Lyra's POV
Hangga't maaari ay pinapakita ko ang malamig kong tingin sa kanila kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Nanatili silang nakaluhod pero nang sumenyas si Athan ay agad silang tumayo.
Napatitig ako kay Athan, katulad sa akin ay kita rin ang kakaibang kapangyarihan na bumabalot sa kaniya. Siya kaya? Siya ba ang tinutukoy nilang aking magiging hari?
"Sumunod kayo sa amin." tumalikod na sila kaya nagsimula na rin kaming maglakad pasunod sa mga hindi ko maintindihang nilalang.
Anong klase sila? May negeexist pala na katulad nila? Hetero? Kinalabit ko si Athan na seryosong naglalakad lang.
"Anong klase silang nilalang?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako.
"Ang mga Hetero ay mga mandirigma na laging tinatawagan ng bawat kaharian sa tuwing magkakaroon ng digmaan. Magagaling din sila gumawa ng iba't ibang uri ng sandata at patibong." sagot niya kaya napatango ako.
Mga nilalang na aakalain mong pangkaraniwan ngunit may kakaiba silang kasuotan. Nakasuot sila ng pandigma ngunit walang baluti dahil maaaring wala naman sila sa digmaan. Masyadong makintab ang suot nilang tela. May hawak ang iba sa kanila ng sibat at ang iba ay palaso. Maliban kay Tata Giron na walang hawak na kahit ano maliban sa isang pulang tela. Si Denio at Desio ay espada naman ang hawak.
May bandana din sa kanilang ulo, puro kalalakihan ang sumalubong sa amin ngunit habang naglalakad kami ay may nakita akong mga kababaihan. Mahaba ang suot nilang saya at natatakpan ang kanilang mukha ng telang manipis. Parang bawal makita ang kabuuan ng kanilang mukha.
"Pero ingat ka sa kanila dahil sila ang mga mapanlinlang na nilalang." sabat ni Mireille na nasa kabila ko.
"Kung ganon anong ginagawa natin dito? Bakit tayo dito dinala ni Elwin?" nagtataka kong tanong, naalala ko na naman ang Elf na iyon na nagpaiwan. Kamusta na kaya siya?
"Ang mga Hetero ay malapit na kaibigan ng mge Elf. Maaring alam ni Elwin na may mga nabubuhay pang Hetero." si Draven naman ang nagsalita na nasa kabilang tabi ni Mireille.
"Mawalang galang na pero alam niyo ba kung nasaan ang ikatlong prinsipe namin?" rinig naming tanong ni Stefano kaya napalingon kami sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tutukan ng sibat sa leeg ng lalaking Hetero.
"Paumanhin sa kalapastanganan ng aking kapatid." sabi ni Draven at hinatak ang kapatid sa tabi niya.
"Oceane, itali mo sa tabi mo ang kapatid namin." malamig na utos ni Athan na para bang seryoso siya sa sinabi.
"Bakit ako? Ayoko nga mapalapit sa unggoy na iyan." nakairap na sabi ni Oceane.
"Hey, paninirang puri iyan sa mga unggoy." sabi ni Stefano pero tumawa naman si Oceane.
"Inaamin mo bang mas lamang ang mga unggoy kaysa sa iyo?" pangaasar ni Oceane kaya nailing na lang kami.
"Athan, hindi magandang ideya na pagsamahin pa sila." sabi ni Draven kaya lumingon si Athan kay Stefano at Oceane.
"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa, isang buong araw ko kayong ikukulong sa isang kwarto." malamig na turan ni Athan pero napahalaklak kami lalo na nang umarteng nandidiri ang dalawa.
"Sige, away pa more." nakangising sabi ni Mia o Kyla. Naalala ko na naman ang nakita ko sa mga mata niya kanina. She's hurt nang nakita niya si Kieran na iniligtas siya at sinakripsiyo nito ang sarili.
*****
Nakaupo na kaming lahat sa malaking bulwagan nila. Pumasok ng silid si Heptin kaya napalingon kami.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy
FantasyAkala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pero ang hindi niya alam sa pagsapit ng kanyang kaarawan ang simula ng pagbabago ng kinagisnan niyang...