Filipinas, 1825DAHAN-DAHANG iminulat ni Celeste ang kanyang mga mata. Napakunot ang noo niya nang mapagtantong narito siya sa kanyang silid sa kanilang mansyon at nakahiga sa kanyang kama.
Bumangon siya at napaisip kung paano siya napunta dito at ano ang mga naging kaganapan kanina. Maya-maya'y natulala na lamang siya sa kawalan nang maalala na niya.
Nawalan siya nang malay kanina noong kasalukuyang sinasalakay ng mga armadong tauhan, kabilang si Esme, ang mansyon ng abogadong si Don Hermos. Kaya naman matapos no'n ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari.
Aktong tatayo siya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at tumambad si Donya Victoria, na mukhang balisa ang itsura.
"Celeste, anak. Gising ka na." Agad nitong nilapitan si Celeste.
"Ina, ano'ng nangyari? Paano tayo nakatakas sa kaguluhan kanina?"
Huminga ng malalim si Donya Victoria bago magsalita. "Nakita ko si Esmeralda kanina. Ang dating ampon ni Don Emmanuel."
Muling napatingin sa kawalan si Celeste habang inaalala ang mga naging huling sandaling pagkikita nila ni Esme.
"Hindi ko rin mawari kung bakit naroon siya. Ngunit... ngunit siya ang nagpatakas sa atin." Dugtong ni Donya Victoria dahilan upang mapatingin sa kanya si Celeste.
"Ano'ng nangyari sa mga panauhan sa mansyon ni Don Hermos? May mga nasawi ba?" tanong ni Celeste.
Napayuko si Donya Victoria at marahang tumango. "Halos karamihan ay mga espanyol."
Tila nakaramdam ng lamig sa buong katawan si Celeste at hindi makapaniwala matapos marinig iyon. "Ang mga sumalakay, nasaan sila? Nakatakas ba sila?"
Diretsong tumingin sa kanya si Donya Victoria. "Sa kasamaang palad... nakatakas sila. Kaya hangga't maaari, iwasan na muna nating lumabas dito sa ating tahanan nang sa gayo'y makaiwas tayo sa anumang trahedya. Laluna ngayon ay nakatakas sila, hindi natin batid na baka bukas o sa makalawa ay bumalik sila upang sumalakay muli."
Napahinga si Celeste at muling tumingin sa kawalan.
...
KASALUKUYANG narito sa balkonahe ng kanilang mansyon si Céleste, nakatingala sa kalangitan habang dinadama ang simoy ng hangin na sinasayaw ang kanyang mahabang buhok.
"Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo siya nahahanap. Kapag nahanap niyo siya, dalhin niyo siya sa akin at ako mismo ang pupugot ng kanyang ulo." galit na galit na sabi ng pamilyar na lalaki na nakasuot ng pangsundalo. Agad na sumunod sa kanyang utos ang mga guwardya sibil at nagkalat sa buong kalye, habang siya ay sumakay na ng kalesa at tuluyan nang lumisan.
"Hindi ba't iyon ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang Lacandola?" Nag-umpisang magbulong-bulungan ang mga tao sa kalye.
"Siya nga, dinig kong hinahanap nila ang taksil nilang ampon na si Esme." tugon ng isang ale.
"Hindi ko akalain na ang binibining kinupkop ng mga Lacandola ay siya ring tataksil sa kanila. Mahirap na talagang magtiwala at magbigay ng awa sa panahon ngayon." saad pa ng isa tsaka na sila iiling-iling na umalis at nagtungo sa kani-kanilang patutunguhan.
Sa kabilang banda, nandito lamang sa tabi si Céleste na nakarinig ng kanilang pinag-uusapan. Suminghap siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Bumuntong-hininga si Céleste nang maalala niya ang tagpong iyon limang taon na ang lumipas.
Sa loob ng limang taon ay hindi siya tumigil sa paghahanap kay Esme. At makalipas ang limang taon, hindi niya akalaing magkikita sila sa ganoong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Almas Gemelas (Ongoing)
Historical FictionLiving a prosperous life in Manila, Esmeralda and the initially indifferent, poker-faced Céleste met and eventually became close companions despite their previous enmity. Until an unexpected epidemic came--Cholera, which led to a massacre of many fo...