CHAPTER 5

31 2 0
                                    

"Aaaaahhhhhh......" sigaw ko sabay balikwas ng bangon.

"Para ka yatang nakakita ng multo sa panaginip mo ah?..."

"A-Ayah?" gulat na sabi ko. Andito si Ayah. " A-Akala ko kung sino na... ikaw lang pala." dugtong na sabi ko, naroroon pa rin ang panginginig ng boses ko.

" Bakit, may iba ka pa bang inaasahan?" si Ayah.

" W-Wala naman. Siyanga pala, kanina ka pa ba dumating?" tanong ko. Medyo okay na ako.

"Kanina pa lang. Ang dami na ng tao sa baba..... may nakaburol kasi." si Ayah

"Ayah, bat ganyan kang magsalita? Mama at kuya mo ang nakaburol sa baba!" sabi ko.

" Ewan. Patay na ang mga iyon bat dinadayo pa." si Ayah.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. " Ayah!" asik ko. " Ano ba yang pinagsasabi mo? Mama at kuya mo yon tapos ganyan kang magsalita?" galit kong sabi. " Hindi na kita naiintindihan. Pakiramdam ko di na ikaw si Ayah na bestfriend ko. Nagbago kana!" Sa sobrang inis ko ay iniwan ko siya. Lumabas na ako ng silid.

AYAH'S POV

"Bestfriend?"  takang-tanong ko. Oo, bestfriend ko nga si Jenny pero bat ganun siyang magsalita? Hindi ko siya naiintindihan. Wala akong maalalang ginawa kong masama. Si Daimon. Si Daimon lang ang nakakaintindi sakin. Pag kasama ko siya nakakalimutan ko ang lahat -lahat. Si Daimon. Si Daimon. Si Daimon. Masaya ako pag kasama ko siya pero bat ganun? Ang lamig niya sakin, Nariyan siya na parang wala. Wala akong maalala... Wala akong maalala... Ang mga sinasabi niya sa akin yon ang laging pumapasok sa isipan ko.... Ako ba ang nagbago? Hindi ako ang nagbago! kundi si jenny.  Siya ang nagbago....  

JENNY'S POV

" A-Anong.... ano na naman ang ginawa ko?" tanong ko sa sarili habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. 

Naiinis ako sa sarili ko . Nasaktan ko na naman si Ayah.  Ano bang nangyayari sa akin? bat naging ganito na ang relasyon naming magkakaibigan? Para akong masisiraan ng ulo. Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto at dali-daling pumanaog pababa. Pababa na ako ng hagdanan ng makita kong dumarami na ang mga bisita. Napahinto ako sa ikaapat na baitang ng hagdanan. Medyo mataas-mataas ang hagdanan namin, paikot rin ito.  

Dumami na nga ang mga taong nakikiramay samin. Nakita ko ang mama ko na busy sa pag aasikaso ng mga bisita. Nagpapasalamat din ako kina aling Mabel at aling Rosa na tumulong sa mama ko. Kabitbahay namin sila. Humakbang ako pababa ng bigla akong napahawak sa aking dibdib. Ang sakit. Oo, sobrang sakit niya. May parang balat kasi ako na buhay na hugis cross sa kanang dibdib ko. Kung makikita mo ito para itong sariwang sugat sa ibabaw ng aking dibdib.  

' A-Ang sakit.....' napahawak ako sa aking dibdib. Napansin ko ding dumugo ito. Kumalat ang dugo sa aking damit. Nanghilakbot ako . Ano bang nangyayari ? Ang sakit na..... napatingin ako sa mga  tao nagbabakasakali na nakita nila ako or makita ko ang mama ko. Pero hindi yon ang inaasahan kong makita mula sa kanila. Nakakatakot.. Natatakot ako sa kanila. Nakatingin silang lahat sakin at napansin ko ring unti-unting nag-iba ang kanilang mga hitsura. Pula ang kanilang mga mata at nakita ko rin ang matutulis na pangil . Napaatras ako at sila nama'y Palapit ng palapit sakin. 

" Anong nnangyayari sa inyo!?" takot kong tanong. " M-Mama.." pero hindi niya ako naririnig. Ang mama ko, anong nangyayari sa kanila.... patakbo akong bumalik sa itaas . Sasabihin ko kay Ayah ang nangyayari. Malapit na ako sa kwarto ko. Malapit na. 

Padabog kong itinulak ang pinto. Bumukas ito at nakita ko si Ayah. Nakatalikod siya.

" Ayah! Ayah! kailangan na nating umalis dito. ..." ako

" Aalis ka? Iiwan mo kong mag-isa?" si Ayah. Nakatalikod pa rin ito.

"Ayah, ang mga b-bisita...... silang l-lhat ..... naging...naging bampira!...." utal-utal ko ng sabi sa sobrang takot.

" Kong ganun, iiwan mo nga ako Jenny." si Ayah. Dahan-dahan siyang humarap.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Si Ayah...... isan ring...

" A-A..........Ayah...." nanginginig kong sambit. Nanginginig ang buo kong katawan. Mapula ang kanyang mga mata. Maputla ang kanyang kulay at mayroon din siyang pangil.  Natawa ako ng pagak. Baliw na nga ako... Panaginip lang to. Tama, isa itong bangungot at kailangan ko ng magising.

" Hindi mo 'ko maaaring iwan , Jenny!! Dito ka lang !!" asik ni Ayah. Nanlilisik ang kanyang mga mata. " Dito ka lang diba?"

" A-Ayah..." napaatras ako ng humakbang ito palapit sakin. Malapit ako sa pinto. Maya-maya'y naririnig ko ang malakas na pagbabayo ng mga tao sa labas ng aking silid. Anong gagawin ko.... saan ako tatakbo? saan ako pupunta.... Katapusan ko na ba? Wala  akong maisip na paraan . Tulungan Nyo po ako! Ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Panaginip lang ito. Di dapat ako matakot. Hindi ito totoo. Isa lamang itong bangungunot na kailangan kong labanan.  Hindi ako dapat matakot sa isang panaginip! 

Kasabay nun ang pagbagsak ng pinto.

_____________________________________________________________________________________....

Hello readers, 

Hmmm... kakalungkot naman walang nagcomment... hehe :))

Comment naman po kayo. Oks lang kung negative man yan or positive atleast alam ko kung saan pwede ko pang i-improve..

By the way, sorry nga pala sa late update.. cellphone lang po kc gamit ko po ee.. but now meron na po akong macbook. :) charing:P

Thank you pala sa mga nagbasa nitong first ever kong story... 

#iamkyokun :D

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon