Chapter 9

32 1 0
                                    


" Ate Jaraica, gumising ka na ... " sambit ko. " Ate J-araic..." Sabay balikwas ng bangon. Ipinikit ko ang aking mga mata at Pinakiramdaman ang buong paligid.

"Mabuti't gising kana."

Napaangat akong bigla nang marinig ang boses na iyon. Kung ganun panaginip lang pala ang lahat. At ngayon kaharap ko si Daimon.. Si Daimon? Maang akong napatingin sa buong paligid.

" N-Nasan ako? Anong ginagawa mo dto? Bakit ka n-nandito?"

" Ang dami mo namang tanong? " anito habang buong hagod na nakamasid sakin. " Di ka man lang ba magpapasalamat?"

Nagtangka akong bumangon ng mamalayan Kong naka damit panloob lamang ako. Namula ako sa sobrang hiya ng mapansin Kong maang na napatingin si Daimon sakin.

"H-Huwag kang tumingin!!!" sigaw ko sabay yakap sa sarili.
Nang siyang pagbukas ng pinto at iniluwa doon si Ayah. Nagulat pa ito ng makita ako. Pero mas nagimbal pa ako sa kanya ng makita Kong duguan siya. Oo duguan ang kaibigan.

"A-Ayah?...."
Dali-dali naman siyang lumabas. Napatingin ako Kay Daimon na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Malapit sakin. " A-Anong.... Anong nangyayari sa kanya? A-Anong ginawa mo kay Ayah?"

" Bat di sya ang tanungin mo?" Tipid nitong sagot sakin na syang ikinainis ko.

Nang akma ko siyang sasampalin bigla namang kumirot ang buhay na balat na malapit saking dibdib. Dumugo ito at nagsimulang pumatak. Napahawak ako dto.
"D-Daimon" sambit ko sa sobrang sakit.

Devo's POV
Nakita ko ang pagdurugo ng kanyang tatak. Matagal na rin mula ng matikman ko ang dugo ni Ayah. Pero sa pagkakataong ito mas lalo akong nananabik. Mas pinupukaw niya ang natutulog Kong diwa. Napapikit ako sa bango ng kanyang dugo na tila ba nang aakit.

Nang idilat ko muli ang aking mga mata Nakita ko ang kanyang paghihirap na labanan ang kirot na hatid nun. Unti-unti siyang nanghihina.
"Bat ganito.... A-Ang s-sakit..." Pakiramdam ko bumibilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti ring nanlalabo ang aking paningin. Lumantad na sa harapan ni Daimon ang aking kahubaran. Si Daimon. Si Daimon. Bat namumula ang kanyang mga mata?

Nakita ko ang unti-unting panghihina ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Ang mabilis na pagdaloy ng dugo mula sa kanyang katawan ang nagtulak sakin sa lapitan at hawakan siya. Nakita ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko. Nang akma ko ng ibuka ang aking bibig ay siya namang pagbagsak niya.

Ayah's POV

'Si Jenny, anong ginagawa niya dto?.. D pwedeng nandito sya.. Mapanganib dito d pwedeng nandito siya!!! '

Nakaharap ako ngayon sa salamin at nakikita ko ang bahid ng dugo sa aking bibig.' Nakita ba ni Jenny ang hitsura ko ? Nakita kaya niya?? Siguro nakita niya sa ganong ayos ang hitsura ko... Anong gagawin ko..... '

Hihingi ako ng tawad Kay Jenny. Sasabihin ko sa kanya na di ako pumapatay ng tao.. Hindi galing sa tao ang dugong ito.
Marahas Kong pinunasan ang bahid ng dugo sa aking bibig. Kailangang makabalik agad ako sa kuwartong iyon. Si Daimon, baka anong gawin niya Kay Jenny..

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon