Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mahaba ang buhok ko, umaalon at natural brown ito. Dahil na rin siguro sa pagiging half british ko at nahawa ako ng kaunting pagkabrunette ni dad. Sinubukan kong ngumiti, pero patuloy lang ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Masakit. Sa sobrang sakit parang gusto kong magpakamatay na lang at iwanan ang lahat. Masakit ang ginagawa ni dad ngayon. Nasasaktan ako para kay mom at masakit ang gagawin kong ito para sa sarili ko. Pero ano pa ba ang choice ko? Wala na.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Baby girl?" Tanong ni kuya Red. "Let's go?"
Hindi ako lumingon dahil sa namamagang mata ko. "Kuya naman, give me 5 more mins, magme-make up lang ako."
He sighed. "Bilisan mo na ha, halos 1 hour ka nang nagaayos."
I chuckled to mask my pain. "Sige na, malapit na to."
He chuckled back. "5 mins. Sharp." Sabi niya at sinara ang pinto.
This is it, Sam. Kayanin mo ito. Hindi ko kailan man kayang gawin ang gusto nila. Ang gusto ni dad.

BINABASA MO ANG
He and She
RomansNasakanya na ang lahat--beauty, brains and wealth. Samantha Marie Olivero could not ask for more. Lahat ng kalalakihan ay sinasamba siya and the girls either want to kill her or be her. She was having a blast on her perfect life. Until one fateful d...