“Tj, bunso kalian ka uuwi dito sa atin? Namimiss ka na namin pati na ng pamangkin mo, ipinapaalala ko lang sa’yo next week na ang birthday niya ah! Umuwi ka dito sigurado magtatampo sa iyo yun pag di ka dumating.” Wika ng ate niya na si ate Mary Ann. “Oo ate uuwi ako, hindi mo na kailangan pang ipaalala dahil hindi ko makakalimutan ang birthday ng favorite nephew ko.” Sagot niya. “Malamang eh siya pa lang naman ang pamangkin mo noh!” Sige ate I’ll see you next week tutal matagal na nga din ng huli akong umuwi diyan inuungutan na nga din ako ni mommy na pumunta naman daw ako diyan at dalawin kayo.” “Sige bunso we’ll wait for you nalang, you take care!” “I will, thanks ate. Ini-off na niya ang cellphone matapos tumawag ng ate niya. Malapit ang pamilya ng ate niya sa mga magulang niya sapagkat nakapagasawa ito ng taga probinsiya din nila. Ang nais din sana ng kanyang mga magulang ay makapagasawa din siya ng taga sa kanila para hindi din siya malayo sa mga ito, ngunit naging matigas ang pagtutol niya sa nais ng mga ito lalo na at inirereto nila sa kanya ang anak ng amiga ng mommy niya, pinagpipilitan kasi ng mga ito na first love never dies daw, naging childhood sweetheart nga sila ni Lisbeth ngunit hanggang doon lang iyon dahil pagtuntong nila ng high school ay nagkahiwalay na sila ng landas tumungo kasi ang pamilya nito sa Maynila samantalang siya ay nanatili lamang sa kanilang probinsiya, nung magkolehiyo lang siya nang magtungo na din siya sa Maynila upang mag-aral akala ng pamilya niya kaya niya piniling mag-aral sa Maynila ay upang sundan ang dalaga, pero sa loob ng apat na taon ng pag-aaral niya maging ng magumpisa na siyang magtrabaho, ni minsan ay hindi nagkrus ang kanilang mga landas, sa pagkakaalam niya ay namamalagi na ito kasama ng pamilya nito sa kanilang probinsiya, kaya malakas ang kutob niya na nais nanaman ng pamilya niya na itambal ito sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga ito mula kasi ng maghiwalay sila ni Lisbeth ay hindi na siya nagpakilala ng nobya sa mga ito. Wala din naman kasing nagtagal sa mga iyon. Ngunit hindi magtatagumpay ang mga ito dahil isasama niya si April.
Nakasabay muli ni April si Tj sa pagpsok ng araw na iyon nadaaanan kasi siya nito na naglalakad. Habang nasa daan ay tinanong siya ng binata. “April may gagawin ka ba this weekend? Kasi diba long weekend tayo.” “Ahm, wala naman, sa pagkakaalam ko wala din naman yatang balak gumala ang mga kaibigan ko sa baka sa bahaya lang ako, bakit? Ganting tanong niya. “Eh… kasi… I just want to invite you to come with me, uuwi kasi ako sa province to attend my nephew’s birthday party, pwede ka ba? “Ah saan na nga ulit yung province niyo?” “Sa Nueva Ecija, malapit lang mga 3 to 4 hours lang ang biyahe natin, promise ipagpapaalam kita kina tito and tita para hindi sila magalit sa’yo.” “Okay!” sagot niya. “Talaga payag ka na? paninigurado pa nito. “Oo nga gusto mo bawiin ko?” panunukso niya. “Hindi mo na pwedeng bawiin pag sinabi mo na.” Napangiti siya sa naging reaksiyon nito parang lumalabas kasi na gustong gusto talaga nito na isama siya. “Tsaka kahit hindi mo na ako ipagpaalam okay lang ako nalang ang magsasabi sa kanila.” Wika pa niya. “No, I insist. I want to ask for their permission.” “Okay ikaw bahala.”
Nay, tay kasama ko nga pop ala si Tj. “Magandang gabi po tito, tita. Wika nito habang nagmamano sa mga magulang niya. “maupo ka hijo, ano ba ang sadya mo? Tita, ipagpapaalam ko lang po sana itong dalaga niyo this coming weekend. Isasama ko po sana siya sa paguwi ko sa amin, birthday po kasi ng pamangkin ko.” “Ganun ba, ano yun balikan lang ba kayo? Kung papayag po kayo, magstay po sana kami doon ng tatlong araw since long weekend naman po.” “Hmmmn, ganyan na ba ang uso ngayon, babae na ang namamanhikan?” “Nay! Ano ba naman kayo nakakahiya kay Tj oh!” Napansin niya na nakangiti ang binata dahil sa kakulitan ng nanay niya. “Tita payag na po ba kayo sa lagay na yan?” “Tanong mo sa tito mo, wala naman akong rights diyan sa bagay na yan. Wika pa ng ina, halatang naagpopower tripping nanaman ito. “Basta siguraduhin mo na pagbalik niyo dito eh kasama mo na ang mga magulang mo. Wika ng ama. “Sige po.” Pakikisakay nito sa tatay niya. “Di ba sabi niyo eh may mamamanhikan.” “Tay! Pati ba naman kayo?” Tumawa lang ang tatlo sa naging reaksiyon niya. “Sige, hijo dahil natuwa ako na ipinagpaalam mo sa amin ang nagiisang dalaga ko, pinapayagan ko na siya. Bihira na lang kasi ang mga tulad mo na kinokonsidera pa din ang permiso ng mga magulang ng nililigawan nila. Ngumiti ang binata, hindi naman ito nagkomento sa sinabi na kanyang ama kaya hindi na din siya nagsalita. Pambihira talaga ang mga magulang niya, wala na siyang mukhang maiharap sa binata. But, it’s not a bad idea kung ligawan man siya nito, aba, good catch kaya siya. Napangiti siya sa naisip, hindi naman masama ang mangarap ng gising paminsan-minsan. Excited na siya para sa darating na Sabado, at the same time ay biglang nakadama siya ng kaunting kaba, makikilala din kasi niya ang pamilya ng binata. Guilty as charged, feeling girlfriend naman siya. Ano ba naman ‘to, parang girlfriend na meet-the-parents lang ang peg ko. Hahaha I loveeeeet! Sana nga talaga sila na lang ni Tj. Pero mabuti na din iyon at least hindi naman siya masyadong maaiilang sa pamilya nito, magkaibigan lang naman sila ng binata.
Sumapit ang araw na pinakahihintay ng binata. Nakangiting tinungo na niya ang kanyang sasakyan. Pagtingin niya sa rearview mirror ay bigla niyang nasabi sa sarili, Wait up my dear mother I’ll bring home the woman that have a special place in my life. Special because until now, he didn’t know what he really feels towards April.
“Nak, nandiyan na yata yung sundo mo, may bumubusina na sa tapat, kaya bumangon ka na diyan.” Wika ng ina. Dali-dali siyang bumangon at naligo, pagkatapos magbihis ay wala sa huwisiyo na humarap siya ditto. “Good Morning, sweety!” bati nito. “Huwag mo akong masweety-sweety diyan na lalaki ka! Pambihira ka naman oh, bakit hindi mo man lang sinabi agad na sobrang aga pala nating magbibyahe. Hindi pa naman ako sanay na gumising ng ganito kaaga.” Reklamo niya. Alas cinco pa lang kasiu ng umaga ay naroon na ito sa kanila. Ang nanay pa niya ang gumising sa kanya para ipaalam na nasa labas na ito at naghihintay sa kanya para. Hindi kasi siya nito naabisuhan kung anong oras siya nito susunduin. She heard him chuckled. “Hoy lalaki huwag mo akong pagtawanan diyan.” Alam niya kung ano ang sanhi ng pagtawa nito, hindi pa kasi siya nakakapagsuklay bago siya lumabas ng bahay nila. Basta nalang niyang hinablot ang bag na may lamang ilang damit at gamit niya, mabuti na lang at nagempake na siya kagabi bago matulog.taray na tanong niya.
“Are you ready?” tanong ng binata. Sabay abot ng bag niya at ideposito ang mga ito sa gitnang bahagi ng sasakyan. “Mukha ba akong ready sa tingin mo?” “Wake up at the wrong side of the bed?” “Hindi! Wake up at the wrong time lang! Tara na nga para maituloy ko na ang pagtulog ko, nangangagat pa naman ako pag kinukulang ako ng tulog.” “Okay enjoy your ride!” masigla pa ring sabi nito.
Bag magtungo sa bahay ng dalaga ay siniguro niyang sa lahat ng anggulo ay magmumukha siyang kaibig-ibig sa paningin nito. Binabalak na kasi niyang iparamdam sa dalaga ang nararamdaman niya dito. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay nagantay pa siya ng ilang minute dahil mukhang wala pang gising isa man sa mga magulang nito at maging ito mismo. Nakalimutan kasi niyang abisuhan ang dalaga kung anong oras niya ito susunduin. Gusto niya kasing makarating sila doon ng maaga para maipasyal niya ito, kaya mabuti nalang at nagising ang nanay nito at ginising siya. Nasinghalan tuloy siya ng dalaga ng tangkain niyang batiin ito ng umagang iyon. Nakalimutan niya kasi ang kasabihan na magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising na kulang sa tulog. Ngunit imbes na magdamdam siya sa inasal ng dalaga ay natuwa pa siya lalo kasi itong naging charming sa kanya ng magtaray ito natural kasi na namumula ang mukha nito. Bago kasi sa kanya ang ipinamamalas ng dalaga na katangian nito, lalo pa tuloy itong naging maganda sa paningin niya.
Nasa gitna sila ng daan at binabagtas ang kahabaan ng EDSA ay naisip niya ang ginawa sa binata. Para naman kasing masyadong kagaspangan ng ugali ang ipinakita niya dito. Ah, basta kasalanan nito, bakit kasi ang aga-aga niya akong sinundo hindi tuloy siya prepared. Ang pangit-pangit ko tuloy. Hala! Baka maturn-off na siya sa akin, kasi naman eh. Haaay, bahala na nga. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa pagiisip. Ang huli niyang natandaan bago siya hilahin ng antok ay ang gwapong mukha ng binata. Pwede ng baon iyon sa pagtulog niya. Habang nagdadrive ay panay ang sulyap niya sa dalaga na payapa ng natutulog sa kanyang tabi, hindi talaga ito nakakasawang titigan kahit gaano pa katagal. Habang tumatagal kasi na tinitignan ito ay lalo itong gumaganda lalo pa pag nasilayan mo pa ang expressive nitong mga mata at ang napakatamis nitong mga ngiti na para bang para sa kanya lang ang bawat ngiti nito at sa tuwing tumitingin ito ay siya lang ang lalaking nakikita nito. Pangako niya sa sarili ay hindi matatapos ang pagbabakasyon nilang iyon ng hini nya nasasabi sa dalaga ang balak niyang panliligaw dito. Tutal naman ay siguradong walang tutol ang mga magulang nito sa balak niya.
Naalimpungatan ang dalag ng may marinig siyang music na sa hinala niya ay nangagaling sa car stereo ng binata. “Sorry, naingayan ka bas a volume ng sounds ko?” tanong nito. “Ah hindi naman sa tingin ko kasi ay nahusto na ang tulog ko, asan na ba tayo?” tanong niya. “NLEX pa lang.” sabi nito ang sinasabi ay ang North Luzon Express Way na tinatahak nila ng mga sandaling iyon. “Gusto mo matulog ka na lang muna ulit, gigisingin na lang kita pag malapit na tayo.” Wika nito. “Okay! Thanks!”. Bumalik siya sa pagtulog hanggang sa mamalayan niya na nakahinto ang sasakyan nila. Dinilat niya ang kanyang mga mata at natagpuang wala ang binata sa likod ng manibela, inilibot niya ang kanyang paningin buti na lang at palabas naman ito ng comfort room nasa isang gasolinahan sila na may mga food stand at may mga establishment na fast food chains din doon. Stop over talaga iyon para sa mga nagbibyahe na nakaprivate vehicle. Bigla siyang nakaramdam ng gutom at naiihi din siya. Nakalimutan niyang hindi nga pala siya nakapagalmusal kaninang umaga bago sila umalis. Palapit na ito sa sasakyan at napansin niyang may bitbit itong plastic ng iba’t ibang pagkain. “Nagugutom ka na foor sure kaya nag take out nalang ako para kung sakaling magising ka eh may makakain ka.” Sabi nito. “Thank you medyo nagugutom na nga din ako, wait lang ah gamit lang ako ng banyo saglit.” “Sure, take your time.” Ang sweet talaga ng mokong. Hindi ko na talaga kasalanan kung mahulog man ang damdamin ko sa kanya.
Kinakain na nila doon ang mga pinamili nitong pagkain, pagkatapos ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang biyahe, hindi naman na iyon nagtagal umabot na lang siguro iyon ng mga humigit kumulang dalawang oras. Malapit lang din pala ang lugar ng mga ito kompara sa ibang probinsiya, wala din traffic kaya naman naging mabilis ang byahe nila.
“Malapit na tayo.”Anunsiyo nito. Biglang binaha ng kaba ang dibdib niya. Nakataw siya sa labas ng bintana habang binabagtas nila ang nilikuan nilang kanto, halos wala na siya masiyadong makitang kabahayan doon panay bukirin na natatamnan ng palay ang nakikita niya at mga puno na nakatamin sa gilid ng kalsada, hinayaan siyang buksan ang bintana, mula doon ay nalanghap niya ang fresh na simoy ng hangin, amoy damo na parang amoy lupa na ewan, basta masarap singhutin iyon. Nang bumaling siya sa kasama niya ay nakita niyang nanulis ang mga labi nito. “Nagustuhan mo ba ang simoy ng hangin?” “Ano ka hilo? Hindi lang gusto, feeling ko nga na love at first sight na ako sa lugar na ito, grabe malilim, sariwang hangin… aaaah I love this place, so relaxing.” She saw him smile. “You didn’t see the best part of this vast land sweety, just wait and see.” “Okay!” she got excited, at nakakasanayan na din niya ang pagtawag-tawag nito ng sweety sa kanya. “And one more thing, you can’t marry this land, but you can marry me instead to own this place.” Biro nito. “Hoy, huwag ka ngang magbiro ng ganyan baka sunggaban ko yan, madali pa naman akong maniwala, mahahawa ka na din sa kakulitan nila nanay ah!” kunwari ay mataray na sabi niya. Humalakhak ito sa naging reaksiyon niya. Masiyado na bang katawatawa ang magpakasal sa kanya. Hmmmnp! “Biro lang masiyado ka namang hot, pero pwede nating totohanin kung ready ka na.” maya-maya ay wika nito. “Tigilan mo akong lalaki ka ah!” “Mamanhikan ka muna sa mga magulang ko!” “Kailangan pa ba? Mukha namang botong boto sila tita sa akin eh. “Hah! ang lakas mo ‘tol! Ikaw na talaga, di ka na mareach! Wika niya na ikinatawa nitong muli. Natigil lang sila sa pagkukulitan ng makita na nila ang malaking gate, may mga unipormadong guwardiya na nagbukas ng gate para sa kanila, kulang ang salitang bigla para ilarawan ang kanyang reaksiyon. Hindi niya napigilan ang bibig na mapasinghap. “Oh my gosh! Ganito kayo kayaman grabe ang laki ng bahay niyo ay hindi mansiyon pala or palasiyo? At ang lawak ng lupain nyo.” Sambit niya. “Hindi naman sa pagmamayabang pero mula doon sa kanto nanilikuan natin hanggang ditto eh pagaari na ng pamilya namin. Nagkataon din kasi na magkatabi ang mga lupain ng pamilya nina mommy and daddy kaya yun lumaki ng ganito. Yung iba makikita mo pag ipinasyal kita may ginawa din kasing rancho si daddy diyan lang sa likod ng bahay, gusto mo isakay pa kita sa kabayo eh.” “Talaga may kabayo kayo?” “Ay super like!” “But for now, let us meet my family first.”
BINABASA MO ANG
HW Series-It Started with a Tease (COMPLETED)
RomanceSa araw-araw na ginawa ng Diyos, mula sa mga kasamahan sa trabaho ni April kasama nan g kanyang mga boss ay lagi siyang tunutukso tungkol sa kanyang pagiging loveless, napagiiwanan na nga daw siya ng mga kaedad niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ila...