CHAPTER 4

32 1 0
                                    

Dahan-dahan kong binuklat ang unang page ng libro. Sa sobrang kalumaan nito'y halos magkadikit dikit na ang bawat pahina ng aklat. Dahan -dahan kong itong binuklat as in D...A....H...A...N....D....A...H...A...N. Sa kabutihang palad nagawa kong paghiwalayin ang unang pahina. Maya maya'y magkasalubong na ang kilay ko ng makita ko ang nakasulat. ' Ano ba naman ito? Ang lalim naman ng tagalog.. daig pa ata ang makata dito ah...' saloob loob ko.

I sigh. Pano ko naman ito maiintindihan? Word palang feeling ko panahon pa ng lolo ng lolo ng lolo ko... Pabagsak akong nahiga sa kama. Napatingin ako sa wall clock. ' Mag aala sais pa lang? Kung ganun napaaga ang uwian namin ngayon.. hmmm.. " Ipinikit ko ang aking mga mata. Mamaya na lang siguro ako bababa.

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang pumasok sa isipan ko ang napakaraming dugo. Bigla akong napadilat. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina sa locker room. Ang weird, totoo talaga ang nakita ko... pero bat ganun? ang weird.... :( Totoo kaya yon o namamalikmata lang ako? Ano bang nangyayari sakin? Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Napabangon akong bigla. Si mama lang pala. May dala itong tray ng pagkain .

"Dinalhan na kita para di kana bumaba." nakangiting sabi ng mama ko.

"Thank you po, mama." ganting ngiti ko rin sa kanya.

"A, Jenny, wala pa rin si Ayah. "

" Baka po may pinuntahan lang... Hintayin nyo nalang po at darating din yon" tipid kong sagot

" Napapansin kong di na kayo nagkakasabay umuwi ah.. nag-away ba kayong dalawa?" pukaw ng mama ko sa biglaang tahimik ko. " Dati para kayong kambal tuko na ayaw ng maghiwalay."

" Mama, 4th year college na po kame.... siguro habang lumilipas yong panahon dun namin narealize yong mga gusto at hilig namin?...Yong tipong eto yong hilig ko at eto naman yong hilig niya..." mahaba kung paliwanag.

" Hindi ako naniniwala niyan. Nag-away kayo noh? Umamin ka Jennysince."

Nagulat ako ng banggitin ni mama yong buo kong pangalan. Galit kaya si mama? Hindi naman kasi halatang nagagalit siya. Ang mama ko kasi maamo ang mukha na kahit galit na wala sa expression ng hitsura. " Eh kasi mama, si Ayah po may boyfriend na. Syempre mas bibigyan niya po ng pansin yong boyfriend niya." Sagot ko nalang... totoo naman eh.

"Yan ang sinasabi mong pagbabago ? Porket nagka-boyfriend lang si Ayah? Hmmm, naku Jenny, may tinatago kaba?"

"Wala po. Eh kasi po nagsisilos ako. Mas mahalaga pa yong boyfriend niya kesa sakin.."

" E di mag boyfriend ka rin..." pabirong sabi ng mama ko. Nakita kong ngumiti siya.

" Mama, tama na nga to... baka mag-away pa tayo dito eh,,, kakain na po ako," taboy ko sa kanya." Tawagin nyo nalang po ako kung kelangan nyo po tulong ko."

"OH siya, siya...." anito. " Kumain ka ng mabuti para magkalaman yang utak mo. Masyado ka ng makitid at para rin magkaboyfriend kana." anitong nagbiro pa.

" Mama!" pikon kung sabi.

Lumabas na rin si mama. Sinimulan ko ng kainin yong dalang pagkain ng mama ko. At ayon, naubos ko nga. Nag burp pa ako sa kabusugan.. Masarap magluto ang mama ko. Mga ilang minuto ang nakalipas bago ako humiga ulit sa kama habang nakatitig sa kisame. ' Daimon.......' di sinasadyang nabanggit ko ang pangalan niya. ' Ayoko sayo------------' napatigil ako. ' Nakakainis kana, sino kabang talaga?'

Tumagilid ako ng higa. Nakabaluktot. " Papa, anong gagawin ko? " usal ko." Ate....." Nasa ganun akong ayos ng ako'y makatulog.

PAGLALAKBAY SA MANSION

Nakatayo ako sa harapan ng isang malaking pintuan ng isang mansyon. Napatitig ako sa pinto.

"Andito na naman ako...... b-bakit lagi ko itong nakikita?" bulong ko sa aking sarili. Napakatahimik ng buong paligid. Malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa buo kong katawan. Napapikit ako, nang biglang bumukas ang pinto. Napadilat akong bigla. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na papalabas sa malaking pinto.

"Daimon?" bigla kong nasambit. Hindi ako maaaring magkamali, si Daimon ang nakikita ko.. Pero bat ganun? Sa nakikita ko para itong lasing na pasuray-suray palabas sa malaking pintuan. Para itong hinang hina. At mga ilang sandali lang natumba ito.

"Daimon!" sigaw ko at akma ko sana siyang lalapitan ng biglang sumungaw sa bukas na pinto ang isang babae..... isang napakagandang babae na animo'y nasa mga 20's pa ang edad.

Dali-daling nilapitan nung babae si Daimon at agad na ibinangon. Nananatili parin ak0 sa aking kinatatayuan. Bat ganun? parang di nila ako napapansin?

" A-Ano bang nangyayari sa.... sakin I-Ina? B-Bakit ........b-bat nanghihina ako..." narinig kong tanong ni Daimon.

"D-Dev0...." sambit ng magandang babae.

"A-Anong...... nauuhaw ako....g-gusto ko ng maiinom."

Nananatili pa rin akong nakatayo. Hindi ko maintindihan. Bat ganun, tila yata di nga nila ako nakikita...

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon