Lian poV
Papasok na sana ako sa loob ng boarding house, kasi nga may kukunin ako sa kwarto ni Mitch, naiwan ko kasi nung isang araw yung book ko dito. Tinawagan ko siya kanina na kukunin ko yung book ko sa room niya, binigay niya naman sa akin yung susi at sabing kunin ko na lang daw sa boarding house niya. Sakto namang pag-pasok ko, nakarinig ako ng kalabog at may nabasag tsaka isang sigaw mula sa kwarto ni allan.
Ahhhhhh…… shit! Fuck!-
Nang bigla nalang bumukas yung pinto nung kabilang kwarrto at lumabas yung lalaki na nakahubad pang itaas at nung tiningnan ko yung short nya, nakaumbok pa talaga yung sa kanya, agad ko namang binawi yung tingin ko at siya naman dali-daling pumasok sa loob ng kwarto niya.
Binuksan ko kaagad yung kwarto ni mitch at kinuha yung sadya ko dun, narinig ko pa yung tinig ng babae sa loob ng kwarto ni allan.
Ang laki talaga nung sayo-maharot pang sabi nito
Next time ulit hah-dagdag pa nito at binuksan na yung pinto ni allan para lumabas. Sakto namang paglabas ko, nakita ko lumabas yung lalaking nagngangalang dennis sa kwarto niya, nakapang-itaas na siya na medyo malaking shirt at yung short niya ganun pa rin. Naalala ko naman yung nakita ko. Namula ako sa alalahaning yun. Dali-dali na akong umalis at din a lumingon pa.
Dennis POV
Dalawang araw na simula nung nangyari yung pagpunta ni Lian sa boarding house, after nun, hindi ko na siya nakitang pumupunta dito, dalawang araw na din akong bakante sa sexual life ko. Nag te-text pa nga yun si Jana kailan daw ako pupunta sa kanya or baka naman daw siya ang pupunta dito sa boarding house ko, hindi ko siya nireplyan, iwan ko ba, pero parang ayaw muna ng katawan ko na makipag-ulayaw sa iba, sapat na sa akin na gabi-gabi si Lian ang pinagpantasyahan ko.
Nakita ko si Mitch na kararating lamang, mukhang umuwi yata ito sa kanila, kaya pala hindi pumupunta dito si Lian.
Hi, mitch-bati ko sa kanya
Oh, Hi denz-sagot naman nito
Ikaw lang yata, asan si Teresa at Lian-sabi ko, nagbabakasakaling malaman ko kung pupunta ba dito si lian
Ahhh… si Teresa umuwi pa sa kanila, si Lian naman baka pupunta yun dito mamaya, nagtext kasi ako na ngayon yung dating ko. Hindi ka ba umuwi sa inyo?-tanong nito
Hindi eh, tinatamad akong umuwi-sagot ko na lang.
Kinuha ko yung guitar ko at tumugtog, kinanta ko na naman yung paborito kung kanta ng Gin blossom yung as long as it matters
Aba, para kanino yan pareng dennis?-kantiyaw sa akin ni Allan, kay aga-aga pa inspired ka na yata-dagdag pa nito
Hey, manahimik ka nga-sabay bato ko sa hawak kung shirt ko, hindi kasi ako nagsuot ng pang-itaas nasanay ako na pag andito lang ayaw kung nag t-tshirt ako.
Hindi pa ba dumating yung inspiration mo-nakangiti pang dagdag nito
Sino ba yung inspiration mo dennis, baka kilala ko-sabat naman ni mitch nung makalabas siya ng kwarto niya at pumwesto din ng upo dito sa labas
Kilalang-kilala mo iya mitch-sabay tingin ng makahulugan sa akin ni allan
Aba sabihin mo na dennis, baka makatulong ako-pangungumbinsi naman ni mitch sa akin
