CHAPTER 8

54 3 5
                                    

Panaginip lang ba ang lahat nang ito? Kagaya ba ito ng dati? Kung panaginip lang ang lahat ng ito gusto ko ng magising. Asan si Ayah? Gusto kung magising!... Nanghagilap ako ng bagay para maging sandata ko, ngunit wala akong makita maliban lamang sa mga basong naroroon sa mesa.

Nakita kung bumilis ang kilos ng mama at kuya ni Ayah. Sabay ba nila akong susunggaban? Nang mapagtanto kung susunggaban na nila ako dali-dali kung pinagkukuha ang mga baso sabay ubod lakas na ibinato sa kanila. Kasunod nun ang pagtakbo ko palapit sa pinto. Ibinato ko ang nag-iisang basong hawak ko sabay bukas ng pintuan. Walang lingon-likod akong tumakbo habang malakas na sumisigaw ng tulong.

" SAKLOLOOOO! !....SAKLOLOOOOO!....TULUNGAN NIYO AKOOO!....." sigaw ko kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Huminto na rin sa pagdurugo ang buhay na balat sa ibabaw ng aking kanang dibdib. Nawala na rin ang sakit.

Patuloy parin ako sa pagtatakbo. Sumisigaw. Umiiyak. Pagod na pagod na ang aking mga paa. Bakit parang walang nakakarinig sa akin?

" TULUNGAN NIYO PO AKOO!" sigaw ko parin. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya pa. Pagod na ako,

Napansin kung medyo malayo na ako samin. Napahinto ako. Nakiramdam. Ang tahimik ng buong paligid. Asan ang mga tao? Nasan sila? Nagpalingon-lingon ako. Asan ako?

Humakbang ako ng mga ilang hakbang..... Pagod na ako.... Giniginaw na rin ako dulot ng ulan.

Anong nangyayari? Gusto ko ng magising.

" P-PPanaginip lang ang lahat Jenny..... Panaginip lang ito." kausap ko sa sarili. Napangiti ako. " Isang p-panaginip lan.............." kasabay ng aking pagbagsak. Nandilim ang aking paningin.

-SA SILID-

Idinilat ko ang aking mga mata. Sumalubong sakin ang mapusyaw na liwanag mula sa kulay pulang ilaw. Dahan-dahan akong bumangon at ganun nalamang ang aking pagkabigla. Tanging damit panloob ko nalang ang aking suot. Kinuha ko ang kumot at ibinalot sa aking katawan. Ang weird, wala bang matinong liwanag dito? Maging kumot kulay itim. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Asan nga pala ako? Ang pagkakaalam ko, nawalan ako ng malay at diko na alam ang kasunod na nangyari. Nalungkot ako nang maalala ko ang mga nangyari. Totoo kaya yon o panaginip na naman? Nasan kaya ako? Ang lugar na to pamilyar sakin.

"JENNY......."

Bigla akong napalingon. Sino yon?

JENNY.........

Hinanap ko ang direksyon ng boses. Pamilyar sakin ang boses na yon...

" S-Sino yan? Nasan ka?" ako

" Jenny......"

" Nasan k--------------" naputol kung tanong. " A-Ate?" ako (nagulat). Nakaupo ito sa sulok malapit sa gilid ng kama. Parang takot na takot ito.

"Ate Jaraica!" ako. Lumapit ako at agad ko siyang niyakap. " Ate Jaraica...."

" Jenny..." si ate at niyakap din niya ako.

Napaiyak ako sa labis na tuwa.

" Tahan na Jennysience." si ate.

Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan ko siya ng mabuti. Ang ate Jaraica ko, maganda parin siya.. ang pagkakaalam ko buntis siya ngayon. Magiging tita na ako... Pero nakapagtataka? Totoo ba tong nakikita ko o panaginip lang?

" Ate, anong ginagawa mo sa lugar na ito? Paano ka nakauwe? Nasaan tayo ?" sunod-sunod kung tanong sa kanya.

" Hindi ko rin alam, Jenny. Ang naaalala ko lang ay may isang babae akong nakita..... at ikaw ang babaeng iyon. Nang tinawag ko ang pangalan mo bigla kang tumalikod at umalis. Sinundan kita para tanungin kung paano ka nakarating dito sa Britanya at kung kasama mo ba si mama. Ngunit bigla kang nawala. tapos.........pagkatapos...........may humawak sa balikat ko at---------------

" Andito kana?" ako. (nagtataka)

Nakita kung tumango lang si ate Jaraica. " Ate, naniniwala kaba sa bampira? Sa tingin mo ba pinaglalaruan tayo?" ako.

" Bampira?" si ate.

" Nananaginip ako tungkol sa isang mansion na diko alam kung bakit. Bawat panaginip ko nagkakaroon ng kasunod. Ang weweird na rin ng mga nakikita ko sa paligid. Hindi ako naniwala sa sinabi ni mama dati tungkol sa mga bampira. Pero, mula ng mabasa ko ang librong binigay ni Eric sakin... unti-unti ko nang nauunawaan ang lahat." ako

" Jenny, hindi niya tayo pinaglalaruan. Narito siya upang maghigante at yon ang buhay natin." si ate

" H-Ha? Alam mo ba ang tungkol sa........ sa.............."

" Matagal ko ng alam ang lahat. Pero tinaboy ko na sa limot sapagkat tulad mo ayoko ring maniwala. Pero sa nangyayari ngayon, sa tingin mo ba Jenny panaginip lang ito?" si ate. " Narito siya para patayin ako. Patayin tayong dalawa."

" A-Ate. anong ibig mong sabihin?" ako.

" Pagmasdan mo ang nakaguhit na cross sa dibdib natin. Pareho diba? Ngunit magkasalungat sa kinalalagyan nito." si ate.

" Anong ibig sabihin nun?" ako

" Isa sa atin ang nagbibigay ng lakas upang dumami sila at isa din sa atin ang banta laban sa kanila. " si ate

" Ate Jaraica, kung ganun sino sating dalawa ang dahilan ng kanilang pagdami?" ako.

" Ikaw." si ate.

" H-Ha, a-ako?"

" Oo, ikaw nga Jenny.. " si ate ( maang niya akong tiningnan.) " Sa tuwing durugo yang sumpang yan na nasa iyong dibdib binubuhay mo ang mga taong minsan nang namatay. Dadami sila ng dadami at unti-untiin nila ang buhay mo.... Uubusin nila ang dugo mo."

" A-Ate.......... " ako

" Kasalanan mo ang lahat..... Ikaw ang nagdadala sa kanila dito ...... kaya dapat pinatay na kita noon pa man." si ate

Sa narinig ko bigla akong napatayo. Nanginginig ang buo kung katawan habang nakatitig kay ate Jaraica. Tama ba ang narinig ko? Gusto akong patayin ni ate? Kasalanan ko ba ang lahat?

" A-Ate.......... nagbibiro k-ka lang.........diba?" ako habang unti-unting tumutulo ang luha saking mga mata.

" Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Jenny! Kasalanan mo! " asik ni ate.

" Ate J-Jaraica......... nagkakamali k-ka" ako

" Kaya dapat mawala kana lang... maraming mapapahamak ng dahil sayo." si ate.

Tumayo si ate at noon ko lang narealize na may hawak pala itong kutsilyo. Napansin ko din ang duguang damit ni ate Jaraica. Nakita ko rin ang animo'y tama ng saksak sa kanyang kaliwang dibdib. Anong ibig sabihin noon? Tinangka bang saksakin ni ate ang sarili niya? Pero bakit?

" ate Jaraica" diko mapigilan ang panginginig ng aking katawan.

"Paalam kapatid"
Nang akma akong sasaksakin ni ate ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Ayokong makita si ate Jaraica. Napangiti ako Hindi dahil sa nababaliw na ako kundi sa alam Kong panaginip lang ang lahat na ito. Oo, panaginip lang toh.. Isang masamang panaginip.

" ang ate ko... Kahit kailan di nagagalit ang ate ko sakin. M-Mahal ako ng ate Jaraica ko.." Sambit ko habang unti-unting nahuhulog ang luha ko mula sa aking mga mata.

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon