Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mula sa mga kasamahan sa trabaho ni April kasama nan g kanyang mga boss ay lagi siyang tunutukso tungkol sa kanyang pagiging loveless, napagiiwanan na nga daw siya ng mga kaedad niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ilan ay mayroon na siyang tinatangi. Panay ang silay niya sa binatang hindi man lang yata alam na nageesixt siya sa mundo. Masaya siya sa tuwing nakikita niya si Tj kahit alam niyang malabong magkaroon ng katugon ang kanyang nararamdaman. Ngunit isang araw ito na mismo ang lumalapit sa kanya, hanggang sa hindi nila parehong namamalayan na palalim na ng palalim ang kanilang samahan, hindi na rin niya matandaan kung kalian siya napalapit sa pamilya nito at ganoon din ito sa pamilya niya. Pero ising araw habang nasa tahanan siya ng mga ito ay nasaksihan niya si Tj at ang childhood sweetheart nito na si Geline sa tagpong naghahalikan ang mga ito... Paano na siya, paano na ang damdamin niya dito na ramdam niyang may katugon din naman. Ipaglalaban ba niya o ipapaubaya niya nalang ito sa piling ng babaeng laman ng malaking bahagi nga nakaraan nito.