Hijo, your already thirty-one this coming October, ano wala ka pa bang balak na lumagay sa tahimik?” Bunso siya sa at dalawa lang silang magkapatid ng ate niya kaya sanay na siya na laging ibinubuyo sa kung sinu-sinong anak ng amiga ng mommy nya, palibhasa ay single pa rin siya sa kabila ng kanyang edad, kumbaga nasa marrying age na siya, may pamilya na kasi ang kanyang ate. Ikaw pa, ang nag-iisa naming anak na lalaki na magpapatuloy ng apelyidong Francia, kaya anak, makipagdate ka na sa anak ng aking amiga.” Litanya naman ng mommy nya na si Mrs. Carmelita Soriano-Francia. Kabisado na nya ang sinasabi ng mommy nya tuwing lumuluwas ang mga ito ng Manila at magstay sa bahay niya. He is living alone in his two-storey western style house. He bought that house simply because of a woman living blocks away from there. He smiles at the thought.
Thomas John “Tj” Francia is a drop-dead gorgeous man. Matangakad siya sa height na 5'11 at kahit wala silang lahing chinese ay medyo may pagkasingkit siya, a perfect chinito look, matangos ang ilong nya, Katamtaman lang ang size ng kanyang mga labi, hindi naman siya masyadong kaputiian na nagpadagdag ng karakter sa itsura nya. Ang sabi naman ng iba nahahawig daw siya sa aktor at host na si Luis Manzano, maging ang pananamit nito ay tulad din ng sa kanya. He is vain,in all but defenitely he is a straight man, kahit madalas napagkakamalan siyang kasali sa federasyon, but he will prove to anyone who question his sexuality how straight he is, kaya tuloy nasasabihan siya ng iba na playboy dahil doon kahit malayo naman iyon sa karakter nya. Isa siya sa mga lalaki na one-woman-man, kaya malabong maging playboy siya, friendly is the right term. Kabilang siya sa angkan ng mga kilalang tao sa kanilang probinsiya, sa Nueva Ecija malawak ang kanilang lupain na natatamnan ng mga palay, ngunit dahil sa gusto niyang makilala hindi lang dahil sa mga magulang nya, kaya naman bumuo siya ng buhay na malayo sa mga ito. Natagpuan nalang niya ang sarili na nakatira sa Bacoor, Cavite, kung saan niya nakita ang dalagang sa unang tingin pa lang ay nagkainteres agad siya. Humahanap lang siya ng tamang pagkakataon para makalapit dito. Una niya itong nakita sa kanilang lugar. Ilang blocks lang ang layo ng binili nyang bahay sa bahay ng dalaga, pangalawa nya itong nakita sa kanilang opisina kasama nito ang katrabaho nito na ubod ng ingay kaya naman na-agaw ng mga ito ang kanyang pansin, natuwa siya nang malaman nya na sa iisang kompanya lang pala sila namamasukan. Kahit na may sarili naman siyang business ay napagpasiyahan pa din nyang mamasukan, hinahanap pa din kasi nya ang epekto kung paano ang maging empleyado. May dalawang branches na siya ng restaurant na business nya, isa sa Makati ang isa naman ay sa Pasay, kaya naman convenient para sa kanya na ang opisina nya na sa Pasay din, dahil doon ay maaari pa niyang mabisita ang isang branch nya tuwing lunch break nya.
“Kailan ko kaya madadala dito ang dalaga?” tanong nya habang nagdadrive siya papunta siya sa branch nya sa Makati. “I hope she'll like this place. This is my first baby.” pagmomonologue pa nya. Hindi naman sa nagyayabang siya pero ilang pagod at pawis din ang nagugol nya sa pagtatrabaho abroad para lang mapatayo ang dalawang branches ng resto nya. Ayaw na ayaw kasi nya na humihingi siya ng tulong sa mga magulang nya kahit alam nyang isang salita lang nya ay ibibigay na ng mga ito ang anumang hilingin nya. Ang gusto nya kasi lahat ng bagay na mayroon siya ay pinaghihirapan nya. Kumbaga he cannot taste the sweetness of his success without tasting the bitterness of challenges. Isa pa, gusto din niyang patunayan na kaya niya ng tumayo sa sarili nyang mga paa. At ngayon nga ay nagbunga din ang mga paghihirap nya dati. He owns two cars, two restaurants, and a house. Asawa nalang ang kulang upang makabuo siya ng sarili nyang pamilya. Dati ni minsan ay hindi sumagi sa isip nya ang pagkakaroon ng pamilya. Para sa kanya he is too young to settle down, but when she saw that particular woman, even his beliefs in life has already affected.
Suddenly he recalls why he decides to live in that place. During the time he’s searching for a right place to live in while he is in the city, he had no certain place to where he is going to buy a house. When she saw a woman watering their plants outside the house, he abruptly decides to buy a house. And aside from that, the place was totally perfect. The woman she gets interested with was just a plus factor. He quickly dialed his phone and calls his agent. “Hello, Mr. Santos, I would like to buy the house you presented to me yesterday, yes, the one located at Bacoor, Cavite, okay, thank you. Then that’s it.
Tj is still busy delving lots of documents in his study room, more on sales of his resto. “Mahirap din plang pagsabayin ang maghandle ng own business and maging employed the same time.” Wika niya sa sarili. Pero wala naman siyang pinagsisisihan dahil doon doble minsan triple pa ang income nya in a month, he wanted to be more financially stable so whenever he gets married, he can provide everything to his wife and kids. Mula ng nanirahan siya sa bago niyang bahay, parati nalang pumapasok sa isip nya ang pagaasawa, siguro dahil na din sa palagiang pangungulit ng kanyang mommy. “Maybe I should think for the right move to know her.” Wika nya habang iniisip ang dalaga. Dapat magmukhang coincident lang ang lahat.
Tj’s phone is ringing. “Tol, it’s Erik what’s up man? San ka ngayon? I’m going to Libis this evening, Mercy texted me so, wanna join? It’s going to be fun!” “Sure, I’ll go, what time?” he answered. “About 10pm at Manor bar in Libis.” Napagpasiyahan nyang paunlakan ang paanyaya ng kaibigan upang kahit paano ay mawala sa isip nya ang dalaga na kahit pilit nyang idivert sa ibang bagay ang isip. Going out is just a perfect timing. Pagka-park niya ng kanyang kotse ay agad na siyang pumasok sa naturang bar, hindi naman siya nainip sa paghahanap sa kaibigan nya. “Tj! ‘tol langya tagal mo kala ko nang Indian ka na eh.” Wika ng kaibigan nya. “I said I’m going, kailan ba ako hindi tumupad sa pangako ko, may isang salita ako.” Pagkaupo sa stool bar ay umorder siya ng San Mig Light. “Tol anong meron? Bakit yan lang ang order mo? Ayaw mo ba ng brandy?” “Nah, ayoko na muna ng hard drinks ngayon.” Wika nya. Habang iniimon nya ang order nya. Bigla nalang may kamay na pumulupot sa likuran nya. “Tj baby, I’m glad you’re here.” Wika ni Mercy. Matagal na itong nangugulit sa kanya na lumabas sila, hindi nya magawang pagbigyan ito, bigla nalang kasi siyang nagsawa sa night life, girls and all, at yon ay dahil sa dalaga na hanggang ngayon ay di nya pa malapitan para makipagkilala. Dati naman tuwing may lumalapit sa kanya at niyayaya siyang lumabas ay pinagbibigyan nya as long as hindi gaanong hectic ang schedule nya at walang aberya isa man sa dalawang restaurant nya. “Mercy I’m sorry, but I can’t go out with you.” Apologetic na sabi niya. “Why Tj are you seeing somebody else at the moment?” tanong pa nito. “No, but I’m just busy, that’s all. And I’m just here to relax.” Laking pasasalamat nya ng humiwalay na ito ng tuluyan sa kanya, at ibinaling na rin nito ang pansin sa kaibigan nyang si Erik.Pagkauwi nya ay nagtungo agad siya sa kanyang silid. Rumehistro agad ang imahe ng dalagang nakatira malapit sa bahay nya.
Mom, what made you call, this time? Tj transferred his phone to his other hand adjusted his body on the couch. “Ano ba namang klaseng tanong yan anak? I just wanted to know if you’re doing fine.” his mom answered. “I’m good mom, kayo po diyan kumusta na?” tanong niya. “Bakit kaya hindi ka nalang muna umuwi dito sa probinsiya anak para makita mo personally ang lagay namin, tsaka para na rin makapag bonding ulit tayo.” Wika pa ng ina. “Mommy, I’ll try.” “Alam mo ba anak yung dati kong amiga, they are back from the States, may dalaga na din pala siyang anak, di na din nalalayo sa edad mo yung dalaga nya. Sinabi ko nga na ang bunso ko eh binata pa din hanggang ngayon.” Dagdag pa nito. “Mom, please spare me this time, lagi nyo nalang akong inirereto sa halos lahat na lang ata ng anak ng mga amiga mo.” “Ah basta, hanggat wala kang pinapakilala sa amin na babaeng seseryosohin mo ay hindi ako titigil sa kakabuyo sa’yo, bye hijo, we terribly missed you.” Pinatay na din nya ang phone nya. Kahit kailan talaga ay napakakulit ng mommy nya. Buti nalang nakakatiis dito ang daddy niya, ngunit duda siya kung talagang nagtitiis ang daddy niya dahil alam nila ng kapatid niya na until now ay so much inlove pa din sa isa’t isa ang dalawa. That’s the relationship he’s looking for. Ang relasyon na hindi nawawala at nababago sa pagtagal ng panahon. “Don’t worry mommy, one of this days ay makikilala nyo na din ang babaeng seseryosohin at ihaharap ko sa inyo at sa altar.” Wika niya sa sarili habang parang nananaginip ng gising sa pag-iisip sa mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa din nya alam ang pangalan.
Naghahanda siya para sa pag-jojogging ng araw na iyon, matagal na din nang huli siyang nagwork out, naging busy kasi siya nitong mga nakaraang lingo dahil sa pagbili at pagaayos ng ilang gamit nya sa bagong biling bahay niya, buti na lang at intact pa din ang kanyang mga abs. Habang tumatakbo siya ay napadako ang tingin niya sa bahay --- kung saan nakita niya ng maglipat siya, ang dalagang nagdidilig ng halamanan ng mga ito, napahinto siya pero muli ring nagpatuloy ng mapansing may papalabas sa pinto ng mga ito. “Grabe Tj parang daig mo pa ang stalker sa ginagawa mo ah.” Sabi niya sa sarili.
Habang tumatakbo siya ay naisipan niyang panahon na rin para magkakilala na sila ng dalaga. Habang tumatagal kasi ay parang lumalala na ang luwag ng turnilyo niya sa ulo sa kakaisip sa dalaga. Baka mabaliw na siya kung lalo pa niyang pinatagal.
BINABASA MO ANG
HW Series-It Started with a Tease (COMPLETED)
RomanceSa araw-araw na ginawa ng Diyos, mula sa mga kasamahan sa trabaho ni April kasama nan g kanyang mga boss ay lagi siyang tunutukso tungkol sa kanyang pagiging loveless, napagiiwanan na nga daw siya ng mga kaedad niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ila...