Nagpatuloy ang paglalakbay namin at humihinto lang kami kapag kakain o iinom sa malapit na ilog. Ngayon nakaupo ako sa may malaking bato sa ilog. Nagpapahinga lang kami dahil pagod na rin ang mga kabayo namin.
"Lyra, bakit di mo subukang magbabad sa tubig?" tiningnan ko si Oceane na nakababad sa ilog at nakaanyong sirena nang tanggalin niya ang kwintas na suot. Umiling ako at bumuntong hininga.
Kahit sabihin nilang may tiwala sila sa akin, di ko pa rin maalis sa isip ko ang takot. Takot sa mundong hindi pamilyar sa akin. Paano ko kakayaning tumira sa lugar na hindi ko alam? Natatakot ako na paano kung ang mga kasama ko ngayon ay hindi ko na makasama sa huli? Sino na ang pagkakatiwalaan ko? Tama ang reyna ng Magic Kingdom, hindi ko pa lubusang kilala ang mundong ito.
"Mukhang malalim ang iniisip mo?" napapitlag ako nang may biglang tumabi sa akin. Nalingunan ko si Athan pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nakita ko pa sa mga mata niya ang pagaalala.
"Wala, iniisip ko lang kung anong mangyayari sa akin sa oras na makarating tayo sa kaharian niyo." sagot ko, umupo siya ng maayos sa tabi ko at muling tumingin sa mga kasama naming naliligo sa ilog.
Lumingon ako nang tumayo siya at pinagpag ang damit. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Kung hindi ka maliligo, samahan mo ko." sabi niyang walang mababakas ng emosyon ang boses. Kumunot ang noo ko.
"Saan?" nagkibit balikat lang siya at sinimulan na niyang maglakad kaya no choice ako kundi sumunod.
Nakasunod lang ako habang naglalakad siya. Sumasakit na ang paa ko pero di pa rin siya tumitigil sa paglalakad kaya nagsisimula na kong mainis sa lalaking nasa harap ko.
"Saan ba talaga tayo pupunta? Masyado na tayong malayo sa mga kasama natin." sabi ko pero ni hindi man lang siya lumingon. Kinuha ko ang stick na nakita ko at inambang itutusok sa kanya pero nang lumingon siya ay inosenteng tumingin ako sa kanya habang kunwari ay ginagamit ko ang stick na hawak para makalakad. Napamaang ako nang irapan niya ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Trip ng lalaking ito? Masyadong matarik ang aming dinadaanan at madilim na rin. Para kasi kaming umaakyat ng bundok.
"Hoy, prinsipe ng apoy ka diba? Magpailaw ka kaya at madilim baka may.....Ahhhh...... Ahas!!!" sigaw ko at nagtatakbo ako pero hindi ko napansin ang malaking ugat ng puno na nakaharang sa daan kaya napatid ako. Napapikit ako nang inakala kong hahalik na ang mukha ko sa lupa.
"Saan ang ahas?" seryoso ang mukha niyang tinanong iyon pero kita ko ang pagkawili sa mata niya at ngumisi pa siya. Umirap ako at umayos ng tayo mula sa pagkakahawak niya. Tinalikuran ko siya dahil pakiramdam ko bigla akong namula sa kahihiyan.
"Ewan ko sa'yo, ayun ang ahas nasa taas mo." turo ko sa taas niya at nanlaki ang mata ko nang bigla niyang sunugin ang puno.
"Anong ginawa mo? Forest Fire yan ah?" turo ko sa kanya pero nanlalaki lang ang matang lumingon siya sa akin.
"Ginulat mo ko kaya kasalanan mo." nakairap na sabi niya kaya natawa ako na nagpakunot ng noo niya.
"Takot ka sa ahas? Hindi ako makapaniwala na ang prinsipe ng apoy ay takot sa ahas." natatawa kong sabi pero inirapan niya ako at tinalikuran. Kinontrol niya na rin ang apoy sa puno bago pa ito tuluyang maging abo.
"Madami kang alam, umalis na tayo at kailangan na nating magmadali bago pa tayo hanapin ng mga kasama natin." sabi niya at sinimulan na namang maglakad, ngumuso ako bago sumunod sa kanya hawak ang stick. Napangiwi ako nang sumakit ang paa ko dahil sa pagtapak.
"Saan ba kasi tayo pupunta at di pa tayo nagpaalam sa kanila?" reklamo ko habang napapangiwi dahil sa sakit ng paa ko.
"Basta sumunod ka na lang." sabi niya at lumingon sa akin. Nagulat ako nang maglakad siya pabalik sa akin at buhatin ako.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy
FantasyAkala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pero ang hindi niya alam sa pagsapit ng kanyang kaarawan ang simula ng pagbabago ng kinagisnan niyang...