Pinagmasdan muna niyang mabuti ang dalaga bago niya ito ginising, napakaamo ng mukha nito, walang makakapagsabi na may taglay itong kamalditahan paminsan-minsan. Napapangiti siya ng maalala ang managitang halik sa kanila ng nagdaang gabi, hindi niya sinadya na lumapat ang mga labi nila sa isa’t isa ngunit nang maramdaman niya ang malalambot nitong mga labi ay hindi na niya napigilan ang sarili na palalimin ang halik ditto, her lips tasted so sweet. Alam niyang siya ang first kiss nito. And he intended to be her last. “Sweety, gising na.” Kumibot-kibot muna ang mga labi nito bago naagmulat ng mga mata. He find it cute. “Morning sweety, ganti ng dalaga sa kanya, mukhang tulog pa ang diwa nito dahil hindi nito sasabihin ng endearment niya dito kung nasa tamang isip ito. At gaya ng inaasahan niya. Bigla itong bumalikwas ng bangon. “Sweety, ha? Ano ba tong sinasabi ko? Bumaling ito sa kanya. “ At ikaw bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko?” “Ginigising lang po kita. Breakfast is ready, at ipapasyal pa kita, remember?” “Okay, sige antayin mo na lang ako sa labas, maliligo lang ako at magreready para sa pagalis natin.” “Sure, wear something comfy.” Wika pa nito bago siya iniwan.
Pinili niya ang favorite tank top niyang color black na pinatungan niya ng checked longsleeves at tinupi niya iyon hanggang siko, hinayaan niyang nakabukas ang mga butones niyon. Nagpantalon din siya at nagrubber shoes para kumportable ang pamamasyal nila, itinali din niya ang hanggang balikat niyang buhok upang lalong maging maaliwalas ang kanyang itsura. Bumaba na siya at nagtungo sa komedor kung saan naghihintay ang binata. “Nauna ng kumain sina mommy kaya tayong dalawa nalang ang di pa kumakain, pagkakataon na natin ito na makapagsolo.” “Pambihira ka talaga, ikain mo na lang iyan, gutom lang yan.” Wika niya at ibinaling na ang buong atensiyon sa pagkain.
Naglalakad sila patungo sa kwadra ng mga kabayong gagamitin nila sa pamamasyal. Naabutan nila ang isang katiwala na naglalagay ng damo sa kainan ng mga kabayo. “Mang Terio, nandyan pa po ba si Shadow?” “Sir Tj kayo po pala, magandang araw po sir, ma’am, opo sir, nandiyan po inaalagaan ko po siyang mabuti dahil alam ko po na siya ang paborito ninyong sakyan tuwing umuuwi kayo, kukunin ko lang po.” Pagbalik nito ay dalawa ang kasama nitong kabayo. “Sir, mangangabayo din po ba ang nobya niyo?” “Ah hindi Mang Terio si Shadow lang ang gagamitin naming hindi kasi siya sanay sumakay.” “Ganun po ba? Eto na po si Shadow.” Kinuha nito ang renda ng kabayo at inilapit sa kanya. “Are you ready?” tanong nito sa kanya. Tango lang ang naisagot niya. Hinawakan nito ang baywang niya at walang hirap na isinakay siya sa likod ni Shadow. Nalula siya sa taas ng kabayo. “Tj naalulula ako, parang ayoko ng sumakay, natatakot na ako. He smiled at her then afterwards he mounted the horse with such grace until she felt his chest against her back. Tila naman nakatagpo siya ng kapanatagan. Nasa bandang harap siya nito kaya ang mukhang yakap siya nito habang hawak nito ang renda. Umpia ay pinalakad lang nito ang kabayo hanggang unti-unting bumibilis ang takbo nito. She felt giddy. Pinagmasdan niyang mabuti ang magandang tanawing nadadaanan nila. “I will take you to the secret paradise.” Bulong nito sa punong tainga niya. It sends millions of electricity to her whole system. Narating nila ang sinasabi nitong secret paradise. Sa isang tagong parte na ng lupain ng mga ito. Nakita niya ang isang maliit na falls. Banayad lang ang agos niyon papunta sa ilog. Parang isang malamyos na musika ang nililikha niyong tunog. Bumaba sila sa kabayo, paglapat pa lang ng kayang mga paa sa lupa ay tumakbo agad siya patungong falls. “Careful, sweety, baka madulas ka.” Paalala nito. Maya-maya ay magkapanabay na silang naglalakad. “Tj, pwede bang maligo diyan?” “Oo naman, kung okay lang sa’yo na basa tayong uuwi.” “May mga tao bang nagpupunta dito?” tanong niya. “Private property ito at bihira lang magawi ditto ang mga tauhan ni daddy malayo kasi dito ang taniman.” Sa mga sinabi nito ay inumpisahan na niyang tanggalin ang sapin niya sa paa maging ang kanyang mga damit. Nagulat ito sa ginawa niyang kapilyahan. Mabuti na lang pala at nagsuot muna siya ng cycling short bago nagpantalon. Suot ang tank top at cycling shorts ay tumungo na siya sa mababang parte ng ilog. Nang mailubog na niya ang sarili sa tubig ay nakita niiya iitong naghahanda na din upang maglunoy sa ilog. Nageenjoy siya sa pagsisid ng marandaman na may humawak sa baywang niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. “Tj ang ganda dito, it is in deed a secret paradise.” Wika niya habang nakatayo sila sa ilalim ng falls. He smiled at her. “Sabi sa’yo madami ka pang makikitang magaganda sa lugar na ito eh” “Oo nga eh ang sarap tumira dito.” “Okay, eh di dito ka na tumira, simple lang naman ang gagawin mo, like I just said to you when we arrived here, marry me.” Bilang ganti sa sinabi nito ay sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha, hanggang sa nagsabuyan na sila walang gustong magpatalo, alam niyang dehado siya. “Time first!” Sigaw niya. Huminto naman ito. “Grabe ka naman, makasaboy ka diyan parang wala ng bukas ah, kompara mo naman tong katawan ko sa’yo.” Relkamo niya dito. “Ayoko na nga! Medyo nilalamig na ako.” Punta tayo sa taniman nyo ng mangga, nakakatikim ako.” Yaya niya dito. “Hah? Wala pa ngang nangyayari sa atin naglilihi ka na agad?!” Exaggerated na wika nito. “Walang hiya ka talaga, kung anu-ano sinasabi moo diyan, tara na?” Sumakay ulit sila sa kabayo at nagtungo na sa taniman ng mga mangga, sa di mabilang na pagkakataon ay namangha siya ng marating nila ang manggahan, nakakatakam kasi ang mga puno na hitik sa bunga. “Pili ka ng puno, aakyatin ko.” Wika nito. “Itong na lang sa kanan ko.” Sagot niya. Walang kahirap-hirap na inakyat nito ang punong tinuro niya. “April, salo!” sigaw nito sa kanya. Hindi niya agad naalerto ang reflexes niya kaya tumama sa noo niya ang hinulog nitong mangga sa kanya. “Ouch! Tj naman ang sakit nun ah!” Reklamo niya. Agad itong bumaba ng puno at dinaluhan siya. “Sorry, sweety, masakit ba?” “Ano sa tingin mo ikaw kaya ang hulugan ng mangga sa bungo ewan ko lang kung matanong mo pa ako ng ganyan!” “Sorry na nga eh.” Wika nito habang hinihimas ang noo niya na tinamaan ng mangga. “Asar ka naman eh.” “Medyo madami na rin naman itong nakuha natin, tara balik na tayo sa bahay.” Yakag nito sa kanya. Nagpatiuna na siya papunta kung saan nito itinali ang kabayo nitong si Shadow.
“Oh Tj saan kayo nanggaling? Bakit basang basa kayo?” tanong ng mommy niya. “Sa ilog lang mommy tapos kumuha na din kami ng kaunting mangga.” “Ganun ba, napansin nyo ba doon ang daddy niyo? Magpapasama sana ako sa kanya sa bayan, may bibilhin lang ako sa palengke, medyo kulang kasi yung rekado na gagamitin sa birthday bukas ni Brix.” “Bakit hindi nyo nalang utusan sina manang ang mamili.” “Madami pa silang gagawin kaya ako na lang.” Kung gusto nyo mom, ilista nyo na lang ang mga bibilhin, kami nalang ni April ang bibili para naman maipasyal ko na din siya sa kabayanan.” “Oh siya sige, mabuti pa nga, medyo wala pa naman ako sa mood.”
Kinatok niya ang dalaga nang sa tingin niya ay nakapagbihis na ito. “Knock, knock! Sweety, are you ready?” “Oo, pasok ka.” Pinihit niya ang seradura ng pinto at tuluyan ng pumasok sa silid nito.” “Saan ba tayo pupunta?” tanong nito. “Sa bayan mamimili tayo, kinulang daw kasi yung mga gagamiting rekado bukas.” Habang pababa sila ng hagdan ay binate pa ng mommy niya ang dalaga. “Hija, how’s your staying here so far?” “Okay naman po tita nageenjoy po ako.” “That’s good to here, sige ingat kayo.” Nagtungo na sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Habang nasa daan sila ay hindi pa din niya napigil ang mamangha sa kabuuan ng lupain ng mga ito. “Grabe Tj ang ganda talaga dito sa inyo.”
“Ang laki ng palengke nyo ah, kaloka, nakakapagod mamili dito.” She heard him chuckled. “Pagod ka na ba? If you want hintayin mo nalang ako sa kotse.” “Naku hindi na ‘no, maiinip lang ako dun. Dito na lang ako para may katulong kang magbitbit.” “Okay, if you say so, anyway may advance celebrations nga pala mamayang gabi, konting unuman and videoke lang, kasama ang mga kasambahay, habang nagpeprepare sila ng handa for tomorrow.” “Talaga? Nakakatuwa naman, sama tayo sa kanila mamaya.”
“This song is I lovingly dedicated to Ms. April Bonifacio, the girl wearing pink.” Wika nito habang hawak ang mikropono at nakatingin sa gawi niya. Kasama niya sa isang table ang pamilya nito na pinauulanan sila ng tukso. “April, sagutin mo na agad si Tj bago pa siya kumanta, masakit sa tenga pagngumawa na yan sa videoke.” Wika pa ng ate niya habang natatawa. “Oo nga hija, sagutin mo na kaba maagaw pa ng iba yan sa’yo.” Wika naman ng ama nito. Pinatulan naman niya ang panunukso ng mga ito. “Sige po tito tignan natin, depende sa magiging resulta ng pagkanta niya.”
Ipagpatawad mo… Bira agad nito sa kanta unang linya pa lang ay medyo palyado na ito ngutin ipinagpatuloy pa rin nito ang pagkanta, … aking kapangahasan binibini ko sana’y maintindihan, alam kong kailan lang tayo nagkatagpo, ngunit para lang sa’yo ayaw ng lumayo…. Ipagpatawad mo ako minahal kita agad…. Kanta nito habang nakalahad pa ang mga kamay sa kanyang direksiyon. Timalon ang puso niya. Nakatingin kasi ito direkta sa kanyang mga mata na para bang ang lahat ng liriko ng kinakanta nito ay siya ding nilalaman ng puso nito. Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ito, nagpasalamat pa ito na animo nagtatanghal ito sa isang kosiyerto. “Tita April, kanta ka din po.” Wika ni Brix. “Huh? Hindi ako marunong kumanta eh.” “Bakit po si tito hindi din maganda kumanta pero nag sing po siya. Kayo din po.” Hirit pa nito. “Sige na April hindi ka titigilan nyan hanggat di ka pumapayag. “Sige na nga.” Pumindot siya ng numero sa videoke machine at maya-maya ay pumailanlang na ang intro nang napili nyang kanta. Oh..Oh..Oh..Oh hindi ko naman basta masabing ako’y nai-inlove sa’yo. Unang linya pa lang ay nakakuha na siya ng masigabong palakpakan, hindi man siya ganung kaganda kumanta, pero may ibubuga siya pagdating sa singing department, kaya lalong lumakas ang loob niya na tapusin ang kanta. …baka anung isipin mo, lumaki pa ang ulo, hindi ko naman masabi na ako’y madaling mainlove, pero ang cute, cute mo, may kilos na nakakahilo, halata mo ba oh sa aking mata. It’s the way you bite your lips baby…in love akong parang ice cream, it’s the way you hold my hand, when you look into my eyes alam mo ba…. Ako’y gigil na gigil pero pigil na pigil hindi masabi ang laman ng damdamin kasi baka isipin mo ang dali-dali kong babae. Hindi niya mapigilan na tumingin sa pwesto ng binata at ng magtama ang kanilang mga mata ay ngumiti ito sa kanya ng makahulugan. Nang matapos ang kanta ay agad itong lumapit sa kanya. “Dedicated mo bas a akin yung kinanta mo? Gigil talaga ah! Siguro nang gigigil ka sa akin ‘no? tukso nito. “Oo, gigil na gigil na nga talaga akong bugbugin ka. Tigilan mo ako ah.” Banta niya ditto, upang mapagtakpan ang kanina pa niya nararamdamang kilig. “Oh inuman na!” Anunsiyo ng ama nito. Kaya kinalabit niya ang binata. “Tj pwede pass na muna ako diyan sa tagay na yan dapat ba talaga kasama tayo?” “Oo, naman masaya yun sina mommy at ate nga naging tomador na dahil ganyan talaga dito pag may handaan, lahat napapainom, hapon pa naman ang party bukas. “Ah ganun ba okay, pero konti lang ah, hindi kasi talaga ako umiinom eh.” “Okay, no problem, ako sasagot sa ibang tagay mo, basta alagaan mo ako pag nalasing ako ah.” Wika pa nito sabay kindat sa kanya. Parati nitong ginagawa iyon sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa din niya narerendahan ang puso na magwala sa tuwing gagawin nito iyon sa kanya. Nakailang ikot na ang tagay at medyo tinatamaan na siya maging ito ay namumungay na din ang mga mata dahil na din siguro sa ilang beses na paginom nito ng tagay na para sa kanya, kaya naman bago pa ito magkalat doon at inaya niya na itong pumasok sa loob. “Tj lasing na yata ako, ikaw din kaya magpahinga na tayo.” “Hindi pa ako lasing kaya pa nga kitang buhatin paakyat sa kwarto natin eh.” Napasinghap ang mga kasama nila sa mesa, mga kasambahay at ilang mga kaibigan ng binata ang kasalo nila, kanina pa kasi nagpaalam ang mga magulang at ate nito, sila na lang dalawa ang naiwan doon. “Hoy kayo huwag ngang madumi ang mga isip nyo magkatabi lang kasi ang room naming dalawa.” Pagdadahilan nito dahil sa mga mapanuksong tingin ng mga ito. “Oh paano mauna na kami ng commander ko, este ni April pala.” Nagtawanan ang mga kaibigan nito. At may isang nagkomento pa. “Pare, baka maudlot huwag ka munang assuming diyan.” Naguguluhan man ay nagpaalam na din siya sa mga ito. “Sige, mauna na kami ah! See you tomorrow.” Pagtayo ni Tj ay napaakbay ito sa kanya, nabigatan man ditto ay kinaya niya ito siya din naman kasi ang dahilan kung bakit nalasing ito ng husto. “Tj kaya mo pa ba?” “Oo, naman, I just wanted to be close to you.” bulong nito sa kanya. Dumaloy ang kakaibang kilabot sa buo niyang katawan, kaiba ito sa kilig ngunit hindi din naman iyon sanhi ng takot. Nang marating nila ang pinto ng kanyang silid ay hindi pa siya nito agad na pinakawalan. “Sweety, wala ba akong good night kiss?” Wika nito at pinatulis pa ang nguso. Natatawang ginawaran niya ito ng halik sa pisngi. “Daya naman hindi naman yun ang good night kiss eh.” “Hoy huwag kang demanding buti nga kiniss pa kita eh.” “April, this is the proper good night kiss.” Wika nito at maya maya lang ay sakop na nito ang kanyang mga labi. Habang hinahalikan siya nito ay pinihit nito ang seradura ng pinto nang hindi nito pinuputol ang kanilang ginagawa ng isara nitong muli ang pinto. Humiwalay ito sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti.
BINABASA MO ANG
HW Series-It Started with a Tease (COMPLETED)
RomanceSa araw-araw na ginawa ng Diyos, mula sa mga kasamahan sa trabaho ni April kasama nan g kanyang mga boss ay lagi siyang tunutukso tungkol sa kanyang pagiging loveless, napagiiwanan na nga daw siya ng mga kaedad niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng ila...