Kasabay nun ang pagbagsak ng pinto.
Ramdam ko ang init ng aking katawan habang yakap ko ang sarili. 'Buhay pa ba ako?' bulong ko. Nananatili paring nakapikit ang aking mga mata.
"Jenny..........."
Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata para makita kung saan nanggagaling ang isang pamilyar na boses. Inaaninag ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kaya lang nabigo ako sapagkat nanlalabo ang aking paningin. Naramdaman kong may humaplos sa aking pisngi. Pero wala akong naaaninag. Kasunod nun ang pagdantay ng labi sa aking noo. Napapikit akong muli.
"D-Daimon....." sambit ko.
" D-Daimon? Sinong Daimon yang binabanggit mo, Jenny?"
Napadilat akong bigla. " M-M.....M-Mama?" gulat kong sabi. Hindi pa rin ako makapag salita. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. ' Ano ito? Si mama ko na ba tong nakikita ko ngayon? Buhay paba ako? Panaginip lang ba yon?' bulong ko sa sarili.
" Jenny? Hoy, Jenny! Anong nangyayari sayong bata ka?" si mama sabay wasiwas ng kamay niya sa mukha ko. Nakatulala kasi ako. Bigla akong nahimasmasan .
" M-M....M-Mama?" ako (nagulat)
"Anong nangyayari sayo, anak? Nakatulog ka dito sa may hagdanan. Dapat di kana bumaba. Magpahinga kana dun sa kwarto mo." si mama. Kung ganun pala, si mama ang humalik sakin. Buhay ako. Sabi ko na nga bang panaginip lang ang lahat. Napangiti ako.
"Siya nga pala, anak. Sino yong Daimon na narinig ko kanina?" si mama. Nakangiti. :)
" H-Ha? Daimon?" ako. " Sino po yon mama?"
" Huwag mo ngang ibalik sakin yong tanong. Sino si Daimon?" ulet ni mama.
" Mama, nananaginip po ako. Pangalan po yon ng bampira sa panaginip ko." ako. (nagsisinungaling)
"Hmm. Talaga?" si mama. Sabay kurot niya sa tagiliran ko. " Ikaw na bata ka! wag mo kong pagsisinungalingan ha!" si mama (kunwari galit daw)
Napasigaw ako sa kurot niya kaya napalingon ang ibang bisita sa direksyon namin. " Oo na. Si Daimon... siya po ang .... boyfrie_________
"Boyfriend ko po." si Ayah. " Boyfriend ko si Daimon Tita."
Napalingon kaming pareho ni mama. Nasa may likuran na pala namin si Ayah.
" May boyfriend ka na? Kailan pa?" si mama
" Mama, matagal na po siyang may boyfriend. Mga dalawang buwan na po." ako. Teka, bat nga pala ako ang sumagot?
"Ganun ba?,, Ayah, malaki ka na alam mo ang dapat at hindi dapat gawin ha. " si mama.
" Opo. Sige po, mauna na po ako. Aasikasuhin ko lang po ang mga bisita." si Ayah at iniwan na kame. ' Diko man lang siya napansin kanina." bulong ko.
" O ikaw naman Jenny, umakyat kana at matulog." si mama.
" O-Opo." tipid kong sagot. Pero di parin ako kumikilos.
" Tumayo ka na diyan." utos ni mama at iniwan na ako. Napasandal ako sa hawakan ng hagdanan.
' Ano kaya yon? Isang panaginip na naman? P-Pero bakit parang totoo?' ako (sa isip lang). Napatingin ulet ako sa mga bisita. " Bat ganun?" ako ulet.
SA LABAS NG BAHAY.
Oo, nasa labas ako ng bahay ng mga sandaling ito. Eh panu kasi hindi ako makatulog. Nakaupo ako ngayon sa isang mahabang balcony. Unti na lamang ang mga bisita dahil mag.aalas-dose na ng gabi. Lumabas ako para pag-isipan ang mga nangyari kanina. Hindi ako mapakali, parang feeling ko totoo ang lahat. Napatingin ako sa langit.. natatakpan ng mga ulap ang buwan. Full moon pala ngayon? eh ano naman? Hmmm... ang lamig ng hangin. Pakiramdam ko ang payapa ng gabing ito. Sana ganito nalang palagi.
Matapos tumulong ni Ayah bigla nalang itong nawala. Hindi ko na sinabi kay mama baka mag-alala naman ito. Sinabi ko nalang na nasa kwarto at nagpapahinga.
Katahimikan -_______-
Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang maalala ko ang nangyari kanina. Nanghilakbot ako sa isiping iyon. Sinampal sampal ko ang aking mukha. Panaginip lang iyon. Isang bangungot. Yon ang lagi kung iniisip para mabawasan ang takot na aking nadarama. Bigla akong napahawak sa aking ulo. Kahit anong pangpakalma o pangpalubag loob ang gagawin ko naaalala ko pa rin ang mga iyon. Baliw na kaya ako? Nasa ganun akong pag-iisip ng lumapit sa akin si mama.
" Malalim na ang gabi, matulog kana." si mama. Napalingon ako sa kinaroroonan niya.
"Mama." ako.
"Anong ginagawa mo dito? Mukhang malalim yata ang iniisip mo ah?" si mama.
" H-Ha?..... wala po ito." ako. Pilit ang ngiti. " Mga simpleng bagay lang po itong iniisip ko."
" Talaga lang ha..." si mama. " Sige na, tumayo kana diyan at pumanhik na sa itaas."
Sinunod ko ang sinabi ni mama. Pumasok na nga ako sa loob.
Monica's POV ( Monica is the name of Jenny's mother)
Sa mga nagdaang taon ngayon ko lang nakikitang nababalisa ang anak ko. Hindi man niya aminin sakin batid kong may tinatago siya. Pero bakit ayaw niyang ipagtapat sakin? Bakit Jennysince?
BINABASA MO ANG
I Will Be Watching You II
Teen FictionIt tells about how a normal college student went through to a mysterious play of her dreams . Sa pagdating ni Daimon sa buhay niya ay unti unting nagbabago ang takbo ng mundo. A world that makes her to feel alone and scared. Yes, Jennysince was scar...