Ruke POV
Napangiti ako ng napansin kong di pa lumabas si Allan sa kwarto ni Tere, bilis talaga ng isang to pagdating sa babae.
Yow! Allan asan ka na?-tawag ni Dennis, mukhang nakapansin na din siya, ilang minuto na kasi ang lumipas di pa rin lumabas ang gago.
Tsaka narinig kung may nagbukas ng pintuan sa loob
Yup!, here I am, masyado niyo ba akong na miss?-sabi pa nito
Ba’t ang tagal mo dun?, baka ano na ginawa mo dun hah?!-sabi ni Mitch sabay tungga ng baso ng alak
Napansin kung napatigil si Allan. Ano namang ginawa?-bawi agad nito.
Eh ba’t ang tagal mo?-si Lian nakatingin na siya kay Allan, hinihintay maging sagot nito
Wag mo lang buntisin hah, siguraduhin mo, estudyante pa yan!biglang sabat ni Mitch. Mulagat na napatingin si Allan kay Mitch, pati na din si Dennis! Samantalang nagkibit-balikat lang si Lian.
Wala naman akong ginawa ah-nag iinosentihang deny naman ni Allan
Oh! Come on Allan, sino niloloko mo? Ano naman gagawin niyo sa loob na umabot ng ilang minuto,wag mong sabihin ngdasal kayo ng Ave Maria ng sampung beses?-pilosopang sagot naman ni Mitch.
Ahahhahaha…tumawa nalang si Allan at bumalik sa pwesto nito. Oh asan na ba tayo? Akin na nga yung gitara tol, wala ka ng ibang alam na tugtugin ah!-birong sabi naman nito kay Dennis, umiwas nab aka saan pa mapunta ang usapan
Che kalokohan!-sabay wave ng kamay nito
Dennis POV
Tinext ko si Lian kung nasaan na siya! Nagreply naman agad ito na, papunta na dito sa lugar namin, kaya lang nagsabi na pupunta muna siya sa bahay ng brod nito, kasi kasama daw niya ngayon mga brod niya sa fraternity.
Dalawang oras na ang lumipas mula ng magtext si Lian, pero wala pa rin siya. Tinext ko siya ulit.
“Lian nasaan ka na? anong oras ka pupunta dito?-text ko sa kanya
“papunta na ako dyan-reply naman nito
“Oh dennis asan naba yung syota mo,akala ko ba pupunta dito yun-sabi ni andrew kababata ko siya
“Papunta na, wag kayong magbiro masyado, baka di makasakay sa trip natin si Lian
“kaw naman alam naman naming paano mag behave nuh?!-si Jake
“Tinamaan ka yata ng lintek na pag-ibig na yan dennis?-Arnold
Oo nga nuh?, napansin nyo din pala, noon kahit ano pang sabihin natin di naman tayo binabalaan ng isang yan, di naman tayo pinipigilan, ngayon lang yata nangyari ang ganito-sabay ngisi ng makahulugan kay Arnold
“Abah! Binata ka na tol-si Arnold at nag thumbs-up pa
Tumingin ako sa labas ng gate, nakita ko si Lian, tumayo ako at agad na sinalubong siya.