Lian POV
Nandito ako ngayon sa school, tumatambay lang, wala kasi kaming klase ngayon, kasi may meeting ang lahat ng faculty, kasama ko ngayon ang pinsan ko habang kumakain sa loob ng canteen, isang spag yung sa akin, samntalang burger lang yung sa kanya. Pinagmamasdan ko yung lobby, kasi nga nakapwesto ako kung saan kita ko ang lobby ng school namin, maraming estudyante na naman ang nakatambay dito, yung iba nanunuod ng television samantala yung iba, busy sa kanilang phone siguro nag wi-wifi ang mga to. Nakita ko yung crush ko na umupo dun sa may lobby at kausap nito yung classmate niya, sa taas niyang 6’2” makikita mo talaga siya, kasi mangingibabaw yung height niya dun sa labas.
Cuz, si alex oh, sabay nguso ko sa direction ni Alex Montemayor, isa sa pinakamagaling na soccer player ng university. Ba’t di nalang kaya ng basketball player ang isang to, pabor yung height niya sa larong basketball.
Oo nga lian nuh, oh, ano kinikilig ka na namang bruhita ka?-biro sa akin ng pinsan kung si Sheryl Marie Aguillon. Actually second cousin kaming dalawa, siya lang ang kasundo kung pinsan na nag-aaral dito sa university.
Di naman, ikaw naman. –sabi ko, uminit pa talaga ang pisngi ko.
Napadako ang tingin ni Alex sa amin, tiningnan niya ako, tsaka kumindat.
OHMYGEE cuz, kindat yun hah?!-tili ni Sheryl
Mas lalo pa akong namula, yumuko nalang ako para hindi nila makita na nagmumukhang kamatis na yung mukha ko.
Maya-maya narinig ko na tumunog yung phone ko.
Hello sistah? Where are you? Bungad nito nung masagot ko yung phone ko
Dito sa canteen sistah!-sabi ko.
Okay we’re coming sabi pa nito and she hangs-up.
Tumingin lang sa akin yung pinsan ko with the “Who the hell look”. It’s mitch! Sabi ko
Ahhhh, your new found friend-sabi pa nito.
Alam niya yung nangyari sa akin at kay mike, alam din halos lahat ng estudyante dito sa school ang buong pangyayari, kasi nga isang varsity si Mike at ako naman madalas na maging representative ng department namin sa kahit anong contest especially sa academic. Siyempre madalas akong isinasama ni Mike, every time na may laro sila. Gusto niya kasi nakikita niya ako habang naglalaro siya.
So how’s with them?-tanong ni She sa akin, alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
Nagkibit-balikat lang ako. I dunno and I don’t care-sabi ko
Yeah! That’s good sweetheart- sabi pa nito.
Hello sistah-sigaw agad ni Teresa ng makapasok siya sa pintuan ng canteen.
Lumapit siya at nag beso-beso sa akin. Sumunod naman si Mitch, ganun din ang ginawa nito, tsaka umupo sa bakanteng upuan sa pagitan namin ng pinsan ko.
