Kabanata VI: Katigan - Ikalawang Bahagi

68 9 0
                                    

SA 'di kalayuan ay natanaw ni Céleste si Esme na nag-iisang nakaupo habang ito'y nakapangalumbaba na mukhang malalim ang iniisip at tila lupaypay.

Dahil do'n ay hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito at tabihan sa pagkakaupo.

Napalingon naman sa kanya si Esme at nagulat nang makita siya. "Bakit nag-iisa ka lamang?" tanong niya dito.

Sandaling napatitig sa kanya si Esme bago ito sumagot. "K-Kasama ko ang aking mga magulang. Ikaw, bakit nag-iisa ka lamang?"

"Kasama ko rin ang aking mga magulang," sagot ni Céleste.

Maya-maya'y nakita na nilang palabas na ng simbahan ang kanilang mga magulang na sina Don Tumas, Donya Ma. Victoria at sina Don Emmanuel, Donya Consolación, kasama sina Don Artur, at Don Edgardo Abanador.

"Hindi ko akalaing dito rin pala kayo magsisimba," nakangiting ani Don Emmanuel sa mag-asawang Martin.

"Bueno, nais ko kayong imbitahan sa aming mansyon upang magkakasama tayong magsalo-salo," nakangiting paanyaya ni Don Tumas sa mag asawang Lacandola, pati kina Don Artur at Don Edgardo.

"Ito'y karangalan para sa amin na maimbita sa inyong mansyon. Tinatanggap namin ang iyong imbitasyon, Don Tumas." nakangiting sabi naman ni Don Emmanuel.

Sa kabilang banda, nagkatinginan sila Esme at Céleste tsaka na sila tumayo.

"Esme, anak. Pupunta tayo sa mansyon ng pamilyang Martin. Halika na't sumakay sa kalesa," tawag ni Donya Consolación sa anak.

...

HALOS sabay-sabay lamang silang nakarating sa mansyon ng pamilyang Martin sakay ng kani-kanilang kalesa.

May sampung guwardya sibil ang nagbabantay sa tapat ng tarangkahan saka na nila ito binuksan. Pagkapasok pa lang sa loob ng tarangkahan ay tumambad na agad ang malawak na espasyo na pinalilibutan ng malinis na bermudang damo, kung saan sa bawat gilid ay may mga bulaklak na karamihan ay puro mga mirasol.

Dito sa tapat ay mayroon din silang patyo. Hindi mo maitatangging napakaganda na kahit dito pa lang sa labas, kaya't papaano pa kaya sa mismong loob ng mansyon.

Agad naman inanyayahan ng mag asawang Martin ang kanilang mga bisita na pumasok sa loob ng mansyon. Pagkapasok nila, kitang-kita na agad ang karangyaan ng mga nakatira dito sa pamamagitan ng mga mararangyang kagamitang nandito, tulad ng hagdan, mga upuan, lamesa, at mga palamuti na yari pa sa Pransya.

Sa isang mahabang lamesa ay may maliliit na kandila na nakapatong sa metal na ginto bilang dekorasyon sa gitna. Mayroon ding iba't ibang klase ng mga prutas na nakalagay sa basket na may nakataling pulang laso sa hawakan. Dito sa lamesa ay nakahanda na rin ang mga plato, kubyertos at ang mga baso. Sa tabi ng mga plato ay mayroon ding nakatuping serbiliyeta na magsisilbing pamunas.

"Maupo kayo," senyas ni Don Tumas saka na siya umupo sa pinakadulo sa gitna. "Nagpasadya ako ng almusal na pinaluto ko sa aking mga mahuhusay na tagapagluto," nakangiting aniya.

Maya-maya'y lumabas na mula sa kusina ang tatlong tagapagsilbi habang sila'y may bitbit na mga bandeha kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Isa-isa at malumanay nilang inilapag ang mga pagkain sa lamesa tulad ng kutsinta na pinaibabawan ng niyog, puto, leche flan, biko, bibingka, at marami pang iba.

Nag umpisa na rin silang kumain habang nagkukwentuhan.

"Siya nga pala, Don Edgardo. Ngayon pa lamang din tayo nagkita at nagkakilala. Maari ko bang malaman kung ano ang iyong pinagkakaabalahan sa buhay?" maya-mayang tanong ni Don Tumas.

"Kagaya ni Don Artur ay isa rin akong negosyante. Matagal na akong biyudo kaya ang aking nag iisang anak na babae na lamang ang tanging kasama ko sa aming tahanan," tugon ni Don Edgardo.

Almas Gemelas (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon