pero nabalitaan kong namatay siya, limang buwan na ang nakalilipas. Hindi man lang ako nakadalo. Patawad Ina-anak, pagaling ka! Ipagdadasal kita. Magsaya ka at manalig lang lagi sa KANIYA.'
Nagmamahal,
-NinangHindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha sa aking mga nalaman. Gulong-gulo na'ko at ewan, basta naiyak nalang ako.
Pumunta ako sa sofa at dun ako humiga at umiyak ng umiyak. Alas onse na kaya pagkatapos kong tumahan, pumikit na'ko at hindi nagtagal ay nakatulog narin.
-Vein_SinDale
YOU ARE READING
I'm Scared to Death
Historia CortaIto ay kuwento ng isang baklang mamamatay na in 5 months. Gusto niyang tapusin at gawin ang lahat ng mga nasa bucket list niya. May limang buwan na lamang daw siya sabi ng doktor, at tanging siya lang ang may alam nito. Gusto niyang makita muna ang...