Nanatili lang na walang nagsasalita at tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig sa hapag kainan. Tumikhim ang reyna kaya napatingin kami sa kanya.
"Kung ganon, galing ka sa mundo ng mga tao?" tanong nito sa akin kaya tumango ako.
"Opo," sagot ko tumango siya.
"Sa mundo ng mga tao po siya dinala nila ina para mapangalagaan." sagot ni Athan kaya sa kanya lumingon ang reyna at ngumisi.
"Athan Dawson, ikaw pala ang prinsipeng tinutukoy ng mga bituin sa propesiya." kumunot ang noo ni Athan.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Tungkol po ba ito sa misyon kong maibalik si Lyra dito sa ating mundo?" tanong ni Athan pero umiling ang reyna.
"Kapag naibalik na ni Lyra ang lahat sa dati at natapos na ang misyon niyong dalawa. Isang mabigat na desisyon ang kailangan niyong gawin." kumunot ang noo namin ni Athan at nagkatinginan.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko dito pero lumingon ang reyna kay Mireille.
"Mireille, hindi mo pa ba nasasabi sa kanila ang nakita mo sa hinaharap?" tanong ng reyna sa anak pero yumuko at umiling si Mireille habang may malungkot na mukha.
"Hindi ina, paano ko sasabihin sa kanila? Mahihirapan lang sila ina." sagot ng prinsesa.
"Anak ko, mas mahihirapan sila kung tuluyan nang mahulog ang loob nila sa isa't isa kapag di mo pa rin agad sinabi." sagot ng reyna, naguguluhan kami sa pinag uusapan ng mag ina.
"Kamatayan." napalingon kami kay Zorion na kasama namin dito sa hapag. "Kamatayan ang kahahantungan ninyo dahil ang apoy at niyebe ay di maaring magsama." sabi ni Zorion. Napatayo si Athan.
"Anong sinasabi mo, Zorion?" malamig na sabi ni Athan pero ngumisi lang si Zorion.
"Alam mo, mahal na prinsipe ang ibig kong sabihin."
"Zorion, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang lahat." sabi ni Mireille.
"Pero kailangan nila ng babala, anak ko." sagot ng reyna at muling humarap sa amin.
"Kailangan niyong lumayo sa isa't isa." sabi ng reyna pero hindi na nadugtungan pa ang sinabi niya nang may biglang pumasok sa silid kung saan kami kumakain.
"Kieran!" tawag ni Stefano dito nang makita niyang pumasok ang kapatid.
"Anong nangyari? Bakit nasa Magic Kingdom tayo?" litong tanong ni Kieran.
"Napasailalim ka ng sumpa ng ilusyon. Dinala ka namin dito para sana mabigyan ka ng lunas kaso..." di natuloy ni Stefano ang sasabihin at napalingon sa akin.
"Dugo lang pala ni Lyra ang lunas." dugtong ni Draven.
"Ha? Dugo niya? Bakit?" tanong pa ni Kieran.
"Maupo ka muna, Prinsipe Kieran nang maipaliwanag namin sa iyo ang lahat." sabi ng reyna kaya nanlaki ang mata niya. Yumuko si Kieran sa reyna na malamang kanina ay hindi niya napansin.
Pagkaupo ni Kieran ay pinaliwanag namin ang lahat sa kanya. Nagulat siyang lumingon sa akin nang malaman niya ang kaugnayan ko sa babaeng minamahal.
"Pamangkin mo si Kyla? Pero nasaan siya kung buhay siya?" nagkibit balikat ako.
"Walang nakakaalam pero lilitaw at magpapakilala siya sa oras na dumating ang tamang panahon." sabi ng reyna. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Kieran kaya napangiti ako, masaya siya dahil nalaman niyang buhay ang babaeng iniibig.
Matapos naming kumain ay inaya kami ng reyna na magpahinga muna bago ulit maglakbay papuntang Elemental Kingdom.
"Maraming salamat sa inyong imbitasyon, mahal na reyna ngunit hinihintay na kami ng aming ama at ina." magalang na sagot ni Athan.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy
FantasyAkala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pero ang hindi niya alam sa pagsapit ng kanyang kaarawan ang simula ng pagbabago ng kinagisnan niyang...