Author’s note:
Sorry guys for late UD, nainis kasi ako, direkta ako nagsulat sa website, eh nag hang yung computer, kaya ayun nawala yung sinulat ko, at uulitn ko na naman ngayon.
DENNIS POV
It’s been 2 days nung huli naming pagkikita ni Lian. Until now hindi pa talaga nagpapakita sa akin, minsan natakot ako baka itext nalang akong bigla na maghiwalay na kami, hindi ko pa kasi sure kung may feelings din ba sa akin si Lian. I don’t care if kung sinagot ba niya ako dahil may feelings siya or panakip butas lang, bahala na si batman basta I will strive hard na mamahalin din niya ako.
Gusto ko na si Lian nung una ko siyang makita sa school, nakaupo siya nuon sa isa sa mga kiosk, medyo malungkot nga siya nuon eh, nag-iisa siya samantalang nasa kabilang kiosk lang ako, nagkataon kasi na vacant time ko yun. Nakatingin lang siya sa kawalan, habang ako naman ay na-cucutan sa katitingin sa kanya. Lian is a petite girl oozing with sexiness. I like the way she carried herself, she has confidence when she walk and she talk, she is a girl that knows what she really want and freely express it. Nalaman ko yung pangalan niya nung may narinig ako sa katabi ko na pinag-uusapan siya.
“Pare si Lian, crush mo!-nguso nung lalaki sa katabi niya
“Stop it pare, marinig ka!
“Tope mo naman dude, -sabay kamot nung ulo nung lalaking may crush sa kanya
Hanggang tingin nalang ako dyan pare, mukhang di ako makapasa dyan.
“You’re too coward pare, ano bang knatatakot mo, look may itsura ka naman-sabi nung lalaki sabay sipat sa mukha nung kasama niya
Napangiti ako sa ginawi ng dalawa, pinagmasdan ko ulit siya, napansin kung tiningnan niya yung celphone niya mukhang may binasa siya dun at agad din na tumayo. Now nakita ko na talaga ang kabuuan niya, she’s wearing a fitted blouse and a black skirt na bumagay sa tabas ng katawan niya. At dun ako unang nabighani sa kanya, kung may sEseryusuhin man akong babae, siya yun!
“Yeah! Hoi!-sigaw malapit sa tenga ng kung sino mang hinayupak na umiistorbo sa pagmumuni-muni ko.
“you’re drooling dude, sabay tapik sa akin ni Ruke!
“Hulaan ko!. Lian pare?-nakangiting kantyaw ni Allan na isang hinayupak na sumigaw sa tenga ko kani-kanina lang.
“Lintek ka allan, muntik na akong mabingi sayo ah!
“Get-up punta tayo kina Roy!-yaya sa akin ni Ruke ay hindi pala yaya yun kundi utos, makautos naman ang isang to, wagas lang!
“ano okasyon?-maikli kung tanong
“Fiesta dude, kainan na naman, para din a tayo makapagluto at din a tayo gumastos ngayung hapunan, tsaka may free drinks pa dun-mahabang sabi sa akin ni Allan
“Sandali magbibihis alng ako.
ALLAN POV
Nandito na kami sa bahay nina Roy dito sa Apo Village ang halos lahat ng bisita ni Roy ay mga kaklase lang namin. Mga lalaki kami dito maliban sa isa na hindi kaklase naming kundi girlfriend ni Roy yung nandito, buti pa ang isang to, may kayakap sa upuan.
“Aba naman pareng Roy, kaw lang yata Masaya ngayong araw na ito ah!-biglang sabat ni Donald, isa sa kaklase ko sa Chem 101.
“Huh bakit naman?
