LIAN POV
Dito ako ngayon tumatambay sa isang kiosk ng school katapat lang nito yung classroom kung bakante ngayon kasi nga walang guro, kanina may dumating na school staff at nagpasabi wala daw ngayon s Prof. Narisma kasi may emergency siyang inaasikaso, paborito ko pa naman ang subject niya.
“Hey Lian!, wala ka bang lakad? –tapik sa akin ng isang kaklase kung ubod din ng yabang na akala mo naman siya na ang pinakamatalino sa klase na kun tutuusin kung di ko lang madalas mahuli na nangongopya sa libro, magaling sa cheating ang isang to, kaya akala mo kung sinong matalino, mahilig lang naman palang mangopya.
“Nah!-wala sa mood na sabi ko, hindi na ako nag-abalang tingnan siya, amoy niya pa lang alam ko na, isang cheap na cologne lang naman pabango nito, pero kung makaasta din akala mo sosyal na sosyal.
“sumama ka nalang kaya sa amin Lian, punta kami ng library-aya nito sa akin.
“Hindi na Mel, may lakad ako maya-maya-pagsisinungaling ko. Hmmp, akala naman nito di ko alam ang gagawin dun sa library magbabasa lang naman yun ng romance novel, buti sana kung detective stories ang binabasa nito, eh hindi naman kasi mga kamunduhan lang ang alam nitong basahin, tinapunan ko siya ng tingin, nakita ko pang bitbit nitong English pocketbook na may larawang isang babaeng, niroromansa ng isang lalaki. See, sabi ko na nga ba, alam ko kulo nito eh!
“Okay, alis na kami-paalam nito!
Tumango lang ako bilang tugon, tsaka binalik ko na yung tingin ko sa mga varsity na naglalaro ng volleyball sa harap ko. Pagkakaalam ko may laban sila this month kaya puspusan yung practice nila, beach volleyball yata yung sinalihan nilang tournament.
“Hey baby, nandito ka pala?-sabay akbay ng isang lalaking kilalang-kilala ko yung amoy.
“Hey, denz, wala ka ding klase?-sabi ko dito
“Yup, wala si Prof eh, nakita kita kaya pinuntahan na kita dito.
“dun na tayo baby sa boarding house boring dito, I bet nandoon din si Tere kanina, pag-alis ko nandoon pa kasi siya.
“you called me baby, is that your endearment to me?-ngiting sabi ko sa kanya
“Yup, you are a baby to me!-kampanteng sabi nito., Why you don’t like it?, it sounded like confirming not doubting.
“Yup, kinda like it, I love to be treated like a baby.
“So, come on?-sabay lahad ng kamay niya na di ko namalayang nakatayo nap ala siya sa gilid ko. Inaabot ko ang kanang kamay ko sa kanya at tumayo na rin.
“Hey sweetheart where are you going?-sabi ng isang lalaking sobrang tangkad tsaka sobrang gwapo niya talaga, no other than Ermar Gonzales one of the heartthrob ng school. Nakangiti pa talaga ang gwapong to sabay yuko and kiss on my cheek, yan naman talaga ang bati naming dalawa pag nagkikita. Although crush ko siya pero hindi ko naman inambisyon na maging boylet ko ang isang to, baka madami akong makaaway sa school, dami kayang fans club nito. Gumanti lang din ako ng isang halik sa pisngi nito. It’s our way of greeting.
Tiningnan ko si Dennis, medyo may pagkainis sa mukha niya. Hey sweety my boyfriend Dennis-pakilala ko dito. Medyo lumiyad naman ang dibdib ni Dennis nung sabihin ko ang katagang boyfriend.
“Oh sorry hindi ko napansin, Hello pare!-sabay lahad ng kamay nit okay dennis
“ermar pare!-dagdag pa nito
“Dennis-tipid na sagot ng isa na di man lang ngumiti kahit konti.
‘So sweety we have to go-paalam ko ulit kay Ermar.