Chapter 10

22 1 0
                                    

Devo's POV

"Di na siya gumagalaw. Patay na ba ang babaeng ito? " Dahan-dahan Kong iniangat ang ulo niya. Dalawamput tatlong taon na rin ang lumipas mula ng mahuli nila ang aking ama. Kasabay ng pagpatay nila dito ang isang sumpa na habang buhay nilang dadalhin.
" Ang sumpang ito ang siyang nagturo sakin pra makita kita" marahan Kong hinaplos ang kanyang Pisngi at kusang napadako ang aking paningin sa kanyang dibdib na hanggang ngayon ay nagdurugo parin. Lantad sa harapan ko ang kanyang katawan na tanging damit panloob lamang ang nakatakip nito.
Napangiti ako sa naisip ko.
"Jenny.......... Diko maiwasang sambitin ang pangalan mo. Jenny..... Bat ganito ang nararamdaman ko, bumibilis ang tibok ng puso ko.. Kung sakaling ikaw man ang taong iyon di ako mamamatay, di ko na kailangan pang isuot ang singsing na toh para maiwasang masunog sa sinag ng araw. Sa halip kaya ko ng makipagsabayan sa inyong mga tao. "

Ibinuka ko ang aking bibig upang tikman ang nang eengganyong dugo ng babaeng ito. Nang akma ko ng kakagatin ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib ay siya namang pagdapo ng isang malakas na hampas sa aking ulo. Pumatak ang dugo mula sa aking noo. Nabitawan ko bigla si Jenny.
Nilingon ko ang pangahas.

"Ikaw pala Ayah.."

"Di ako papayag na gawin mo yon Kay Jenny!! Ayoko na gawin mo yon! Ayokong mawala ka at si Jenny"

"Isa kang hangal!" Nanatili pa rin akong nakaupo habang nakatunghay Kay Jenny.

" Patawarin mo ko Devo, ang isang tulad mo  ay  di nababagay dito." Sabay saksak ko sa kanya. Sinaksak ko siya mula sa kanyang likuran. Isa, dalawa, tatlo... diko na mabilang ang saksak na iyon habang unti-unting tumutulo ang luha mula sa aking mga mata." Mabubuhay ka pa rin nman diba, Daimon?"

Nang di na ito gumalaw dali-dali Kong kinuha c Jenny. Inalalayan ko siyang tumayo.
". Jenny,..... Jenny...... Naririnig mo ba ako? G- Gumising ka.... Hoy Jenny..."

Tumulo nalang ng kusa ang luha ko. PapAlayo na kami sa silid na iyon dala na siguro ng pagiging halimaw ko kung kaya nagawa Kong buhatin si Jenny. Pinasan ko siya sa likod ko. Kailangang mailayo ko siya dito.
Nang makalabas na kami sa malaking mansyon ay marahan ko siyang niyugyog. " Jenny..... "

Naramdaman Kong gumalaw ang kanyang kamay. " P-Patawarin mo ko..... Friend,....."

"A-Ayah...."
Napahinto akong bigla sa paglalakad. Totoo ba yong narinig ko? Tinawag niya ang pangalan ko?

"Ayah......"

Napangiti akong bigla at mas binilisan ko pa ang paglalakad. "Kailangang makalayo tayo dito." Saad ko.

SA BAYWALK

" Jenny ano bang Wish mo?"

" Ang wish ko?... Ahmmm... Sana pansinin ka ng crush mong si Daimon."

Nagtaka si Ayah. Nagtatanong ang mga matang nakatingin Kay Jenny.
" Hindi ba dapat sa sarili mo ang wish mo?"

" Hindi bat kailangan mo ang tulong ko? So eto na yong tulong ko. Dito ko lang kasi maibibigay yon."

"J-Jenny.." Na touch naman ako sa narinig ko.

" Ayan, natulungan na kita. " nakangiti nitong sabi.
" Huwag kang mag-alala alam Kong makikita mo rin ang Prince Charming mo. "
" Sana nga Ayah.." Tipid nitong sagot.
Nagtawanan sila.

" Ayah...." sambit ni Jenny. " Ayah...."
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. " A-Ayah..."

" Kumusta ka na, Jenny?..."
" S-Sino ka?"
"Ako toh si Eric....kasama ko rin si John. Narito ka sa hospital."

"H-Hospital? " iginala ko ang aking paningin sa paligid. Oo nga nasa hospital nga ako. " Si A-Ayah? Nasan si Ayah? "

"Tulog si Ayah..." Si Eric
" G-GGanun ba.." Natuwa ako sa aking narinig. Sapat na sa aking marinig na okay ang friend ko. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon