Naghahanda na siya sa pagalis, hindi niya alam kung paano siya makakarating sa terminal ng bus papuntang Maynila, basta makalabas lang siya sa lupain ng mga ito siguradong makakakita na siya ng masasakyan. Pababa na siya ng hagdan, wala pa siyang namataang kasambahay na umaaligid sa buong kabahayan kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nang makarating siya sa front porch patungong gate ay nakita niya si Mang Ben na nagaayos ng gamit na panlinis ng sasakyan. Tinawag niya ito at kinausap maaari siya nitong maihatid sa terminal. “Mang Ben! Pwede nyo po ba akong ihatid sa terminal ng bus kailangan ko na po kasing ulis ng maaga eh tinawagan po kasi ako ng nanay ko, eh ginigising ko po si Tj, pero mukhang puyat po ata, parang mantika matulog.” Mahabang paliwanag niya, dalangin niya na sana ay naging kapani-paniwala ang alibi niya dito. “Sige ma’am, sandali lang po lilinisan ko po muna itong sasakyang gagamitin natin.” Wika nito. “Naku, Mang Ben okay na po iyan, sandali lang naman po siguro tayo, tsaka gusto ko po kasing makasakay sa first trip.” Nagkamot ito sa ulo, ngunit sumangayon na din paglipas ng ilang sandaling tila nagaalinlangan ito. “Sige ma’am, sakay na po kayo. Ayaw niyo po bang antayin nalang si sir Tj, para siya na lang po ang maghatid sa inyo?” “Hindi na manong Kayo na lang po baka maistorbo pa yung pagtulog niya.” “Sige ma’am, kung ganun, tayo na po.”
Habang nasa daan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Inalala niya ang mga sandaling masaya siya kasama ni Tj, dahil sa oras na makarating siya sa kanila, kailangan na niyang kalimutan ang anumang namagitan sa kanila ng binata. Hindi niya napigilang umiyak sa isipin na malalayo na siya ng tuluyan sa binata, pero kailangan niyang tanggapin iyon dahil iba ang mahal nito, at hindi siya iyon kundi ang childhood sweetheart nito na si Lisbeth. Nanumbalik sa kasalukuyan ang kanyang isip ng ianunsiyo ni Mang Ben na nasa terminal na sila. Agad siyang bumaba at nagpaalam dito, nang masigurong nakaalis na ito ay saka siya naghanap ng bus na may sign board papuntang Pasay.
Nagising si Tj na masakit ang ulo dahil sa hangover. “Shit! My headaches! Damn it!” Hindi na dapat kasi niya pinatulan ang dare nilang mga magkababata, nalasing tuloy siya ng di oras, hindi pa niya napuntahan ang dalaga bago siya natulog nang nagdaang gabi. So he went up and take a bath, then he would go to look for April. Dapat yesterday morning pa sila nagusap tungkol sa kanilang dalawa, pero they have all the time to talk.
Pagkalipas ng limang katok sa pinto ng silid ni April ay wala pa din sumasagot. “April, are you awake?” tanong niya, ngunit wala pa din siyang makuhang sagot mula dito kaya pinihit niya na ang seradura ng pinto pagpasok niya sa silid nito ay wala ni katiting na senyales na nasa loob ito, agad niyang tinungo ang hagdan, nakita niya ang isa nilang kasambahay kaya tinanong niya ditto kung nakita ba nito ang dalaga. Nakakatatlong katulong na siya ng natatanungan ngunit walang nakapansin sa dalaga. Lumabas siya ng bahay upang doon ito hanapin maging ang kanilang hardinero ay di pa nakikita ang dalaga. Lumapit na din siya kay Mang Ben na ngayon ay naglilinis nan g mga sasakyan sa garahe nila. “Mang Ben, nakita niyo po bas i April?” tanong niya. “Eh, sir hinatid kop o kaninang mga alas singko sa terminal ng bus, hindi niya dwa po kasi kayo magising kaya ako sa akin nalang siya nagpahatid.” Sagot nito. “Marahas na napahilamos siya sa mukha, imposibleng hindi niya ito mamalayan kung talagang nagpaalam ito sa kanya, pero bakit naman ito umalis ng hindi nagpapalam sa kanya, may emergency kaya sa bahay ng mga ito? Pero dapat ginising pa din siya nito para siya na mismo ang maghatid dito. Hindi kaya galit ito sa kanya? Pero bakit wala naman siyang ginawang makakasama dito. Ang mabuti pa sundan niya na lang ito para malinawan siya.
Magtatanghali na ng makarating si April sa bahay nila. Nagulat ang mga magulang niya ng makita siya. Marahil ay hindi inaasahan ng mga ito na sa ganoong oras siya uuwi at lalong hindi niya kasama si Tj.
Hindi naging maganda ang araw na iyon para sa kanya. Inakala niyang ang magmahal ang pinaka-masayang bagay na mangyayari sa kanya, gaya ng mga nararanasan ng mga kaibigan niya, nakalimutan niyang kakambal nga pala ng saya ay ang lungkot. Hindi pala sa lahat ng nagmamahal nagiging masaya. When you love you are entitled to be happy and to be hurt. Walang execption, maging mayaman ka man o mahirap. Dahil sabi nga nila all is fair in love and war. Malas at isa siya sa mga taong walang future pagdating sa love department. At least naranasan niya kung paano ang umibig at ibigin kahit sa maikling panahon lang. Kahit paano ay naging espesyal siya kay Tj. Ang tanging lalaking nakapukaw ng kanyang interes at nakalapit sa kanyang puso, but for now, magmumukmok muna siya habang pinapagaling ang sugatang puso niya.
Nagmamaneho na siya patungong bahay nina April nang may madaanan siyang flower shop. Ihinimpil niya ang sasakyan sa parking lot ng naturang establisyimento. Pumili siya ng magagandang rosas para gawing bouquet, he chose white that symbolizes as purity. After paying for the flowers he headed the way towards April house. Nang makarating siya sa bahay ng mga ito ay agad naman siyang pinapasok ng mga magulang nito. “Tj hijo, maupo ka muna.” Wika ng ina nito. Agad naman siyang tumalima. “Salamat po tita, si April po ba nandiyan?” Tanong niya. “Oo, nandito na siya kanina pang tanghali nagulat nga kami ng tito mo at an gaga umuwi, tapos hindi ka pa niya kasama. Sandali at tatawagin ko.”
Alam niyang nasa baba ng bahay nila ang binata, dahil naririnig niya ang mga magulang na kausap ang binata. Ayaw niya itong makita o makausap, kaya naman nang tawagin siya ng nanay niya ay nagkunwari siyang masama ang pakiramdam at nais mapagisa. “Anak, may bisita ka, lumabas ka muna diyan.” Hindi siya sumagot sa winika ng nanay niya. Pinihit ng nanay niya ang seradura ng pinto. Nang tuluyan na itong nakapasok ay agad siya nitong kinastigo. “April, ano ka ba namang bata ka? May problema ka ba? May bisita ka sa baba baka gusto mo siyang harapin man lang.” “Nay, kayo na lang po muna ang bahala sa kanya, pagod po ako at masakit ang ulo ko gusto ko pong magpahinga. Kaya po please, nay, iwan nyo na po muna ako.” Sinalat ng kanyang ina ang noo niya at nang masigurong ayos naman siya ay sumunod din naman ito sa request niya. “Anak alam kong may iba ka pang dinaramdam. Kung handa ka ng pagusapan iyan nandito lang kami ng tatay mo. Huwag ka ng magtangkang mag-deny dahil anak kita, kahit hindi mo sinasabi, nararamdaman kong may bumabagabag sa iyo.” “Opo nay, pero hindi po muna ngayon.” Nakakaunawang tumango ang kanyang ina bago niya narinig na sumara ang pinto tanda na nakalabas na ito ng kanyang silid. Saka bumuhos ang pinipigilan niyang emosyon dahil sa pagkaalala sa sinapit ang kanyang lovelife. “Tj, why me?” Akala ko pareho tayo ng nararandaman, pero bakit pinili mo pa rin akong saktan?” Pagkausap niya sa sarili. Ayaw niya na munang makita ang binata. Hindi pa siya nakakapag-recharge, Magpapalakas muna siya bago ito muling harapin. Hindi rin biro ang mga pinagdadaanan niya dahil dito. Naging masaya siya pero triple at mas grabe ang sakit.
Naulinigan niya na naguusap pa rin sa sala nila ang mga magulang at ang binata. “Tj, tulog si April, hindi ko naman magising kasi alam kong pagod siya sa naging biyahe niya.” Paumanhin na wika ni Aling Zeny. “Sige po tita,tito uuwi na din po ako, kinumusta ko lang po si April kung nakauwi din siya ng ligtas.” “Oo, nga pala, nag-away ba kayo ni April? Bakit hindi kayo sabay na umuwi?” tanong nito. “Tita, kasi po umuwi siya ng hindi ko alam, tulog pa po ako nang umalis siya kanina, buti nga po at nakausap ko yung isa sa mga tauhan ni daddy, nalaman ko na nagpahatid siya sa terminal ng bus. “Ganun ba? Paano mag-ingat ka nalang sa paguwi.” “Salamat po.”
Inabot ni April ang cellphone niya at dinial ang numero ng kanyang kaibigan na si Anna, ito na lamang ang bahalang magsabi sa friendship niya, alam niyang kapag ito ang tinawagan niya ay magpupumilit ito na puntahan siya. Ayaw muna niya ng may kasama, gusto niyang mapag-isa. “Hello, Anna!” wika niya pagsagot nito sa tawag niya. “April, bakit? May kailangan ka?” “Wala naman, gusto ko lang may makausap while I’m mending a broken heart.” “Mending of broken heart agad? Hindi pa man din natutuloy yang relationship na yan! Pero sige tell me everything.” Wika nito. Iyon ang hudyat bago niya sinabi dito ang lahat ng mga nangyari magmula ng dumating siya sa probinsiya nina Tj, mula sa pagtawag nito sa kanya ng endearment nito, pagiging extra sweet at ang censored moment nila. Wla siyang narinig na tugon nito, inakala niyang nawala na ito sa linya. “Hello, Anna? Nandyan ka pa ba?” “Ahermm, Oo, medyo slow movement ang isip ko ngayon, na-culture shock yata! Grabe naman kasi yang mga sinabi mo ngayon, NBSB ka so natural na mashock ako diba? Don’t get me wrong sis, its just that quick.” Sagot nito. “I know, kaya tinawagan kita. Kasi baka maloka ako kung wala akong pagsasabihang iba, and to advise you na hindi ako makakapasok tomorrow, so pag may naghanap sa akin just say any alibi na lang. Thank you for listening Anna. This means so much to me, and you can also tell to Ynnah anything I told you.” “Oo nga pala bakit hindi siya yong tinawagan mo?” “Alam mo naman yun, sobrang kulit, baka hindi makaya ng powers ko pa humirit siya. Anyway, sige. Bye.”
Pauwi na ang binata ngunit ang isip niya ay lumilipad, hindi niya alam kung paano makakausap ang dalaga, dahil nararamdaman niya na iniiwasan siya nito. Sasabayan nalang niya ito sa pag-pasok bukas. Ngunit kinabukasan ay hindi niya namataan ang dalaga na naglalakad o nagaabang ng masasakyan. Dumiretso na din siya sa opisina, baka sakaling doon niya matiyempuhan ito. Nafu-frustrate na siya hindi na niya alam ang gagawin, ngayon lang nangyari sa kanya ang ganitong bagay. Ayaw niyang mawala na ng tuluyan si April sa buhay niya. Nasanay na siya na laging kasama ito. Parang hindi na niya makakaya pa na hindi ito makita sa mga susunod pang mga araw. Ngunit lumipas ang isang buwan ay hindi pa dn niya ito nakikita o nakakausap man lang. hindi rin niya maasahan ang mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho. Dahil mukhang magin ang mga ito ay hindi din kinokontak ni April. Sa loob ng panahong iyon madami siyang napagtatanto. Na kahit gaano pa katagal na malayo ang dalaga sa kanya ay hindi pa rin ito mawawala sa puso at isip niya. Bigla siyang bumalik sa realidad ng marinig ang pagtawag sa kanya ng kaibigan niyang si Erik. “Tj, pare ilang linggo ka ng di lumalabas ng bahay, balak mo na ba talagang magermitanyo dito? Have some life man! Come with me, para kahit paano makalimutan mo yang iniisip mo.” Wika nito. “Pare, alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito di ba? Hanggang nayon hindi ko pa din alam kung saan nagpunta si April.” “Kaya nga kita niyayaya di ba you need to be cool para makaisip ka ng magandang paraan to find her.”
Hindi pa rin siya napilit ng kanyang kaibigan sa halip na sumama dito ay nagtungo siya sa bahay nina April upang makausap ng masinsinan ang mga magulang nito iyon nalang ang huling pag-asa niya upang makita at makausap ang dalaga.
“Tito, Tita1 magandang gabi po sa inyo.” Wika niya. “Oh Tj, kumusta ka na hijo, matagal ka din na hindi nagawi dito sa ah!” wika ng ina ng dalaga. “Tita, I am not fine, actually I’m here to seek for your help. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Please help me find April, I want to talk to her. Tito,tita I really love your daughter.” Halatang hindi na nagulat ang mga ito, ngumiti ang ina ni April. “Sabi ko naman sa’yo may pagtingin sila sa isa’t isa eh.” Wika nito na nakatingin sa asawa nito na nagmamasid lang at nakikinig sa usapan. “Oh siya sige anong tulong ang magagawa naming para sa’yo?” tanong ng ama ng dalaga. Kailangan ko lang po na malaman kung nasaan siya at kung pwede po kidnapin na din siya. “Saan mo dadalhin ang anak ko?” “Sa rest house po naming sa Pangasinan.” “Okay, pauuwiin naming siya para makidnap mo.”
Pauwi na siya at napangiti siya sa kinalabasan ng pagpunta niya sa mga magulang ni April, konting paghihintay nalang makikita na rin niya ang babaeng pinakaimportante at pinakamamahal niya. Mabilis gumana ang isip niya ng maaari niyang gawin sa oras na makidnap niya na ito.
“April, anak umuwi ka na muna dito.” Wika ng nanay niya habang kausap ito sa telepono. “Bakit nay, may nangyari ba diyan? Ayo slang po ba kayo ni tatay?” “Oo, pero namimiss ka na namin ng tatay mo, ni hindi ka man lang tumatawag kung ayos ka lang ba?” “Nay, bakit naman ako hindi magiging okay eh nandito lang naman ako sa bahay nina lola. Pero sige po uuwi na ako diyan namimiss ko na di po kayo ni tatay! Uuwi na po ako ngayon ieempake ko lang po yung mga gamit ko.” Bye nay, see you later! Pagkababa ng telepono ay napabuntong hininga nalang siya. Hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin ang mga bagay at taong iniiwasan niya.
Pagdating na pagdating pa lang niya ay niyakap siya ng kanyang mga magulang. Naniss niya ang magi to pati na rin ang bahay nila lalong lalo na ang kanyang kwarto. Nahiga siya roon at ninamnam ang pagkakahiga sa malambot na kama. “Haaay, buhay, parang life.”
Agad na tinawagan ni Aling Zeny si Tj upang ipaalam na dumating na ang dalaga niya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
HW Series-It Started with a Tease (COMPLETED)
RomanceSa araw-araw na ginawa ng Diyos, mula sa mga kasamahan sa trabaho ni April kasama nan g kanyang mga boss ay lagi siyang tunutukso tungkol sa kanyang pagiging loveless, napagiiwanan na nga daw siya ng mga kaedad niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ila...