CHAPTER 3

34 2 0
  • Dedicated kay Precious Jerelyn Aquino
                                    

Natapos na rin sa wakas ang second subject namin. Nagtungo agad ako sa locker room para ibalik ang mga books at para din kunin ang ibang books para sa last subject namin ngayong umaga. Nagtaka ako pagdating ko sa locker room dahil wala man lang katao-tao. Sa Pagkakaalam ko sa mga ganitong oras marami ng mga estudyante ang nagmamadali sa pagkuha ng kani-kanilang gamit. Nasa tapat na'ko ng locker ko ng makarinig ako ng kalabog.

Napalingon akong bigla. ' Ano yon?' bulong ko. Pinakiramdaman ko ang buong palagid. ' Hay! guni-guni ko lang siguro yon.'

Kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa para buksan ang locker ko. Matapos masusian ay agad ko ng binuksan ang locker. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Dugo! Maraming dugo ang nakita ko sa loob ng locker. Tumutulo na ang mga ito. Umagos ito patungo sa aking paanan at nagmistulang kamay.

" aaaaaaaahh..... aaaaahhhh.." napasigaw ako ng biglang humawak ito sa aking paa. " Aaaahh...aaaahh."

" Jenny! Jenny! anong nangyayari sayo?"

Pero patuloy parin ako sa pagsisigaw.. nagtitili ako ng nagtitili.

" JENNY!!!" pukaw ulet saken ni Eric kasunod ng isang malakas na sampal. Bigla akong napahinto.

" Jenny anong nangyayari sayo?" kinakabahang tanong ni Eric. Dahan dahang napatingin ako ky Eric. Nanginginig ang buo kong katawan.

" P-Please tell me..."

Hindi parin ako makapagsalita... Hindi ko maintindihan.. bakit ang weird ng mga nakikita ko? Baliw naba ako?

" May God, Jenny magsalita ka! ba't ka sumisigaw? Narinig ko ang sigaw mo kaya dali-dali akong pumunta dito."

nag.aalalang sabi ni Eric.

" M-May ...may dugo..."

" Dugo? anong dugo yang pinagsasabi mo? si Eric

" Sa locker ko.... m-may dugo.... maraming d-dugo" nanginginig kong sabi.

Maang namang napatingin si Eric sa locker niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito. Napatingin ako kay Eric. Sa nakikita ko di siya naniniwala.

" M-May nakita ako kanina diyan..mmmaraming dugo..." paliwanag ko.

" Pero wala naman akong nakikitang dugo sa locker mo eh!"

"Meron! MManiwala ka sakin Eric.. Meron akong nakita.." tumaas ang boses kong sabi dito.

" Ano bang nangyayari sayo Jenny?"

Napalingon si Eric sa nagsalita." Ayah."

Napatingin din ako kay Ayah.

" Para kang sira dyan. Umayos ka nga !" sabi nito saken.

"Ayah!" saway ni Eric.

Napatingin ako sa buong paligid . Marami ng mga estudyante at silay nakatingin sakin. Napahawak ako sa braso ni Eric.

" Ano bang nangyari sayo? Bat kaba sumisigaw?" tanong ni Ayah sakin.

Napatingin ako sa kanya. Alam kong tulad ni Eric malabong paniwalaan niya ako. Hindi ko na siya sinagot pa. Iisipin ko nalang na isang bangungot ang lahat..

-------------------------------------

SA BAHAY

Gabi na.

Gaya ng sinabi ng mama ko kanina sa bahay nga namin binurol ang labi ng mama at kuya ni Ayah. Pagpasok ko sa loob ng bahay di pa gaanong marami ang mga taong naroroon.

"Mabuti't maaga ang uwian mo ngayon" salubong sakin ng mama ko ng makita akong pumasok. May dala itong tray ng pagkain. "Nasaan nga pala si Ayah? Ba't hindi kayo magkasabay ngayon" Nagtatakang tanong ng mama ko sakin

"May kasabay po kasi siya, Mama. M-Maya -maya baka nandito na sila...." sagot ko. " Sige po, magbibihis po muna ako." sabay talikod. Ang totoo niyan masama ang loob ko kay Ayah. Ayoko kay Daimon para sa kanya. Pero wala akong magawa, pinaninindigan niya talagang si Daimon ang Prince Charming niya. Kung alam lang sana niya ang ugali ni Daimon. Pero sa nakikita ko malabong papaniwalaan niya ako ngayong patay na patay siya kay Daimon sa simulat sapul palang. At ang masakit, ang lamig na sakin ng "bestfriend ko."

Nasa kwarto na ako at nagmamadali akong magbihis. Tutulungan ko si mama sa pag.aasikaso sa mga bisita. Nang matapos na akong makapagpalit ng damit agad akong napaupo sa kama. Naka spaghetti strap ako at miniskirt. Kinuha ko ang aking bag at inilabas ko ang librong binigay saken ni Eric . "LIFE AFTER DEATH" basa ko sa pamagat ng libro. Napangiti ako. Ang totoo niyan kasi mahilig akong magbasa ng mga horror books, suspense at syempre lovestory na may halong horror..ahahaha..

'Hindi ako naniniwala na may mga bampira pa sa panahon ngayon. Unless kung nakita mismo ng dalawang mata ko.' bulong ko sa sarili. ' Ano kaya ang ikinamatay nina tita at kuya?' tukoy ko sa mama at kapatid ni Ayah.

Sinimulan kong buklatin ang unang pahina ng libro.

Hep! siguro inisip nyo kong bago or luma ba yong libro noh?

ahahaha... ang totoo po niyan, sobrang luma po ang librong "life after death" lumang luma po talaga yon. By the way.. mahilig po kasi ako sa japanese style, yong uniform po ng ating mga tauhan ay syempre japanese style- maikli po. Ahahah... ayon lang po...

NEXT.....

__________________________________________________________________________________

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon