Chapter 3

6 0 0
                                    

Sa pangatlong pagkakataon namataan ni April ang kotse na pamilyar sa kanyang paningin at sa kanyang pagkagulat huminto iyon sa kanyang tapat. Bigla siyang binalot ng kaba ngunit sa kanyang pagtataka ay hindi man lang siya natakot dito. Binaba ng driver ang bintana at laking pagkagulat nya na ang driver ng pamilyar na sasakyang iyon na madalas nyang makita tuwing papasok siya sa umaga. “Wanna hop in?”tanong ni Tj sa kanya. Nagulat siya sa biglaan nitong pag-aaya na sumakay sa kotse nito, mukha namang nabasa nito ang reaksiyon nya kaya mabilis itong nagsabi ng dahilan. “Madalas kasi kitang makita sa umaga tuwing papasok ako sa opisina, kahapon lang ng mapansin ko na sa iisang kompanya lang pala tayo pumapasok.” Wika pa nito.Kinilig siya sa isipin na napapansin din pala siya ng crush nya. Nagbunga din ang pagpapacute nya dito. Hahaha! Naaamoy ko na ang tamis ng tagumpay! Tunog pang kontrabida lang ah! Anyway I don't care basta ang alam ko napapansin na din nya ako sa wakas. Mukha namang napansin nito na nag-aalinlangan siyang sumagot. “Promise I don't bite.” wika nito kasabay ng napakatamis na ngiti. “Hindi ba nakakahiya sa'yo na makikisabay ako?” pakipot na tanong nya. “I don't offer you a ride kung nakakaabala ka ang besides, wala din naman akong kasama, isa pa pareho lang naman tayo ng pupuntahan, so... Let's go?” Baka malate pa tayo. “Sige, kung hindi nakakaistorbo sa'yo.” Bumaba pa talaga ang gwapong magiging driver nya sa araw na iyon upang pagbuksan lang siya ng pinto. “Thank you.” then she gave him a very sweet smile. Pumasok na siya at naupo sa kaibayong upuan ng driver's seat. Ano kaya ang magandang pag-usapan. Tanong nya sa sarili. “ Matagal ka na ba sa..., Gusto mo...? sabay pa na wika nila. Natawa sila sa nangyari. “Sige ikaw nalang muna ang mauna. Sagot nya. “No, ladies first.” “Hmm, sige sabi mo eh. Ahm, matagal ka na ba sa work mo kasi parang hindi kita masyadong napapansin sa office eh, nabanggit mo kasi kanina same tayo ng pinapasukan. Tanong nya kahit kabisadong kabisado nya na magdadalawang buwan pa lamang ito. “Hindi naman, mga two months pa lang ako. Sagot nito. 
“Ikaw ba matagal na?” “Medyo, mga 3 years na din.” Tumango-tango ito, kung anu-ano pa ang napag-usapan nila habang nasa biyahe sila, mula sa mga ayaw at gusto iya and conversely. Hanggang makarating sila sa office nila, wla siyang pakialam kung mahuli man siya ng ilang minuto, basta ang importante ay makasabay niya ang kanyang Prince Charming. “Miss, before I forgot hindi pa nga pala tayo pormal na nagpakilala sa isa't isa, how rude of me.” wika ni Tj. “Oo nga pala no?!” pagkukunwari nya kahit alam na alam na nya ang pangalan nito. “I'm Thomas John S. Francia, but you can call me Tj, for short. “April T. Bonifacio, at your service! She's wearing a bright smile with matching pa-cute. “ I'm glad we finally meet.” sabi pa nito sa kanya na ikinakilig pa nyang ng husto. Finally meet? Hindi kaya matagal na din itong may gusto sa akin. Tanong nya sa sarili.Well, hindi na din masama. “Sige, Tj mauna na ako sa'yo ah! Thanks for the ride, sa uulitin!” sabi nya sabay kaway sa binata.
Masaya si April ng araw na iyon dahil kasabay nyang pumasok ang kanyang iniirog! “ Teka, wait lang did she say iniirog?” Mahal na nga ba nya ito? Agad-agad talaga. Baka naman infatuated lang ito, well, bahala na si batman basta masaya ako. Walang sinumang makukulit na supplier or boss man nya ang makakasira ng magandang mood nya. “Good morning Ma'am! Good morning Anna! Good morning everybody!” bati nya sa katabi nyang si Anna at sa lahat ng nakakarinig sa kanya. “ Masaya ka yata ah!” tanong ng isa sa mga boss nya. “ Ganun talaga ma'am pang inspired.” with smile in her face na sagot nya. “Okay, work, work time na.” Lumipas ang oras na masaya siya hindi nya namalayan na lunch break na pala at medyo nagwawala na din ang mga alaga nya sa tiyan. “Hi April! Dito ka na pumila sa harap ko.” bati ni Tj sa kanya na nauna ng nakapila sa kanya sa canteen. “Hoy April, bawal sumingit!” Sabi ng isa sa mga tauhan sa canteen na pinilahan nya. Sa tagal nyang nagtatrabaho sa kompanya naging kaclose nya na din maging ang mga tagacanteen. Ngumiti lang siya dito. “Pinasingit ako ate Jacq eh.” Tiningnan ni ate Jacq ang salarin kung paano siya nakasingit sa pila, ngumiti ito ng nakakaloko dahil maging ito ay alam na may gusto siya sa binata. “Buti nagkasabay tayo ng break time, wanna join me? If okay lang sa'yo.” Kinilig nanaman ang pasaway nyang heart. Ay! super like! Sabi nya sa sarili “Ahm, Sure libre mo ba ito? Joke.” Biro nya. Maiintindihan naman siguro siya ng mga kasama nya kung hindi muna siya sasabay sa mga ito. “Oo ba malakas ka sa akin!” ganti nito. “Naku, biro lang talaga iyon, baka masanay naman ako nyan. “No it's okay, really.” tumaas pa ang isang sulok na labi nito tanda na napapangiti ito sa pag-uusap nila. “Sige, hindi ako tumatanggi sa grasya. He just nodded as a reply to what she just said. Habang kumakain sila ay napapansin ni April na panay ang pagtitig nito sa kanya. “Hoy Tj, umayos ka nga naiilang ako eh!” sita nya dito. “What? Wala naman akong ginagawang masama ah!” defensive na sagot nito. “You know what, staring is rude.” wika nya. “Na-amuse lang ako, ang tipid mo kasing kumain eh, ang bagal pa. Malulugi tayo nyan pag dinala kita sa eat-all-you-can na restaurant.” Oh my gawd! Ibig kayang sabihin one of this days yayayain nya akong magdate kami. Eeeehhhh. Kiligmuch, pinilit nyang magpakapormal sa harap nito. “Kala mo naman 'to ang lakas kumain, ikaw din naman ah! Halos di mo pa nga nababawasan yang kinakain mo eh.” sambit nya.  “It's because I'm still busy watching you eat.”Ano raw? Sus maryosep aatakihin na yata ako sa sobrang kilig dito. Ano ba naman 'to, April chillax, kalma ka lang, breathe in, breathe out, keribels mo yan. Pagpapalakas nya ng loob. Pagkatapos ay tahimik na nilang pinagpatuloy ang pagkain hanggang matapos sila ay nag-umpisa nanaman itong kulitin siya. Para namang alam nito ang pinagdadaanan nya kaya pinagpahinga muna siya nito. “Haay life, ang saya talaga.
Pag-uwi ni April ng araw din na iyon ay nakasabay nya ulit sa paglabas si Tj. “Oh hello April, may lakad ka pa ba nyan?” tanong nito. “Wala naman na. At tsaka nagmamadali ako kasi mahaba pa ang pila pa-Bacoor, nagva-van nalang kasi ako sa pag-uwi.”sagot nya. “Ah I see, Ahm, ano...kasi.., gusto mo ulit sumabay sa akin.”“Naku Tj nakakahiya na sa'yo nakisakay na nga ako  kaninang umaga  eh!” wika nya. “Okay lang yon! Malakas ka sa akin eh, ano, tara na?”yaya nito.
“Sige na nga, tipid pa ako sa pamasahe, sabi ko naman sa'yo di ako tumatanngi sa grasya eh.” Iginiya na siya sa lugar  kung saan nakapark ang  brand new Mitsubishi Pajero nito. Again, ipinagbukas siya ng pinto upang makapasok siya. “What a perfect gentleman.” Sabi nya sa isip nya. “Please fasten your seatbelt, miss.”wika nito.  Nataranta siya sa paraan ng pagkakasabi nito. Para kasi siyang inaakit nito, at dahil sa may kaliitan at kapayatan siya ay hirap siyang hilahin ang seatbelt para ikabit sa sarili nya. Alanganing ngiti ang isinagot nya  sa binata na nakatunghay pa din sa kanya. “Miss, ako na ang magkakabit sa'yo.” Hindi malaman ni April kung ano ang uunahin nyang gawin pipikit ba siya para namnamin ang bango nito o didilat para mabistahan niyang mabuti ang gwapo nitong mukha. Pinili nya ang huli. Pinakatitigan nya itong mabuti. Parang kailan lang at lihim pa niyang sinisilayan ito mula sa malayo, pero ngayon nasa harapan at malapit na malapit pa ito sa kanya. Nasamyo nya ang pabango nito na Polo Blue. It sends tingling sensation to her body. Lalaking-lalaki talaga ang amoy nito hindi nakakasawang singhutin.Di niya namalayan na napalapit na pala ng husto ang mukha nya sa leeg nito na siyang pinanggagalingan ng amoy nito. “Be careful woman, It seems like you really like my scent, but don't do that again or you'll be sorry, baka mahalikan kita ng di-oras nyan. Babala nito ngunit hindi naman siya nabahala. In fact, gustong gusto nya pa iyon. Eh kung ulit-ulitin pa kaya nya para mahalikan siya nito. “There you go, seat back and relax, sweety.”sambit nito matapos nitong maikabit ang seatbelt sa kanya. I'll be sorry daw! Heller I really like it kaya, My gawd! Maloloka na ata ako talaga. Napangiti nalang siya sa naisip. Thanks to you seatbelt! Sa uulitin hah?! Habang hawak ang naturang bagay. At tinawag akong sweety? Parang magkakatotoo na ang panaginip ko.
Habang nasa daan ay hindi sila nag-iimikan dahil pa rin sa nangyari kani-kanina lang, hiyang-hiya siya sa ginawa nya kung bakit naman kasi hindi nya napigilan ang sarili nya eh. Pasaway ka talagang April ka. Baka nagalit na yong tao sa'yo. Lagot na! Ang Prince Charming nya magiging bato nanaman ba? “Ah, Tj ihinto mo nalang diyan sa tabi, thank you sa pagsabay ulit sa akin ah ang dami ko ng utang sa'yo.” sabi nya. “Bakit diyan na ba ang bahay nyo?” Tanong nito habang nakatingin sa establishment na katapat ng pinaghintuan nila. “Ihahatid na kita hanggang sa bahay ninyo.” “Eh, hindi na malapit nalang naman kami dito eh ilang kembot na lang ang layo.” “Yon naman pala eh di  hatid na kita.” “Okay sabi mo eh. Thank you ulit ah.” “No problem, tama na kanina ka pa nagpapasalamat sa akin eh.” sambit nito sabay ngiti sa kanya. Buti na lang hindi siya galit akala ko galit siya. “Tj, dito na yung bahay namin ihinto mo na lang diyan sa tabi.” “I know.” “Hah? Alam mo na dito yung bahay namin?”tanong niya. Mabubuking pa yata ng dalaga na matagal na niyang alam kung saan ito nakatira. “No, I mean, now I know.” “Ah akala ko alam mo na talaga dito sa amin eh.” Whew! Muntik na siyang masukol nito. Lingid sa kaalaman ng dalaga matagal na niyang alam ang bahay ng mga ito. Ito nga ang isa sa malaking dahilan kaya doon niya naisipang bumili ng bahay. Bigla nalang niyang namalayan na pinagmamasdan na nya pala ito. “Ah, Tj may dumi po ba ako sa mukha?” “Oh, I'm sorry.” “Well, welcome to our humble adobe.” “It’s a very cozy house, nice.”wika nito. “Thanks kaya nga umuuwi pa din ako dito kahit na medyo may kalayuan itong bahay sa office.” “I agree, something like this is priceless and nothing can replace this.” “Your right, ah pasok ka kaya muna para naman makainom ka or something, o kaya dito  ka na din kaya mag dinner. Pasasalamat ko na din sa paghahatid mo sa akin. Oh ano, deal? Wika niya with a smile. Napaisip ang binata kung dapat ba nyang  tanggapin ang alok ng dalaga nag-antay muna siya ng ilang segundo para hindi mahalata ni April na excited siyang makasalo ito sa hapunan. “Sure, hindi din ako tumatanggi sa grasya eh.” “Hoy Tj, linya ko yun ah, wala kang originality.” biro niya na ikinangiti lang nito. Umibis na din ito ng sasakyan at sabay na din silang pumasok ng bahay nila.
Pagpasok sa bahay nila ay nadatnan niyang nanonood ng TV ang nanay at tatay nya, kaagad siyang humalik sa pisngi ng mga ito, “Nay, Tay, kaibigan ko po si Tj, nakatira lang din siya malapit dito, isinabay nya na akong pauwi, kaya ininvite ko nalang siya na mag-dinner kasabay natin, nagulat siya sa sunod na nasaksihan nagmano ang binata sa mga magulang niya. “Kaawaan ka ng Diyos, God Bless you.” halos panabay na wika ng mga magulang nya. “Upo ka hijo, magpahinga na muna kayo ikaw naman Abril, napakadami mo ng sinabi, para kang guilty beyond reasonable doubt, may nililihim ka ba sa amin anak? At tsaka bakit hindi mo sinabi na dadalhin mo dito ang nobyo mo? Eh di sana nakapaghanda man lang sana kami ng tatay mo kahit na paano.” wika na nanay nya. “Mahal, nakapulot ka nanaman ng linya sa pinapanood natin kanina.” sabi naman ng tatay niya. “Nay hindi po ba ninyo narinig ang sinabi ko kanina? Ang sabi ko po kaibigan ko si TJ hindi kasintahan.” “Nay, ano po ang ulam natin?” pag-iiba nya sa usapan at tanong nya sa nanay nya na ngayon ay naghahain na ng kanilang hapunan. “Tinola, nak, yung paborito mo.” sagot nito. Nilapitan nya si Tj at tinabihan sa sofa kung saan ito nakaupo. “Naku, Tj pagpasensiyahan mo na ang pamilya ko ah! Tatlo lang kami pero ubod ng kukulit ng mga magulang ko.” hinging paumanhin niya. “No, it's okay, sa totoo lang natutuwa nga ako sa kanila, ganyan din kasi minsan ang mommy and daddy ko.” “So, pareho pala tayo.” “I think.” then he smile. “Nak, tawagin mo na iyang nobyo mo dito sa komedor at nang makakain na tayo.” sigaw ng nanay nya. “Tj, tara! Kain na daw tayo.” Sabay na silang nagtungo sa komedor, ipinaghila pa muna siya nito ng upuan bago ito umupo sa kaibayo ng kanyang pwesto. Pagkatapos magdasal ay nauna ng umariba ang kanyang ina. Patay talaga ako nito. From the looks of her mother it seems like, ibebenta siya ng nanay nya.
“Alam mo ba Tj, ngayon lang may ipinakilalang lalaki yang si April sa amin ng tatay niya. Kaya akala namin ay nobyo ka nya. Pagpasensyahan mo na kami ah! Pero kung seseryosohin mo, walang problema sa amin ng tatay nyo.” wika ng ina. Wow! Nay , tatay “niyo” agad kung makapagsalita naman ang nanay niya akala mo talagang parte na din ng pamilya nila si Tj.  Hindi naman sa nagrereklamo siya sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa binata. Iyon nga lang nasobrahan naman yata sa init at parang nakalimutan na ng mga ito na siya ang anak ng mga ito at hindi ang binata. “Talaga po tita, swerte ko po pala at ako ang una.” sagot naman nito. “Sana nga ikaw na din ang huli.” “Nay, naman!” Reklamo nya. Napangiti ang binata sa ipinapakita nyang reaksiyon. Tinatawanan ba ako ng lalaking ito. “Tj, hijo kung hindi ka rin naman masiyadong busy, dalasan mo ang pagpunta dito o di kaya naman ay yayain mo itong dalaga namin na mamasyal.” sabi ng tatay nya. “Tay naman pati ba naman kayo?” reklamo uli niya. “ Sorry naman nak, nakakahawa tong nanay mo eh!” “Hoy Fely umayos ka nga diyan kung ayaw mong putulan kita ng kaligayahan!” “Ikaw naman mahal di na mabiro.”sagot ng tatay nya sa kanyang ina sabay halik sa sentido nito. Ngumiti naman ang nanay nya sa ginawi ng kanyang ama. “Binulungan nya si Tj ng  pasensiya na sa eksena ha?” “No, it's okay, actually normal na sa akin yan may mom and dad always do such mushy things in front of us. It's kinda sweet, I think.” he said. “Hijo matanong ko lang ano, may girlpren ka na ba?” tanong ng nanay niya rito. “Tita I'm single and very much available, may irereto po ba kayo kung sakali?” pakikisakay nito sa kanyang ina. “Meron sana, yang nasa tabi mo, pwede na ba sa'yo yan? Dios mio, sinasabi na nga at isasadlak siya sa tiyak na kahihiyan ng nanay niya. “ Nay, mahiya naman po kayo sa akin, parang wala ako sa harap nyo kung mag-usap kayo ah!” nagtatampong sabi niya. “Tita, kung wala din lang pong magagalit diyan sa anak niyo, sobrang pwedeng pwede po.” hala! Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi kaya nagbibiro lang ito. Pag-untugin kaya nya ang dalawa. Ang bad ko talaga. “Sige po tita, tito salamat po sa dinner, April, thanks for the invite sana hindi ito ang huli, mauna na din po ako.” paalam ng binata. “Sige hijo, mag-iingat ka.” “Nay, Tay, hatid ko lang po siya sa may gate.” “Sige, ikaw na ang bahala diyan aakyat na kami ng tatay mo.” “Ingat ka sa pagdrive.” sabi nya. “I will, for you.” for me daw, sweet, kiligmuch! Then Tj drive away his car.






HW Series-It Started with a Tease (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon