Lyra's POV
Matapos naming mag-usap ay tumayo na ako para lumayo muna sa kanya. Mahirap pa ring tanggapin na ang isa sa huling taong inaasahan mong magtatraydor ay siya pala talaga. Alam kong hindi niya ito gusto, nasa ilalim pa rin siya ng kapangyarihan ng hari pero ang masakit; matagal na pala siyang patay dahil hawak na ng hari ang kaluluwa niya.
Isang bagay ang tumatak sa isip ko dahil sa pinaniwalaan ko noon. Mas madali nga bang tanggapin na si Athan at ang mga kapatid niya ang traydor kaysa malaman na si Jake pala iyon?
Napahawak ako sa dibdib dahil bigla itong kumirot dahil sa mga naiisip ko pa lang. Naglakad ako at pumunta sa di kalayuang puno. Umakyat ako dito upang magpahinga, natuto akong umakyat ng puno dahil kay Stefano.
Napahawak ako sa dibdib ko nang sumakit ito at parang pinipiga. Hindi basta basta ang pagsakit nito at ngayon ko lang ito naramdaman.
Napaangat ako ng tingin at nakitang parang tutok na tutok sa akin ang bilog na buwan. Napapikit ako nang parang biglang lumiwanag ng husto ang buwan na umabot sa puntong sumakit ang mata ko. Para siyang nakakabulag.
Biglang nanghina ang buo kong katawan kaya hindi ko naramdaman na mahuhulog na pala ako sa punong kinauupuan ko. Napadilat ako nang may malambot akong naramdaman. Nakita ko na lang na nasa isa akong malaking dahon, sinalo ako nito.
"Lyra, ayos ka lang?" napatitig ako kay Athan at milagrong bigla na lang nawala ang pananakit ng dibdib ko lalo na ng buhatin niya ako.
"Athan?" tumango siya at tipid na ngumiti sa akin.
"Lyra, anong nangyari sa iyo? Nagulat na lang kami nang makitang nahuhulog ka na sa puno. Mabuti na lang at inutusan agad ni Stefano ang mga dahon upang saluhin ka." sabi ni Kyla pero hindi ako nagsalita.
"Isang itim na mahika ." napalingon kami kay Jake dahil sa sinabi niya.
"Anong klaseng mahika?" tanong ni Athan.
"Ang ipinagbabawal na mahika ng emperor noon." sagot ni Jake at nakita kong napasinghap lahat ng kasama ko.
"Ipinagbabawal na mahika?" nagtataka kong tanong.
"Ilang libong taon na ang nakalipas nang may mahikang natuklasan ang isang konseho ng emperor. Mahilig mag-aral ang mga konseho ng iba't ibang klase ng mahika upang mapangalagaan lamang ang mundong ito at ang emperor.
"Ngunit ang isang konseho ay lumabag sa batas tungkol sa paggawa ng mahika, bawal silang gumawa ng itim na mahika. Hindi sinasadyang nakagawa ang isang konseho ng itim na mahika at higit na nakakapaminsala sa ibang nilalang kaya nag-utos ang emperor na ipagbawal ito." mahabang paliwanag ni Mireille.
"Wala pang ibang nilalang na kayang gumaya ng mahikang ito kaya sino ang maaaring gumamit nito?" tanong ni Kyla.
"Hoy, Seige sabihin mo sa amin. Alam na ba ni haring Farkas ang paggamit ng mahikang ipinagbabawal?" tanong ni Stefano kay Jake na umiling lang.
"Sigurado akong hindi pa niya alam. Dahil kung alam niya ay ginawa na niya pagbalik niyo pa lang dito sa fantasy world." may punto nga naman siya.
"Isa lang ang ibig sabihin nito, nandito ang unang konsehong may hawak ng susi ng Seirole." seryosong sabi ni Athan.
Tumayo si Draven upang lapitan si Jake dahil kailangan na naming umalis dito. Pinuntahan na rin ni Stefano si Oceane at inalalayan ito. Hindi na kami maaring magtagal dahil malamang na nararamdaman ng ng unang konseho ang presensya namin kaya gumamit siya ng mahika. Kailangan namin siyang makausap upang malaman niyang hindi kami kaaway.
Inalalayan ako ni Athan na tumayo pero nanlaki ang mata ko nang makitang tumakbo palapit sa akin si Jake. Pakiramdam ko tumigil ang lahat nang makita ko ang unti-unti niyang pagbagsak sa lupa habang nakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy
FantasyAkala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pero ang hindi niya alam sa pagsapit ng kanyang kaarawan ang simula ng pagbabago ng kinagisnan niyang...