CHAPTER 7

31 1 0
                                    

Nasa kwarto na ko ng mga sandaling ito. Nakahiga habang maang na napatitig sa kisame. In short: TULALEY. Nang biglang nagring ang cellphone ko. Bigla akong natauhan at dali-daling bumangon sabay abot ng aking phone sa sidetable. 

" Hello?" ako

"Hey, friend nabasa mo na ba yong libro?" si Eric sa kabilang linya.

" Nawalan ako ng gana....'diko kasi masyadong maintindihan ee" ako 

" Anong ibig mong sabihin? " si Eric, may himig pagtataka. 

" Masyadong malalim ang mga salita. Nahihirapan pa akong buklatin sa sobrang luma niya." ako :(

" Luma? Anong luma eh bago yon ah?" si Eric, nagtataka na naman.

" Luma nga siya. Mapupunit na nga sa kalumaan ee." ako.

" Ganun ba? Okay, dalhin mo yon bukas. Susubukan kung basahin. Pero ang alam ko bago pa talaga yon."

" Okay, subukan mo din baka maintindihan mo." ako.

" Sige, ayun lang." si Eric. 

" Ha? tumawag ka para lang dun? ahahah.... " ako

" Sige, yon lang.... goodnight! " si Eric, sabay nawala sa kabilang linya. Natawa nalang ako. Ini-off ko na din ang cellphone ko.

Bigla akong napatingin sa libro na nasa sidetable ko lang. Kinuha ko ito at binuklat. Bago daw? Ano ba yong pinagsasabi ni Eric? Kahit masyadong malalim ang mga salita ay ipinagpatuloy ko parin ang pagbabasa. Scanning. Skipping. Wala talaga ee. Bumalik ulit ako sa umpisa. Nasa chapter 2 naku ng bigla akong matigilan. Wala ni isang nakasulat sa page na yon na siyang labis kung ipinagtataka. Ba't ganun? Maya-maya'y napansin kong may kakaiba dito. Unti-unting may lumilitaw na larawan ng isang babae sa chapter 2.  Nanghilakbot ako pero tinatagan ko ang aking sarili. Masyadong malabo ang picture .. Tinitigan ko ito.

Dahan-dahan kung pinagpag ang larawan. Ganun nalang ang aking pagkabigla. Larawan ng ate Jaraica ko ang nasa chapter 2. Maya-maya'y nagkulay dugo ang buong page ng libro. Agad ko itong binitawan sabay tayo. Nanginginig ang buo kung katawan kasabay ng sakit na nararamdaman ko sa aking kanang dibdib. Nakita kong dumugo na naman ang balat na nasa aking dibdib. Napaimpit ako sa sobrang sakit nito. Namimilipit ako sa sakit. Gusto kong sumigaw ngunit ayaw kong mag-alala si mama. Kagat-labi kong tiniis ang sakit.  " Bakit g-ganito k-kasakit?" bulong ko. " M-MMama...." sambit ko.

Kasunod nun ang malakas na sigaw ng mama ko. 

" M-Mama!" ako. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko dali-dali akong lumabas sa kwarto para alamin kung anong nangyari kay mama.

_____________________________________________________________________________________

Comment naman kayo wattpad readers, ahehe :)) just want to hear your side about my story. Maybe some of you feel bored about this story. Sorry for that, actually gagawin ko itong book ee kaya hahabaan ko siya.. Lalagyan ko siya ng suspense, thrill... ahhhmmm... ano paba? BOOK 1 nito dko pa na type nasa hiraman pa po kc ee... kaazar... sana maibalik ung draft ng 1.

#iamkyokun

___________________________________________________________________________________

" Mama!" sigaw ko habang patakbong bumaba sa hagdanan. Gayon na lamang ang aking pagkagulat sa nasaksihan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot. Nanginginig ang buo kung katawan. Ang mama ko.... anong nangyari sa kanya? Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Hindi ko maintindihan, bakit nakikita ko ngayon ang mama ni Ayah at kuya niya? Ba't ang mama ko.... bakit nakahandusay  siya sa sahig? Bakit ang daming dugO?

" B-BBakit?" sambit ko. Nanginginig ang buo kung katawan.

Nakita kung nanlilisik ang mga mata ng tita ko ganun din si kuya Luhan. Namumula ang mga mata nila at may bahid ng dugo ang kanilang bibig. Hindi ko naiintindihan ang mga nagaganap ngayon. Napaatras ako ng makita kong humakbang silang dalawa. Umiwas ako sa hagdanan gusto kong lumabas at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.  Gusto kung sumigaw pero walang lumabas sa aking bibig. 

Napaatras ako

.

.

.

.

hanggang bumangga ang likod ko sa mesa. Nasa sala kami kung gayon, diko na namalayan. Palapit naman sila ng palapit sa akin. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Panaginip pa rin ba ito?

I Will Be Watching You  IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon