Chapter 1 -

0 0 0
                                    

I'M SCARED TO DEATH

Written by: Vein_SinDale

Chapter 1.
_______________________ _____ ____ __ _★°*★°*★°*

Vyn's Pov

"Ma? Mama, ikaw ba yan?" Nakita ko si Mama na nakatalikod sa gawi ko. Nandito ako sa, hindi ko alam kung saan.

Hindi lumilingon si Mama sa'kin kaya nilapitan ko siya. Pilit kong inaabot ang kaniyang balikat, ngunit hindi ko magawa. Hindi ko talaga maabot, kaya umiyak na'ko at sumigaw.

"M-ma!! Ma!" Hindi parin siya lumilingon kaya mas naiyak ako.

"M-MAAAHH! Ma-

"H-hoiy! Gu-g-gumising ka na nga diyan!" Naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko at niyugyog ang balikat ko. Bigla kong naimulat ang aking mga mata, at napagtantong panaginip lang pala 'yung nakita ko si Mama.

Ang sakit-sakit parin, at sobrang bigat parin aa dibdib. Umiiyak parin ako kaya naman mabilis akong bumangon at niyakap ko 'tong taong gumising sa'kin mula sa panaginip ko.

Nanatili ako sa posisyon ko ng ilan pang mga minuto habang humahagulgol parin. Angsarap sa pakiramdam. Niyakap niya narin kase ako pabalik at sinasabihan ng

"Sshh! Sshh, tama na, Tama na. Panaginip lang yun okay? Shh." Niyakap ako ng taong mahal ko.

Pero hindi ko na pala siya mahal kaya hindi ko na pinatagal masyado. Bumitaw na'ko at pinunasan ulit ang mga luha ko.

"Ba't diyan ka lang natulog? Anlamig kagabi ah?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape. Nandito na kami ngayon sa lamesa, kakain na.

"Ano bang pake mo?" Tinarayan ko lang siya.

"Tss. Hanggang kailan ka ba magiging ganiyan huh?" Pagrereklamo niya sa pagtataray ko. Siya'y nagpatuloy pero binara ko rin.

"Naku! Kung hindi ka lang talaga binilin sa'kin ng mama mo, hindi talaga kita pagtitiis-

"Edi wag! Pabigat lang naman ako sa'yo eh, palagi nalang. Ginagawa mo lang naman pala 'to dahil ibinilin ako ni Mama sa'yo, edi suwayin mo siya! Simpleng bagay!" Pagpigil ko sa kaniya. Bigla siyang natigilan dahil nagtaas na ako ng boses at sinamaan siya ng tingin.

'Ano? Pinagmumukha niya ngayon na napipilitan lang siyang sama-samahan ako?'

"H-hoiy! nagbibiro lang naman eh, eto naman ang seryoso." Pabulong niyang satsat, kaya mas sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Oh etoh na kape moh! Pinagluto narin kita ng ulam kahit ayaw mo, at kahit ayaw ko rin. Pinagluto kita dahil sabi ng Mama mo na alagaan kita. Dahil hindi ka raw marunong magluto, kala mo naman senyorita" Sabi niya pa pagkatapos ibagsak ang kape sa harap ko. Natalsikan pa'ko ng loko.

  "Oh ayan Jumbo hotdog at dalawang itlog, galing sa'ken. Pero wag kang assuming hindi yan yung akin. Mas malaki 'to kesa jan." Medyo mabastos niyang patuloy.

"Hoiy Mister wag ka ngang bastos. Baka ikaw assuming jan! Engot!".

Tss. Ikaw lang yung assuming jan, bastos! Hmp!

"Shujudju judhju, oo na!
Kumain ka na PO MASTER! Tsk. Alis na'ko, mabulunan ka sana." Sabi niya pagkatapos hinubad ang apron at tumambad ang hot niyang katawan na tanging Sando lang ang suot. I mean, sando lang ang pang-itaas na suot. Naka-shorts siya, wag kang ano.

I'm Scared to DeathWhere stories live. Discover now